Sunday, June 7, 2009

GUSTO KONG GIP


Pag may gusto akong isang bagay masyado akong atat at hindi mapakali. Hindi ko pwedeng ipagpabukas ang mga iyon kasi tyak di ako makakatulog ng mahimbing. Sa totoo lang taon-taon nireregaluhan ko ang sarili ko ng pinakagusto kong bagay o gamit (pero kalimitan puro gadget). Ito na ang pampalubag loob ko sa isang taong pagtatrabaho at pagreremit ng pera sa aking PAMILI. Medyo wala na kasing natitira sa sweldo ko kasi syempre mas kailangan nila ang pera sa Pinas kaysa mas kailangan ko dito sa Saudi. Kaya todo tipid ako dito para sa kanila, kahit na magdildil ako ng asin dito (joke lang nagdadrama lang ako!!syempre asin na may kasamang isang buong manok at kanin)


Back tayo sa ireregalo ko sa sarili ko. Well, naatat akong bigla ng makita ko ang TV ng barkada ko dito sa Saudi, ang ubod laking SONY BRAVIA LCD TV 42 inches, ultimo buhok sa ilong ni Katrina Halili at kulangot ni Willie ay makikita mo sa laki at linaw. Medyo aamin ko na-inggit ako, syempre medyo bespren ko kasi ang T.V .Ito ang pampaalis homesick ko sa loob ng apat na taon ko sa Saudi.


Kaya naman naman bilang ganti sa aking sarili (ayos MEGANUN!) eh bibili ako ng LCD TV kahit yung 32 inches lang. Medyo after 3 months pa kasi magbabayad ako ng renta ng bahay dito. Ito na rin ang regalo ko this year sa aking sarili, mura lang naman dito nun eh, at makakabili rin ako nun basta 2 buwan akong kakain ng noodles at sardinas, at di muna ako kakain ng shawarma medyo paminsan minsan na lang. Basta ito ang pagtutuunan ko ng pansin………. TV TV TV TV at TV. Kahit magka swine flu ako dito basta may SONY BRAVIA LCD TV lang ako, hahaha!!Jokies lang.


Hayaan nyo babalitaan ko kayo pag nakabili na ako.

3 comments:

isladenebz said...

Buti ka pa.

Ako kahit gaano ko kagustong bumili ng 32-inch LCD, d pwede. Hindi naman sa wala akong pambili. Kung hindi dahil maliit lang ang kwarto ko. Kasya lang ang kama at tokador. Kapag may malaki pa ang tv, paglabas ko tuwing umaga, duling na ang mata ko sa lapit ko sa monitor.

Kaya ang first gip 2 may selp ko? Malaking kwarto.

DRAKE said...

Oo nga ano hehehe!! Piktyuran mo nman tpos post mo sa blogsite mo kung napalakihan mo na.pleassee!!
Ingat at salamat sa pagbasa

gillboard said...

pwede ba ako manghingi ng regalo sayo?