Saturday, August 8, 2009

Tips sa pagpapayat (Siryus to!!)



Nung isang buwan halos lumubo ako at halos magsingkatawan na kami ni Yogi Bear dahil sa katabaan. Marami na ang nakakapansin na halos maging dalawa na ang baba ko. Kaya medyo nakonsyus naman ako ng konti. Naalala ko tuloy ang masasakit na pananalita ang aking eks gelpren noon, na ako daw ay mukhang “SEBONG NAGLALAKAD” at “LITSON MAY DALAWANG PAA” (et horts koya idi), dahil doon pinakulam ko sya este nagsumikap na akong magpapayat ng sobra at mag-gym.


Ngayon nauulit na ang senaryo na yun, kasi nakita ko ang sarili kong mukhang nakalulon ng pakwan sa laki ng tyan at mukhang may 4 na anak na! Kaya naman balik ako sa pag-eexercise at pagdidiet. Medyo nakatulong ang halos araw araw na pagjojogging at pagkain ng prutas kada gabi kaya balik uli ako sa katawang pangmodel (kapal ng mukha!!!hahaha!)


Kaya kung gusto nyo ba ng instant pagpapayat heto ang aking mga tips sa pagpapayat:


1. Wag gugutumin ang sarili. Kontian lang ang servings ng pagkain mo (liitan din ang plato para magoyo mo ang sarili mo na marami na ang pagkain mo sa plato). Kung ginugutom ka kumain pero konti lang. Kada subo ng pagkain isang baso ng tubig ang katumbas (ice tea kung sosyal ka) para madali kang mabusog

2. Wag tiisin ang sarili. Okay lang kumain ng ice cream at kung ano ano pang gusto mo, ang mahalaga konti lang. At pag natikman na tigilan na ang paglamon, wag kang pasaway.

3. Mag-exercise. Sa umpisa lang yan mahirap, pero habang sumasakit ang katawan mo isipin na umeepekto na ang exercise mo. Kaya ito ang pampadagdag motibasyon mo. Mag set ng oras kung kelan ka mag-eexercise. Maglagay ng salamin sa harap para nakikita mo ang sarili mo (magpakyut ka na rin sa salamin para masaya)

4. Tubig , juice o ice tea kapalit ang softdrink. Malakas kasi magpataba ang softdrink. Uminom ng maraming tubig kahit mabondat ka sa tubig gawin mo yun.

5. Prutas kapalit ang junk food. Medyo ngayon ko pa lang din sinisimulan ito, so far medyo epektib naman talaga. Prutas lang din ang kainin mo after six (hindi sex ha) after six P.M. Okay lang na mabusog ka sa prutas kasi di naman yun nakkakataba. Pero kung gusto mo talaga ng ng may makukutkot bakit di mo subukang kutkutin ang sugat mo!hahaha! Joke lang! pop corn na lang pero wag damihan ang asin.

Subakan ang 5 easy steps na ito sa loob ng 2 linggo. Pag nalampasan mo na ang 2 linggo tyak magiging parte na ito ng lifestyle mo at papayat ka na rin. Maniwala ka sa akin papayat ka rin. Ngayon kung hindi ka pumayat sa five easy steps ko na yan tyak dinaya mo ang tips na ito. Mandaraya ka pala eh! At dahil mandaraya ka..................hindi na kita bate!!Isusumbong kita sa nanay ko!huhuhuhu!


Isipin na hindi lang pamapagwapo o pampaganda ang pagpapayat (lalo na kung di ka naman talaga gwapo o maganda) ang totoong epekto nito ay nakakabuti ito sa ating kalusugan (sa iba baligtad sekondaryo lang ang mabuting kalusugan at number sa kanila ang papagwapo/pampaganda pero wala tayong magagawa dyan trip nila yun, walang pakialamanan ng trip)


Wag mong isipin na pwedeng makuha ito sa madalian, lalo na sa larangan ng cosmetic surgery. Wag isipin na makukuha ito sa liposuction lalo na’t wala ka namang pera. Intayin mo na lang ang “kaluluwa transplant”, at least pwede kang mamili kung kaninong katawan ang gusto mo.


Basta pangalagaan ang sarili dahil walang mag-aalaga sa iyo kundi sarili mo lang. Wag ka ngang pabeybi! Malaki ka na at bilog na utot mo kaya pangalagaan ang sarili.


Ingat

29 comments:

♥superjaid♥ said...

haha ang kulet mo talaga kuya drake, ahehe sayang di ko to magagawa kasi nagpapataba naman ako, may maibibigay ka bang mga tips dyan?Ü

bosyo said...

paki plantsa, lukot lukot yung damit ng bata,,hehehe

kox said...

hehehe.. anu ba yan?! wahahaha..
ayoko na mag papayat, bala mamatay akol. tips para tumaba nman, hehe..

