Alam nyo may mga bagay na matagal ko ng iniisip, halos lagi itong gumugulo sa aking isipan kaya sana matulungan nyo ako dito:
1. Ano ba ang tagalog ng CAKE? (utang na loob wag nyong sabihing ganito ang tagalog nito-“KEYK”)
2. Ano naman ang ingles ng Nanghihinayang ( Uhmmm hindi na pwede ang TSK TSK TSK)
3. Ano ang tagalog ng ICE CANDY? (YELONG MINATAMIS ba?) eh ang ICE BUKO?? (YELONG BUKO?)
4. Bakit ang tagalog ng HONEYMOON ay “PULOT-GATA”, eh di ba ang ingles ng GATA ay “COCONUT MILK” at ang tagalog naman ng MOON ay “BUWAN”. Kaya dapat kung hindi HONEYCOCONUTMILK eh dapat PULOTBUWAN.
5. Paano mo tatagaluhin ang salitang “Appliances” , “computer” o “Electronic” sa isang salita at hindi ka todong nag-eexplain?
6. Bakit masarap ang betsin? At ano ang lasa nito? ( hirap noh, parang rugby mabaho pero masarap, adik???)
7. Bakit ang langgam mahilig sa matamis, eh wala naman silang dila?Hindi kaya nasisira ang Ipin nila?Saka paano nila nalalaman na hindi asukal ang iodized salt (ako nga nagkakamali eh sila pa!hindi kaya mas matalino sila kesa sa akin??)
8. Bakit ang “TAE” saka ang “TAE NG KALABAW” pag iningles mo MURA ang kinakalabasan (Shit at Bullshit). Kaya pag tinatawag kang “SHIT” o “BULLSHIT”, sagutin mo ng “IKAW MUKHANG KUYUKOT” o di kaya sigawan mo ng “ LANGEB, LANGEB, LANGEB” sabay belat.(Teka ano nga ba ang ingles ng kuyukot at langeb??)
9. Bakit ang pusod natin mabaho?(sige subukan mong kalikutin ang pusod mo saka mo amuyin? Ano amoy????)
10. Pag ang dalawang tao nagyayabangan ang sinasabi natin “Nagpapataasan sila ng ihe”, eh pag ang dalawang babae nagyayabangan pwede rin ba nating sabihing “nagpapataasan din sila ng ihe????” (Paano kaya yun?)
Konti lang yan sa dami ng mga bagay na gumugulo sa aking malabnaw na utak. Sana matulungan nyo akong masagot ang mga bagay na ito para mapabuti ko at umunlad ang aking buhay. Malaki ang maitutulong nito sa aking pang araw-araw na pamumuhay.
Salamat.
7 comments:
At talagang sineryoso ko mga tanong mo.. sorry, pero number 2 lang ang alam ko... hehehe
2. regretful
Hindi ba ang regretful ay "nagsisisi"???? Parang hindi eh!!
ahahaha! nice-nice-nice! ano nga ba ang tagalog sa keyk...
yung lasa ng betsin?? umami according to chef rosebud haha
Makikisawsaw ako sa pagsagot dito...
#2 regretting...
#6 ang lasa daw ng vetsin ay tinatawag na "umami" (parang linamnam). yun yung sinasabi sa Ajinomoto. Nagpatulong pa ako dati kay Google maintindihan ko lang yang umami na yan.
#9 natatawa ako dito pero tinry ko kasi napaisip ako kung totoo... sorry to say walang amoy ang pusod ko. Siguro dahil di nalilinisan kaya mabaho. Kailangan mo nang linisan yan! hehehe
Yan lang ang nafeel kong seryosohin. Yun iba kasi di ko masagot...napapaisip din ako :P
hahaha..naloka ako katatawa. Hindi ko alam ano yong langeb at kuyukob. Saka bat mabaho naman ang pusod? baka kulang lang sa ligo.
hahahaha.... natawa ako swear!
Post a Comment