Wednesday, June 17, 2009

EPAL KO!!!


Marami akong ugali, paborito at kawirduhan at ito ay ilan lamang sa mga iyon:

1. Hilig kong ngatngatin ang kuko hanggang magkasugat sugat na ang mga daliri ko.
2. Hindi ko alam ang kanan at kaliwa. Buti na lang may nunal ako sa kamay para alam ko ang kaliwang kamay ko. Tanungin mo ako kung ano ang kaliwang paa wala na di ko na alam.
3. Gustong gusto kong papakin ang Milo, Ovaltine at Nido kesa timplahin
4. Di ako kumakain ng talaba, tahong, hipon at alimango kahit di ako allergic dyan. Di ko lang gusto lasa
5. Hindi ko kayang tumayo ng matagal na di ako umiikot at lumalakad
6. Nagsusulat ng kodigo sa arm chair, at laging naghihiram ng calculator sa katabi
7. Di ako kumakain ng gulay. Nagsusuka ako sa ampalaya at nandidiri sa okra
8. Makakalimutin
9. Kinakausap , kinakaaway, nakikpagdebate at pinapayuhan ko ang sarili ko
10. Nababaduyan sa kulay orange na damit
11. Tumatayo ng isang oras pagkatapos kumain
12. Paboritong gawing sawsawan ang mayonnaise
13. Mahilig sa piniritong baboy
14. Di kumakain ng isda maliban sa tilapia, bangus at galunggong
15. Madalas makitae sa Jolibee-Malolos
16. Maigsi ang atensyon, parang kiti kiting hindi mapakalali pag may seminar o meeting
17. Sinasabihang mukhang tuturyok, butiking laot at nognog nung bata
18. Malalaki kung magsulat
19. Madiin kung magsulat
20. Magaling mang-uto
21. Uto-uto rin
22. Ginawa kong gel ang kanin dahil wala akong pera
23. Di kumakain ng tuyo, pero mahilig sa sardinas
24. Nagkabulate sa tyan nung bata, halos 1 metro ang haba
25. Napukpok ang kamay ng titser kasi pwedeng tamnam ng palay ang kuko ko
26. Mahilig manood ng TV kahit di naiintindihan ang palabas
27. Iisa ang style ng buhok mula highschool hanggang ngayon
28. Nadapa sa tae ng kalabaw una ang mukha
29. Kinasusuklaman ang Salbakuta lalo na ang kantang STUPID LAB
30. KYUT AKO


Marami pa yan pero yan muna tyak mukhang kilalang kilala nyo na ako…. Next time na lang!!

4 comments:

gillboard said...

2. Hindi ko alam ang kanan at kaliwa. Buti na lang may nunal ako sa kamay para alam ko ang kaliwang kamay ko. Tanungin mo ako kung ano ang kaliwang paa wala na di ko na alam.

-ishape mo yung daliri mo ng L... kung ano yung kashape ng L yun yung kaliwa... yun yung palatandaan ko ng left and right... bobo din ako dyan eh.. hehehe

DRAKE said...

Oo nga ano, ang galing! Ngayon alam ko na ang kaliwa ko using your technique. Iniisip ko baka nga may pagkadyslectic ako.Hehhee

Salamat brad

roanne said...

meron ka rin pala nito B1! hehe

pareho tayo sa:
2-alam ko ung right and left ko pero di ko nalilito ako sa push and pull
3, 5, 6, 8, 9, 12, 23-spanish sardines, 29

Rah said...

Akala ko ayaw ko din ng salbakuta dati. Pero lately lang, gustong gusto ko pala ng mga jologs na rap. Yung naririnig sa jeep na biyaheng Antipolo, yung mga bumabayo ng jeep na may rip off na beat at melody, tas sobrang jologs ng rap na kanta, abnormal pero gusto ko talaga, hindi ko lang alam kung saan makakabili ng maraming mga ganon na kanta, wala naman sa you tube.