Batang Shaider ako, ito ang isa sa pinakapaborito kong palabas noong bata pa ako. Kaya naman sobra akong na-adik sa palabas na yan. Kaya naman ganun na lang ako magmakaawa sa nanay maibili lang ako ng sapatos na shadier (yung umiilaw ilaw). Kaso talagang patigasan kami ng nanay kasi ayaw nyang bilhin yung sapatos ni Shaider kasi nga greyd por na raw ako at di na bagay sa akin. Pero mas matigas ako sa kanya, kasi tinaymingan kong nagsisimba kami at duon ako maglulupasay sa loob ng simbahan kung di nya bibilhin yun. Eh buti naman umepek kasi nakatingin ang lahat ng tao sa kanya, hehhehe!Wala magawa ang nanay kundi bilhin ang sapatos at kurutin ako ng pinong pino na hindi halata ng ibang tao. Yan ang akting , panalo!
*Kuhang papogi!Naks sa pose!
Naalala ko pa nun nagpupustahan kaming magpipinsan kung ano ang gagamitin ni Shaider sa pagpatay ng halimaw, kung malaking baril o robot.Bukod pa kung anong kulay ng panti ni Annie (ang labtim ni Shaider). Madalas akong manalo kasi kolor koordineyted ata si Annie kung ano kulay ng palda nya yun ang kulay ng panti nya.
* Huli ka!! Kulay dilaw ang panti mo Annie!!
Piktyur ng Annie ko!!
Si Puma ley-ar ang lider ng kaaway, akalain mong nangingitlog eh lalaking halimaw sya. Astig!! Pero kung akala nyo bading si Puma-ley ar ay nagkakamali kayo. Dahil si IDA ang bading dun! Nagoyo ako ni Ida nung bata, akala ko babae sya yung pala....... isa syang SIRENA. Nito ko lang nalaman na bading na alien pala sya at malakas ang tama nya kay Shadier kaya inggit na inggit sya sa aking "Annie may lab". Naiingit sya sa panti ni Annie, palibhasa di bagay sa kanya ang mini-skirt. Kailangan ipakain sya sa time space warp (TIME SPACE WARD NGAYON DIN)
*Tingnan nyo parang kukuhanan lang ng class picture:
*Yan si Puma Lay ar- Ang halimaw na lalaki na nangingitlog!!
Syempre hinding hindi ko makakalimutan ang timsong nilang “Ushigi shigi mankantawu uwah (u shishigi)” . Iyan ang pampatulog ko noong araw, at yan din ang paborito kong kanta noon syempre with dance move pa!! Heto yun oh,
Sa ngayon, balita ko patay na yung bida ng Shaider na si Hiroshi Tsuburaya dahil sa kanser sa atay dahil lasenggero pala sya sa totoong buhay at si Annie naman o Naomi Morinaga ay naging bold star naman (may kinalaman siguro ang panti nya), buhay pa ata sya!
BASTA PARA SA AKIN ......... ASTIG KA SHAIDER!
3 comments:
akalain mo yun, may nababalita pa pala tungkol kay shaider...
ang lam ko bago pa naging si annie si annie, eh bold star na talaga siya...
tru! tumpak! Si Ida ay naninirahan sa aming kaharian at isang tunay na veykla! :)
i love your new blog here :) sulat ka pa ha :)
dalaw ka din sa kaharian kech :) mwah!
alam ko may urban legend noonb kabataan ko na namatay si pink 5 ata? or si yellow 4? nadaganan daw ng isa sa mga halimaw ni le-ar http://moreducation.weebly.com/index.html
Post a Comment