DRAKE said...

@Superjaid

Sige gagawa ako ng tips para dyan

@Bosyo
Hayaan mo ipapa-laundry ko muna yung bata

@Kox
Seksi ka naman kox eh di na kailangang magpayat o magpataba

HARI NG SABLAY said...

alam ko ngcoment ako dito bt hndi napost?haha osiya heto sana sasabihin ko...

ok mga tips mo,may tip ka rin ba pampaliit ng tiyan?kasi wala ng paglagyan ang mga vitamins ko... tulad ng gin,empe,redhorse

DRAKE said...

@Hari ng sablay

di mo subukang hiwain ng kutsilyo yung taba sa may tyan!hehehe!Joke lang

Ingat

Goryo said...
This comment has been removed by the author.
Goryo said...

hmmm.. may ti ka ba kung pano papayatin ang greed ng mga kurakot na mga pulitiko?

dalaw ka dito --> Pilipinas

Jepoy said...

Letche! Para ba sakin tong post na ito! Muka ba akong sebong nag lalakad?! I hate your life! Fine ako ay isang sebong nag lalakad! Pogi naman :-D

DRAKE said...

@Goryo

Hopeless case na kasi yun eh!!


@Jepoy
May pag-asa pa pre!! hahahha

vonfire said...

hello drake!...This is my first time to comment on ur cool blog.

Actually di naman ako ung super taba kaya lang pansin ko lumalaki ang aking "belly" (dahil sa kakainom ng beer!) ayan tuloy nawawala ang aking alindog! (he!..he!)

Yang mga tips mo- looks like ilalagay ko sa hukay ang isa kong paa pero zige, gagawin ko for the sake of my body figure!

have a nice day! :)

Cavite Portal said...

kulet ng blog,
hinabol na kita, habulin mo rin sana ang blog ko. follow me. thank u

Hanna said...

hahaha ur funny po...pero astig lol...thanks... hay medjo tumataba na kasi ako eh...call center me work kaya walang ginawa kundi kumain umupo at matulog hay...thanks men :)
godbless

Joana said...

H! NIce blog!! very informative and funny!

Daniel said...

Tips sa pagpapayat? Mataba Ako!

mommy che said...

hahaha..cute naman..dagdag kaalaman.:-)

naughtytin said...

Nice

Unknown said...

Hayssss .sana umipektib siya sa loob ng one month

Unknown said...

Hayssss .sana umipektib siya sa loob ng one month

eljhay rala said...

natuwa nmn aq dto,,, ang kulit lng ng blog

DvoVirtualTech said...


LOSE 5lbs in 5 days! Hindi ka naniniwala?


Rachael Ray Talks About Total Life Changes and about losing weight on.fb.me/1ngF3AU

Dr. OZ Talks About Total Life Changes and about losing weight fast on.fb.me/1Q4oCCQ

See just how effective those wrinkles and lines are eliminated in as short as 2 minutes on.fb.me/1N5ZOUA

More and more people are testifying! on.fb.me/1ZZ3bpQ


For orders abroad you may visit this link bit.ly/1ZXbPVD you can place this IBO# 6905291


ASK ME HOW! Your MEMBERSHIP gets you the chance to get 50% discount in all your future purchases! To SAVE on shipping, tag 5 friends with you and all together enjoy the benefit of being HEALTHY and making MORE MONEY! Join US! on.fb.me/1J2BOH4

Unknown said...

Nakakatuwa naman to! Kulit ni kuya 😀

Fatimajoy Resplandor said...

Katuwa naman to 😆

Unknown said...

Nakaka tuwa tlga.. Hbang binabasa q toh tawa q ng tawa ..nyahaha

sel said...

Ahehe :) itatry q tuh mawawalan nq ng work hehe kaya focus n muna q s pagpapapayat habang nag iintay ng next work ..sana tumalab ha-ha .. Kailangan q talaga ng healthy lifestyle :) thanks poh s informative tips :)

sel said...

Ahehe :) itatry q tuh mawawalan nq ng work hehe kaya focus n muna q s pagpapapayat habang nag iintay ng next work ..sana tumalab ha-ha .. Kailangan q talaga ng healthy lifestyle :) thanks poh s informative tips :)

Jayrome Martinez said...

tips para tumaba.kain ng kain oras oras.ewan ko lang kung d ka tataba.kain tapos tulog ka agad.

Jayrome Martinez said...

mag suicide bomber ka.patay yang mga korakot na yan

Shana Belarmino said...

Lol..thankss dito ..pag di ako pumayat Patay ka saken..lol..haha