Mahilig ako sa Japanese Horror Movies, kaya naman kahit mag-isa lang ako nanonood ay talagang pinapanood ko. Kakatuwa nga kasi di na nila kailangan pang maglagay ng prosthetics o kaya mag-import pa ng mga halimaw para lang makapanakot, isang boteng pulbos lang ang ilagay sa buong pagmumukha eh nakakatakot na. At isa pa sa nakakahanga sa kanila, laging may misteryong bumabalot sa mga multong ito, mare-reveal lang ito sa huli kaya kailangan mo talagang tutukan. Tapos yung katapusan nya may pambitin pa yung tipong hahanapin mo ang kasunod. Natatandaan ko noong minsang nanood ak mag-isa halos hindi ako makatulog kasi baka may tumabi sa aking babaeng nakachinchansu at pandilatan ako ng mata.Paranoid na paranoid talaga ako nung gabi na yun. Kaya kinabukasan, pwedeng pagtamnan ng kamoteng kahoy ang mata ko sa kapal ng eyebag.
Syempre usapang Japenese Horror Movies ito eh ito ang top 5 Scariest Japanese Movies para sa akin.
5. The Ring
Di ako masyadong natakot dito pero na-excite ako sa misteryo ng kwento.Ito ang unang Japanese Horror Film na napanood ko.
EB in Manila and Singapore
-
HELLLO!!! Kamusta na mga kautak?? Dyos ko pong pineapple juice, halos isang
taon na pala akong walang post. Dyos miyo…pasensya naman medyo hindi ko rin
a...
13 years ago
2 comments:
Pinanood ko yung Imprint... fuck nanghina ako. Pero maganda...
Shunga ka hindi ko to ginaya! Hmm madownload nga yang reincarnation na yan... yan na lang ang hindi ko napanood...
yung the eye hindi ata japanese yun
Post a Comment