Sunday, November 30, 2008

EKCHENS GIPT


Naalala ko yung ate ko, noong bata pa sya at hindi pa marunong magpanty. Krismas Parti namin sa Choir noon(akalain mong napasali ako dyan) at syempre may EKCHENS GIPT uli, dis taym tig tetrenta na.So ang ate ko eksayted din at namili na ng Curly Top at Serg (yung kalaban ng Nips noon), kaya naman ganun din sya ka-ekspek na maganda ang makukuha rin nya
Heto dumating na ang araw ng Krismas Parti, at bigayan na ng regalo,
“Okay namber payb” sabi ng maestro namin

“Ako po yun, ako po yun!!” nagkukumarat ang ate kong may hangin din ang utak

Pagkaabot ng regalo sa ate ko, hayun binuksan agad, eksyated na eksayted eh.
Pagbukas nya ng regalo halos lumuwa ang mata nya,pagbukas nya ng regalo isang wallet na kulay puti na medyo pamilyar ang hitsura, Kaya pala pamilyar eh "GIVE AWAY"pala yun ng suking tindahan ng nanay ko , tapos may nakalagay sa gitna “Aling Miling's Store”
Umatungal ng pagkalakas lakas ang ate ko, sabay sabi “PURUROT ANG NAKUHA KO, PURUROT”, eh hindi ko naman masisisi ang ate ko, eh kasi naman eh sandamakmak na wallet na may “Aling Miling's Store” ang meron sa amin.
Pag-uwi ng bahay, nasa gate pa lang ang ate ko, umaatungal na, na parang baka.

NANAY, NANAY!! Pururot ang nakuha ko, pururot!!! Na halos lumubo ang sipon at tumutulo ang laway.

Eh takang taka ang nanay ko bakit ganun na lang ang atungal ng kapatid ko.


“Eh ano ba ang nakuha mo?” tanong ng nanay ko

“Ito po!!” sabay ipinakita ng ate ko yung regalong natanggap nya, sabay singhot ng uhog

“AY!! PURUROT NGA!!!” sigaw ng nanay ko.

Naalala ko pa yung mga eksena yan sa amin. Eh nung i-trace namin kung sino ang nagbigay ng pururot na yun, napag-alaman naming yung pinsan ko pala, tapos sya rin ang nakatanggap ng regalo ng ate ko. Hehehehe!napakautak ng pinsan ko nay un, hindi man lang nag-effort.


Para sa kabuan ng blog ko na ito (pag hindi ka tinatamad basahin ito) , pakiclick lang po ang link sa ibaba:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Blogging

Naku, ngayon ko lang nalaman na dapat pala kung magboblog ka dapat konti lang, para naman medyo hindi nakakatamad basahin. Tapos gagawin mong parang dayari ang blagsayt mo para masaya. So heto uumpisahan ko muna dito tapos bukas eh simula na akong mamwisit. hehehe!!

Pero kung sakaling mahilig kayong magbabasa eh pwede naman nyong tignan yung isang blog site ko. Eh yun eh kung gusto nyo lang!!!

http://utaknidrake.blogspot.com/