Sunday, August 16, 2009

Pag Yumaman Ako


Madalas akong managinip ng gising, iniisip ko ano kaya ang gagawin ko sa pera kung sakaling ako ang pinakamayamang tao sa mundo. Kung sakaling ako ay isang gazillionaire (imbento ko lang yan!) yung tipong mga hampaslupa at patay-gutom ang mga bilyonaryo sa mundo. Ano kaya ang mga bibilhin ko? Syempre ginagastos ko na yung pera ko sa aking utak, at ito ang ilan sa gagawin ko sa pera.


1. Maglalakbay ako sa ibat ibang panig ng mundo ( kung medyo sawa na ako sa dito sa Earth susubukan kong magbisikleta sa buwan at uminom ng kape sa planetang Uranus)

2. Bibili ako ng malaking bahay (Gagawin kong hobby ang pagbili ng bahay at lupa) .Gagawin kong parang mane ang mga diamante.Ang gold naman gagawin ko lang syang toothpick.

3. Bibili ako ng maraming sasakyan ( yun tipong parang nagpapalit ka lang ng brief, uhmmm teka ilang beses ba akong magpalit ng brief?palitan ko na nga lang baka konti lang mabili ko , yun tipong parang nagpapalit lang ako ng.. ng…… …….. sige brief na nga lang uli wala akong maisip eh )

4. Gagawin kong katulong si Bill Gates tapos ang yaya ko naman si Oprah. Si Bradd Pitt hardinero ko lang yun tapos si Megan Fox eh gagawin ko syang tagalagay ng bimpo sa likod ko kapag pinagpapawisan. Driver ko naman si Zobel de Ayala at tagakamot ko si Lucio Tan.

5. Bibilhin ko ang GMA 7 at ABS-CBN para kung anong palabas lang ang gusto kong panoorin ay iyon lang ang ipapalabas nila. Bawal sa akin ang koreanovela at ban sa aking ang programa ni Willie.

6. Kukuha ako ng taong mangungulangot sa akin,para hindi na mahirapan ang hinlalaki ko. Meron din akong tagalinis ng tutuli, at taga-alis ng muta ko sa umaga. Tagalagay ng alcohol sa kamay at katawan ko, kada segundo.

7. Gagawin kong Orphanage ang Malacanang para sa street children, tapos bibilhin ko ang mga subdivision ng Ayala Land o ni Manny Villar at ito ang ipapamudmod ko sa mga mahihirap. Magpapatayo rin ako ng simbahan na may apat na palapag para maiba naman tapos si Pope ang magmimisa dito kada Miyerkules. (kailangan daw kasing magkawang-gawa)

8. Magpapatayo ako ng isang mall sa aking bakuran, at dito ako mamimili. Ayaw ko kasing ng makipagsiksikan pa sa maraming tao kaya magpapatayo ako ng sariling mall. At gagawin kong salesman si Henry Sy (sa tindahan ng sapatos ko sya ilalagay)

9. Dahil wala akong magawa sa pera ko katulad ni Michael Jackson (sumalangit nawa ang kaluluwa nya) , eh gusto ko rin magpagwapo. Kaya magpapalaser ako…….magpapalaser sword ako ng ulo then papalitan ito ng ibat-ibang ulo. Yung parang detachable ang ulo tapos ang ipapalit ko sa ulo ko ay ulo ng mga artista at sikat, para sikat din ako. Araw araw iba iba ang ulo para masaya.

10. Syempre sa dami ng pinagkakagastusan ko baka maubos ang kayamanan ko. Kaya para ma-maintain ko ang pagiging mayaman, tataya ako sa lotto. Lahat ng kombinasyon tatayaan ko at araw araw akong tataya. Bibilhin ko rin ang lahat ng Casino tapos syempre dahil ako ang may-ari lagi kong papanaluhin ang sarili ko. Kung hindi ko makuha sa ganyan, bibili ako ng imprentahan ng pera. Kaya pwede akong mag-imprenta ng limpak limpak na salapi.

Yan ay ilan lamang sa gagawin ko sa aking kayamanan, medyo nakakapagod din palang gastusin ang pera kahit iniisip mo lang ito. Pero sa huli maiisip mo mahirap din pala ang maraming pera pero mas lalong mahirap kung wala kang pera.


Salamat sa pagbasa ng walang kwenta kong entry.

9 comments:

♥superjaid♥ said...

kapag naging gazillionaire ka na kuya drake penge akong pera huh??hehehe

HARI NG SABLAY said...

pag yumaman ako pamimigay ko lang kahit kanino, amplastic ko noh,

Jepoy said...

Pag Yumaman ako papamigay ko lahat ng pera sa Orphanage...

Wag ka ng umapila pa!

Fine!

mag titira ako ng konti para sakin lolz

patola said...

hahahahaha.. natawa ako... hmm... pag yumaman ako,.. ano kaya gagawin ko? haizzz.. kakatamad mag isip.. next time nalang ako mag iisip kapag yumaman na nga ako.. hehehe... kuya.. add kita sa blogroll ko para makabalik naman ako dito...

DRAKE said...

@Supejaid

Walang problema bibigyan kita ng isang bilyong............Thank you!hehehe (sakim)

@Hari ng Sablay

PLASTICCCCCCCCCC

@Jepoy

Sige na nga! Mabait ka na!

@Patola

naadd na kita!!Thenks

KunthanRaj said...

hi buddy nice cool blog keep up the great work...have a blow...:)

check mine and ping ur comments..


Total NonSense

Kablogie said...

Pag yumaman ako?....Lahat ng hollywood star na magaganda at sexy ay bibigyan ko ng indescent proposal tapos sa local entertainment naman eh si Maricay Reyes lang! (hahahahah wala pakielamanan pera ko yun eh!)

Pero syempre tutulong ako sa mga alipin saguiguilid, alipin namamahay, sa mga hampas lupa at marami pang iba na less fortunate! =)

Goryo said...

kapag yumaman ako mag-ha-hire ako ng holdupper para holdapin ako.. (grabe ang yaman ko.. ahihihi)

DRAKE said...

@Kablogie

Pwede ba akong maging extra dyan sa iniisip mo na yan!please lang

@Goryo

Ako na lang ang hohold-up sa iyo heheheh