Monday, May 25, 2009

BUSY EH!!!


Grabe tagal ko na pala akong entry dito sa blog ko na ito! Medyo akala ko kaya kong iuupdate ito araw araw eh medyo mahirap din pala kasi syempre may kanya kanya tayong pinagkakaabalahanan (ang haba pala ng word na ito) sa buhay.
Teka ano ano nga ba ang mga ginawa ko:


1. Naadik sa Naruto Shippuuden

Grabe itong anime na ito nakakaadik, daig pa ang isang litrong cough syrup at isang sakong dahon ng kamoteng kahoy. Nagsimula ako ng alas syete ng gabi natatapos ako ng alas-dose kakapanood sa mga nadownload kong episode. Medyo halos pumutok ang eyeballs ko kakatutok sa TV, at tumulo ng isang drum ang laway ko kakapanood kay Naruto. Pero da best talaga to, ibang iba kay Hello Kitty at kay babaeng niyog na si Dora d explorer.

2. Kumain ng binusang mais

Tulad ng Naruto eh medyo naadik ako dyan sa binusang mais na yan. Akala ko ata ay gilingan ng mais ang bunganga ko kasi dakot dakot na mais ang pinagngunguya ko. Di ko napansin ay halos puro pala bestin at asin ang dumdikit dikit sa mais nay un. Kaya medyo naapektuhan ang bato ko, kaya pag umiihi ako may Kristal na sumasama at gumagasgas sa aking kuwan (alam nyo nay un). Balak ko sanang salain ang ihi ko para makuha yung mga Kristal malay mo pwede ko palang gawing singsing, kumbaga parang diamante (why not coconut)

3. Maginternet

Talaga palang malawak ang internet, lahat nandun na. Ang galing din ang nakaisip nyan no, kasi dahil sa kanya nawalan ng trabaho ang mga nagbebenta ng encyclopedia , ang mga kartero, at kung sino sino pa . At dahil sa internet dumami ang mga kaibigan mo, pwede kang maging kahit sino. Kumbaga manguha ka lang ng piktyur ng mga artista at ipost mo sa account mo, hala instant celebrity ka na at marami na ring mag-iinvite sa iyo. Minsan nga nakita ko sa “shoutout” ni Marian Rivera kasi nasa prenster ko sya ang nakalagay dun “HILLO MGA KAPRINSTIR!!!”, kamusta naman yun (tiga saan ba si Marian??)

Medyo nagagawa mo kung ano ang gusto mo sa internet. Kung nababagot ka pwedeng manood ka sa youtube kung dati pangungulangot at pagpapalobo ng laway ko sa bibig lang ang ginagawa ko pag nababagot ako ngayon may youtube na, ay medyo nakakalimutan ko na ang mga habit ko na iyon (teka bat di ako makahinga, di kaya malaki na ang kulangot ko sa ilong) .

4. Magtrabaho

Nakalimutan ko pala may trabaho pala ako!!! Syempre empleyado din naman ako. Yun nga lang nakakabuwist pag nakakaabala ang trabaho sa chatting, pag-iinternet, panonood ng ng naruto, pag-uupdate ko sa prenster, pagtingin sa youtube at pagkain ko ng binusang mais. Medyo lahat ng yan ay ginagawa ko habang nagtatrabaho. Hahahaha!! Ganun talaga para-paraan lang yan. Kumbaga sa kape ALL-IN ONE!! Pero mas lalo ako namomorebla kasi di pa ibinibigay yung increase ko???Hay kelan kaya yun?


Yan ang mga pinagkakabalahanan ko ngayon.Medyo makabuluhan at prodaktibo naman ang mga iyon at malaki ang maitutulong nyan sa buhay ko. Pero pwamis din lagi akong mag-uupdate na ng blog ko!!


HAY HAY!!BUHAY!!

No comments: