Thursday, November 12, 2009

Post-Bertdey Post!

Makalipas ang dalawang araw ng aking bertdey, medyo ako ay talagang sobrang natats. Naging memorable ang bertdey ko na yon dahil mayroon isang mabait na nilalang (oo, tao sya) na nagpadeliver sa akin ng cake! At paborito ko pang flavor…. Ang chocolate flavor (hindi kasi ito tipikal, hahah). Sobra akong na-tats sa nagbigay ng cake na iyon, kaya nga alam kong pagpapalain sya ni Papa Jesas ng maraming marami dahil nagpasaya sya ng isang “creature” (nice parang halimaw lang ah).

Heto ang prueba na meron talaga akong cake nung bday ko at hindi ito isang imahinasyon lamang.









Sarap noh! At sa 27 years of existence sa planetang ito (alien??) eh ngayon lang ako naka-ihip ng kandila sa ibabaw ng cake. Syempre pagkakataon ko nang magwish, kaya pumikit ako ng matagal at nagwish na sana next year….......ube flavor naman!whahahah. Nagwish ako na sana dumami pa pera este kaibigan ko.


Heto pa ang maganda dyan, wala akong balak magblowout kasi wala naman akong pera dahil ubos na ang sweldo ko. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, tinawag ako ng boss ko at binati ng “HEYPI BERTDEY” (nagpapansin kasi ako sa kanya at nagsuot ng damit na pula). Sabay abot ng pera, sabi nya pamblow-out ko daw. Naks! Eh di na ako nagpakipot pa at binilang ko agad yung pera , joke lang,, nagpasalamat agad ako sa kanya. Kaya hayun nagkaroon ako ng pera (nagdalawang isip pa nga ako kung ipanlilibre ko talaga yun o pambibili ko ng wireless keyboard at mouse hahaha). Pero sabi ng boss ko pamblowout kaya pinamblowout ko. Napakabait talaga ng boss ko.

At heto pa ang pinakanatuwa ako ay nang biglang may nagmessage sa akin at pinapabukas sa akin ang isang video file. Akala ko naman ay sex video yun kaya naexcite ako ng konti. Pero halos tumulo ang sipon ko na ito pala ay isa ..........TENEN.......... video greetings mula sa aking pamilya. Kaya sobrang tats na tats ako, ibig sabihin nun eh marami palang nagmamahal sa tulad kong mongoloid. Para akong artista talaga na merong VTR pa , habang ininterbyu ng mga hosts ng SOP o ASAP. Ibang klase talaga nag pakiramdam.


Tapos may picture greetings pa mula sa mga fellow bloggers at mga kaibigan ko. Kaya san ka pa, ubod ng saya ng aking bertdey! Isa talaga itong bertdey na hindi ko makakalimutan!hehhehe!
Kaya sa inyong lahat maraming maraming salamat talaga. Pagpalain pa sana kayo ni Papa Jesas!

Ingat!

P.S

Para sa nagbigay ng cake maraming maraming salamat, sana wag ka munang kunin ni Lord!Isang kiss na may tunog para sa iyo....... mwaaaahhhh! hehehhe

19 comments:

Alkapon said...

Base ako ngayon.

aba! sa edad mong yan uso pa pala ang birthday cake? hindi ba pang batang musmos lang ang me ganyan? he he he

pareng drake, salamat nga pala sa pagbati, komento at dalaw mo sa aking lunga.. mabuhay ka parekoy.

iya_khin said...

enge ako ng cake!!!!

DRAKE said...

@Alkapon

Eh yun nga alkapon, hindi ko naranasan yan nung bata pa ako! HEheheh Kaya ngayon lang ako parang nagiging bata!heheh

DRAKE said...

@Iyakhin

Mafi Muskila, padadalhan kita ng isang piraso ng cake!hehehe

Ingat

♥superjaid♥ said...

parang alam kona kungsino ang nagpadala ng cake..anyway..hehehe mabait kang bata kuya dtake kayamaraming nagmamahal sayo..haypee burdee ulit!!^__^

kox said...

naks naman, ang pangarap na keyk natupad na. :D saya saya. hehehe.. penge naman! hahaha.. masaya kme kc naging masaya k nung bertdey mu. ingat kuya :D

Yanie's Ka-blags!!! said...

Drake, ang sweet naman nung nagpadala ng cake mo... uyyyy! please lang naman... pakisabi nga sa kanya malapit na rin ang birtday ko, ice cream cake ang gusto ko hah! hehe...

tapos ang pinam blow-out mo lang sa friends mo eh shawarma na KKB pa sa pepsi? may kupit ka pa sa binigay ng boss mo.

artista ka na nga talaga!! hhehe!

Hoy may utang ka sa kin na berjer hah!

DRAKE said...

@Superjaid

Sino naman ang iniisip mong nagpadala ng cake?heheheh! Syempre ako'y batang mabait kaya mapupunta ako sa langit!hahaha

DRAKE said...

@Kox

Oo nga natupad na ang akong pangarap! Hehehe! Hayaan mo ipapadala ko dyan yungisang slice ng cake, ipapa DHL ko, ano nga ba address mo?Heheh

Maramong salamat Kox ingat lagi!!

DRAKE said...

@yanie

Oo ba hayaan mo sasabihan ko syang magpadeliver na rin ng letchon dyan. Tapos matatabang alimango, crispy pata at friend chicken. Tyak high blood ang aabutin mo dyan!whahahah

Maraming salamat sa bati at sana maging masaya ka rin sa iyong kaarawan. (PLASTICCC)

ingat

Dhianz said...

sweet naman... dream come true.. yey!... we are so glad that you had a blast on 'ur birthday.... May u have more birthdayz to come and more blessings from Him.. ingatz lagi kuya Drake.. Godbless! -di

Alkapon said...

Sana yung cake mo yung giant cake, tapos me biglang lalabas na babaeng hubad sa loob, tapos saka ka nya sasayawan,gigilingan, haharotan, kekendengan..

naku sarap nun.

DRAKE said...

@Dhianz

Oo nga dream come true nga yun! Saya nga talaga ng bday ko! Syempre pinasaya mo rin ako dahil sa piktyur gritings na bigay mo!

Salamat talaga, hayaan mo ipapa DHL ko sa iyo yung isang slice din!hehhe

Ingat

DRAKE said...

@Alkapon

Oo tapos sumasayaw sya ng naka-two piece lang, dalawang pirasong tsinelas.

At paglapit mo at pag-alis mo ng icing sa mukha. Gulat na gulat ka kasi...........si POKWANG pala yun.

Hahhaha!!

Ingat bro

tim said...

sarap ng edad, eh birthday cake pla.. kasi daw ang edad n yan eh mas masarap na, kung sa pag kain luto n, kaya wala k ng problema upang lantakan.. nku edad na edad talaa. hehehehehe

Jules said...

Chocolate! Penge! =D Happy birthday.

Summer
A Writers Den
Brown Mestizo

ladyinadvance said...

(big eyes) sarap ng cake..kuya penge kahit isang slice lang...lolz

weeehhh 27 ka lang pla?..bat ba kita kinukuya eh mga sampung taon lang agwat mo sken..hahahaha...juk!

kikilabotz said...

belated..
sana maging boss ko rin ang boss mo tapos araw araw magsusuot ako ng pula. tiyak yayaman ako. hehe

Anthony said...

drake
di ako nakagawa ng pic greetings
soweee
belated na talaga...