Monday, June 1, 2009

X-RAY VISION

Alam nyo medyo mayroon akong kakaibang kapangyarihan. Di ko nga alam kung matatawag na kapangyarihan yun, pero sa totoo lang may kakayahan akong malaman ang ugali ng isang tao sa pamamagitan ng isang tingin lang. Walang akong X-RAY vision katulad ni Superman at hindi rin ako nagsusuot ng brief sa labas ng pantalon (hindi kaya nagchochongke itong si Superman, lakas ng trip eh), pero sa totoo lang isang tingin ko palang sa tao na yun alam ko na agad ang ugali nya, kahinaan nya, anong klase syang nilalang o kung ano ang mga kapuwitan nya sa buhay.


Kaya naman alam ko na kung paano sya papakisamahan. Dalawa lang naman yan eh kung okay ba sya o hindi. Kung okay sya eh kaya kong pakisamahan ang lahat ng trip nya meaning kung gusto nyang kumain ng blade na may ketchup (basta yung UFC) o di kaya magtambling sa mga bubog basta ba nakalagay ang bubog sa foam o kutson (syempre baka mabagok ang ulo namin) eh kaya kong sakyan yun.Pero kung una palang taob ka na sa akin eh kahit bigyan mo ako ng teks, holen at isang bungkos ng goma di mo pa rin akong mapipilit sumama sa iyo (pwera na lang kung sasamahan nya ng isang kahong gagamba at isang supot ng bayabas, eh baka mapasama ako sa iyo)


Namimili rin ako ng kausap, kasi may mga tao kasi na bangka lang ng bangka pero walang kalatoy latoy ang mga lumalabas sa bibig nya. Yun tipong daig pa si lola basyang kung magkwento ng ka-BORING-ngan, kaya madalas ang ginagawa ko nagsasabi na lang ako ng “ Teka sandali lang matatae na ako, pwedeng mamaya na lang”. Tapos di na ako babalik nun. O di kaya bibilugin ko ang kulangot ko sabay pitik sa kanya (kailangan shoot na shoot sa bibig). Tingnan ko lang kung di sya tumigil sa kakakwento.


Di naman ako masamang tao, at hindi rin akong masyadong maselan. Pinipili ko lang ang sasamahan ko at kakaibiganin ko. Kasi pag naging kaibigan mo na ako, tyak walang mang-iiwan sa iyo sa ere. Handang magpayo at magpautang sa iyo (basta ba may tubo eh, joke lang), at laging handang tumulong sa iyo. Ganyan ako, mabait pero sira-ulo din. Kaya totoo ang kasabihang “Nobody’s perfect” kaya wag ka na rin magpractice kasi di totoo ang kasabihang “Practice makes perfect”. (OO KORNI AKO AT DI AKO KALBO KAYA GANYAN AKO)

3 comments:

gillboard said...

pareho tayo... mapili rin ako sa mga kakaibiganin... sabi kasi nila ugali ko daw may pagkaloyal kaya yung mga taong dapat makinabang nun, eh yung mga karapatdapat.. hehehe

Blogger Expert said...

We are provides good Funny free wallpaper and free background wallpaper , funny wallpaper blog at all etc...........here : http://wallpaperblogs.blogspot.com/

DRAKE said...

Kampay mo pareng Gillboard!!