Thursday, July 16, 2009

HAPI MANSARI


Kahapon nag cha-chat kami ng aking pinakamamahal na gelpren kapahon ng biglang syang magtanong sa akin:

Labidabs ko: Ney (short 4 honey,hehhee), wala ka bang naalala ngayon?


Ako: Wala bakit?


Labidabs ko: Hindi nga Ney,wala ka bang naalala


Ako: Wala ano ba yun?


Labidabs ko: Isipin mo, ney!


Ako: Uhmmm, bertdey mo ba? Teka di ba September pa yun?


Labidabs ko: Ano ka ba? Hindi!


Ako: Eh wag mo na akong pahirapan, sige sirit na!


Labidabs ko: Ano ka ba magtatampo na ako sa iyo!


Ako: Sori Ney, di ko talaga alam!


Labidabs ko: Nakalimutan mo bang monthsary natin ngayon?


Ako: Ha?Ano tayo “Hayskul”!Hahaha! Jologs naman nun


Labidabs ko: Ganun!!!!!

After nun hindi na sya nagreply, alam ko galit yun kasi di ko na nga binati eh pinatawanan ko pa!Pero naman hanggang ngayon di ko maisip kung bakit may monthsary-monthsary pa! Eh ulitimo dictionary eh nalito kung san nakuha yang salitang yan. Saka sige kung hayskul pa kami kyut pa, pero aba medyo matatanda na kami para sa ganyan! Parang kajologsan ata yun (Hahaha, eh yung “NEY” hindi ba jologs??)

Saka sa tagal na namin at alam naman nya na hindi ako nambabati ng monthsary. Ngayon pa sya nagdemand!hehhehe! Kasi nga hindi ko makita yung punto, dahil ba para mayroong i-celebrate kada buwan. Hindi sa kuripot ako kaya ayaw ko nyan pero sa akin lang pwede namang kahit anong petsa o araw, hindi ba?Pwede ring araw-araw!Hehehe!

Hindi magandang binibilang para sa akin ang buwan, kasi mas mahalaga sa akin ang pagbilang ng taon. Ang pagbibilang ng buwan kung gaano kayo katagal ay parang pagbibigay ng taning sa relasyon nyo! Mas magandang asamin ang “anniversary” kesa monthsary. Saka mas meaningful kung minsan sa isang taon lang ito ise-celebrate, parang pasko o kaya birthday kesa magasgas ito kasi buwan-buwan, minsan tuloy nawawalan ng saysay at tila parang obligasyon na lang ito.
Eh ito’y sa akin lamang!Syempre iba yung sa inyo tungkol sa monthsary na yan! Alam kong marami sa inyo ang hindi sasang-ayon sa akin. Pero ganun talaga iba ang tae ko sa tae mo!

Pero ang mas hindi ko kinaya at bumaligtad ang sikmura ko nung nagcomment yung kaibigan ko sa bago nyang GF ng “ PANGGA,HAPPY WEEKSARY!!!!” Patay tayo sa yo tengggggggg!!! Wala na ayoko ko na talaga!

6 comments:

kox said...

lols.. hapi weeksary! anu yan boy?! hahaha..

ako din hindi nambabati! hahaha.. sang ayon ako sau, pero kawawa nman c gf mu!

BlogusVox said...

Sobrang inlab lang sayo ang lab mo kaya ganyan sya! Siguro ikaw ang unang boypren nya! :)

Kahit nagmumukhang mais ka na sa kakornihan, pagbigyan mo na. Sabi nga "only fools fall in love"!

PABLONG PABLING said...

huy belated parekoy. :)

-binObogart- said...

dumaan kami. hapee manchareeseo...

xoxo krisler xoxo said...

meron pa lng weeksary?...hahhaha...grabe nmn...

♥superjaid♥ said...

wahahaha wto pa ang matindi may daysary pa noh..hahaha pero ang ala ko kaya may monthsary eh para yun dun sa mga di pa umaabot ng 1 year..