Wednesday, March 11, 2009

Kuya Wag Poooooo!!!!!


Kahapon pumunta ako sa TELEMONEY (para magremit ng pera sa Pinas)nakapila ako ng biglang may lalaking ngumite sa akin na nasa pila (mga 3 tao ang pagitan nmin). Mukha syang sanggano eh akala ko may ngingitian sa likod ko na kakilala o kaibigan nya, kaya tumingin ako sa likod at wala namang akong nakitang tao dun. Kaya di ko pinansin, biglang lumingon uli sya at ngumite pero this time nahalata ko na na ako ang nginingitian nya, at heto kamo ang usapan namin:

Kuya: O magpapadala ka rin bas a Pilipinas?

Ako: (Hindi ba halata?kaya nga po ako pumila eh) Ah Opo kuya

Kuya: Naku wag mo na akong kuyahin, teka bakit ilang taon ka na ba?

Ako: 26 po KUYA (talagang pinagdiinan ko yung KUYA)

Kuya: Ah bata ka pa pala, wag mo na akong kuyahin. Teka maynag-aalaga na ba sa iyo

Ako: Ha??? Nanay ko! Bakit KUYA?

Kuya: Gusto mo alagaan kita

Ako: Ah di na po kaya ko po ang sarili ko (at ginawa pa akong aso, mukha ba akong alagain)

Kuya: Ah ganun ba? Naku, sayang ayaw mo nung may allowance ka lagi!!
Ako: (Gusto ko na sana syang murahin ng pagkalutong lutong) KUYA MAY TRABAHO PO AKO (hindi po ba obvious naka-neck tie ako)

Kuya: Ano ba ang cellphone number mo?

Ako: (tahimik lang, at pinapahalatang bad trip)

Kuya: Ano ba ang cellphone number mo, sige na!! Ano ba ang cellphone number mo?

Ako: (Isang sabi pa isasalaksak ko na sa kanya yung cellphone ko), Kuya di ako callboy!!


Sa pagkakataong iyon umalis na ako kasi nabubwibwisit na talaga ako. Hindi na rin ako nagpadala ng pera, sa susunod na lang kasi baka magkaroon ng riot dun. Well, hindi naman ako
kagwapuhan (cute lang daw sabi ng nanay ko), kaya nga nagtataka ako kasi pang-apat ko na atang encounter yung ganoong sitwasyon. Kaya naman hindi ko maiisip kung bakit ganun na lamang sila. Ito ang naiisip ko kung bakit ako nakakaexperience ng ganun;


a. Mukha akong callboy (eh mayroon bang callboy na naka nectie??)

b. Mukha akong pera (hahahha, baka yun pa)

c. Mukha akong uto-uto ( akala nila eh just-just ako )

d. Cute ako (malamang iyon nga)

e. All of the above (hehhehe, patay tayo dyan)


Basta ewan siguro kahit offeran ako ng 1 million hindi ako papatol sa ganun, mga 1.1 million pwede na (hahahah, joke lang). Hindi ko kayang ipagpalit ang aking katawan sa pera. Ang tagal kong inangatan ang aking puri at dangal, hehhehe. Nice parang pang Maalalala mo Kaya. Pero seriously kayak o naman siguro mabuhay na di ko kailangang ipagpalit ang aking dangal kahit pa gaanong kalaking kayamanan. Pero kung maganda babae naman ang mag-offer sa akin…….eh kalimutan mo na yung sinabi ko kanina. Hahahah!!!

6 comments:

manlalakbay said...

nakakatuwa naman itong entry mo, hehe! ^_^

gillboard said...

hahaha.. kulit ni Kuya!!! buti nakapagpigil ka... teka... nalilito ako, ang sipag mo magupdate ng dalawang blog mo...hehehe

DRAKE said...

hahahaha, eh sa totoo nyan tatlo pa nga yang blog ko na yan!! Hayaan mo may ginagawa pa akong entry tungkol dyan basahin mo bro!!

carelesshush said...

hi Drake :) bagong salta ako sa bahay mo :)

anyways, malamang kasi muka kang callboy na naka-neck tie..haha..jokeeeee...siguro kasi approachable kang tignan & lapitin ka ng tukso..hihihi

DRAKE said...

carelesshush di ako makapagcomment sa iyo, di ko alam kung bakit ayaw????
Pero salamat sa pagdaan!!

carelesshush said...

yelow! bawal daw kasi gwapo dun..nyahahaha!! try mo na lang ulit baka naginarte lang po ang wordpress :)