Wednesday, September 16, 2009

FARMVILLE


Nung minsang magkakasama kaming magkakabarkada, nag-uusap si Tom saka si Christian tungkol sa bukid . Kinakamusta ni Tom si Christian kung nakapagtanim na sya sa bukid nya?At kung pwede daw syang bigyan ng baka?Gulat ako kaya nagtanong ako:

Ako: Pre may hacienda kayo?

Tom: Wala pre! Farmville yun sa Facebook!
.
Ako: Ha ano ba yun?

Tom: Virtual world yun, parang SIMS ganun!May sarili kang bukid at papalaguin mo yun. Para kang may totoong bukirin.

Ako: GANUN!! Ano na namang kapuwitan ‘yang nalalaman nyo na yan!

Sa totoo lang hindi ko alam yang Farmville na yan, na halos bukambibig na ng lahat ng taong kilala ko. At siguro kahit alam ko yan wala akong balak makisali sa ganyang mga pakulo. Isa pa may bukid talaga kami na sinasaka ng tatay ko kaya siguro tamad na tamad akong makipuwet pa sa ganyan.

Kaya tinanong ko si Tom ( sa laki nyang tao hindi mo aakalain mahilig din sya dito)

Ako: Pre ano ba nakukuha nyo dyan sa Farmville-Farmville na yan?

Tom: Wala, nakakalibang lang.

Ako: Kikita ka ba dyan?Meron bang pera sa Farmville na yan?

Tom: Wala, libangan lang talaga ito pre!

Ako: Ganun ba, eh mangungulangot na lang ako para maglibang!hhehe

Siguro kung sakaling kakaririn ko yang Farmville na ‘yan, tyak malalago na ang plantasyon ko at malusog na malusog ang aking mga baboy, bibe, baka at kung ano ano pa. Medyo maluwag kasi ako sa oras plus may internet ako sa ofis at bahay. Pati cellphone ko may sariling internet din.
.
.
Ito ang modern day tamagotchi, na alam kong naki-uso din ako nun! Para akong tangang lukong luko sa alaga kong isda sa tamagotchi na nageevolve at nagiging aso kapag pinakain mo ng madalas. Meron din akong kisses (yung parang maliliit na tawas na ibat-ibang kulay at mabango) na ang sabi kapag nilagay mo daw ito sa kahon ng posporo na may bulak ay manganganak daw ito at dadami (akalain mong nauto rin ako ng matandang tindera na yun noong elementary ako). Ngayon ko lang napag-isip isip na paanong manganganak ang mga kisses na yun eh wala naman silang mga matres? Pati rin yung magic paper na kapag inilagay mo sa tubig eh dadami. Isa pa ulit kapuwitan ng tinderang nang-uuto lang ng estudyante medaling maniwala sa sabi-sabi (kasama ako dun).

Teka back uli tayo sa Farmville, kung hindi nyo naitatanong eh nakapag-araro na rin ako , gumapas (ani) at bumunot ng damo sa aming tunay na bukid. Halos nabiyak na rin ang mga paa ko dahil sa mga bwisit na mga kuhol at suso na yan. Gumagamit din ako ng hand-tractor o kuliglig sa pag-aararo at kalabaw naman sa pagsusuyod . Nagsusuga din ako ng aming kalabaw, kambing at baka noong bata pa ako bago pumasok. Pero yun nga lang tuwing kinukwento ko ito sa ibang tao, walang naniniwala (Hehehe, ganyan talaga pag hitsurang mayaman ka!naks!hahahah!joke lang).Meron din kaming bibe, itikl, manok, puno ng kaymito , tsiko, guyabano, buko, sampalok sa aming bakuran. Yun nga lang wala na kaming kalabaw, baka at kambing ngayon, baboy na lang ang inaalagaan ng mga nanay ko. Dati may nagrarasyon (delivery in English) sa amin ng gatas ng kalabaw at kesong puti pero ngayon wala na! (Tingnan nyo probinsyang probinsya talaga ang dating! )

Basta alam kong marami ng naadik sa Farmville/Farmtown na yan kasama na dyan si Kablogie (naks may plugging pa! hoy pre advertisement ito, kaya nasan na yung bayad mo?), hindi ko alam kung anong hiwagang bumabalot sa larong yan. Pero sabagay kanya kanya l Basta ako Masaya pa rin ako sa pangungulangot o panonood ng mga porn movies este movies lang pala.

Basta kanya kanya yan ng trip kaya walang pakialaman!!!

18 comments:

Kablogie said...

Wahaha....ako ang unang mag comment! At salamat sa libreng advertisement! (*XOXO!*) uso na ata ang free ads ngaun ah! Well, kung adik na adik na kayo sa Farmville na eh wala na tayo magagawa kundi ang magpaka gumom! Buti na mag farmville kesa mag drugs! (di ba may foint ako?) I love this entry!

DRAKE said...

Pre walang libre ngayon kaya magbayad ka sa advertisement!heheh Wla kasi pera ngayon pero ikaw marami! KATIR FULOS INTA!!hahah

Pautang nga brod!!!

dahil una kang magcomment may discount ka sa advertisement!hahh

♥superjaid♥ said...

Ak, kaya ako adik adikan sa pagsasaka sa fb eh dahil wala akong alam sa tunay na pagsasaka basta lamon lang ako ng lamon ng mga bagong harvest na fruits ng mga kamaganak at super friends ko, hahaha Ü

Jepoy said...

Talagang dapat bang dalawang blogsite ang imaintain?! Pero na aliw ako sa bukid story mo :-D

DRAKE said...

@Superjaid

Kaya nga, mahirap talagang magtrabaho sa bukid. Kaya nga nagsumikap kaming magtapos dahil yan ang panakot ng tatay ko

@Jepoy

Tatlo pa nga yan Jepoy eh!LOLS

blogsngpinoy said...

hi! sorry i can't seem to find a place anywhere else in your blog to leave this message..just wanna invite you to register for free at (,") BLOGS NG PINOY (",), the online directory of blogs made by pinoys worldwide! :) registering is just like an exchange links concept. click on the "MAGPALISTA NA!" link on the page for instructions :) take care!

blogsngpinoy said...

hi! tnx for registering at BNP!
pareho lang po ba ang description sa dalawang blogs na isinumite nyo? :) buzz me on my chat box :)

kox said...

mag sasaka.. hehehe.. ang dami nyong mag sasaka. lols :)) ayokong i-open ang farmville sa fb ko, natatakot akong ma adik muli.

Yanie's Ka-blags!!! said...

Dati sa Mafia Wars ako addik... kaya ako nawala saglit sa site kasi nagpa-rehab ako, bloody kasi ang laro na yun eh... sa ngayon magaling na ako kaya Vampire Wars naman ang tinitira ko hehehe.

Wala ka sa nanay ko, yun addik sa Fish World... talagang may calculator pa siya sa tabi niya para mag compute kung magkano ang kikitain niya sa pagbebenta ng mga tilapia at bangus niya... hahahah!

DRAKE said...

@Kox

Adik ka rin pala dyan sa Farmville na yan!heheh

@Yanie

Naku mukha nga kayong administrator ng FB dahil halos laging kayo ang laman ng FB!heheh!Hayaan mo gagawa ako ng sariling application sa FB hehehe!! Adikville!

Dhianz said...

hahaha... kaya wabz kita kuyah eh.. u always make meeh smile sa mga entries moh... graveh... as in hahaha... tawa akob nang tawa... silently laughing ang drama.. ahahaha.. ano daw...

teka nga... ano bah kokomentz koh.... yang farmville nah yan.. takte.. wala ren akong idea 'cause i'm no so addicted to FB myself.. not till today... well... nde tlagah adikted pero kinda natuwa... but i feel like itz juz a waste of time though... gusto koh lang makipagchikahan sa mga friends koh minsan don... well i know sometimes u got some much in 'ur friendlists pero dehinz moh naman friends lahat and sometimes u dont' feel like talkin' to them... juz sayin'... ang layo koh sa topic.. hahaha... eniweiz.. farmville.. i tried dat kanina... yey i got some points and ribbon and watever... and now i think i'm waitin ' for some of my craps to grow... and harvest it agian i guess... and give it away... well i don't get it... ang natuwa lang akoh kinda.. ahh don sa pet society... again kahibangan lang and d' best way to waste 'ur time i guess... naaliw lang akoh sa pet...

natawa akoh sau kuyah don sa kisses when i was a kid... wala pagn muwang sa mundo... i was told 'bout d' same thing don sa kisses... ang bango bango non... nag-eexist pa ren bah ang kisses?... yeah.. ganonz den ginawa koh.. nilagah koh sa kahon nang posporo... manganganak daw... ahahaha... tapos.. nde koh alam kung tanga lang tlgah.. mga sumunod na araw.. i was like i think... oh dumami nah silah... ahhaha.. ewan...

eniweiz tamagochi.. heard 'bout it... noon i think sobrang nauso pero nde akoh kasama don... 'la sa bundok.. haha... eniweiz i think very addicting den noh?...

so tlgah... nag-araro kah noon... hirap non devah... well my parents were tellin' us 'bout it.. actually it was more my dad who experienced it.. naks.. dad... sosi... haha.. biro lang.. tatay koh.. so 'unz... dehinz daw easy... at least now u don't have to all those hard stuff.... ngaun mas sosi kah na at mas mukhagn yamin... ahehhe...

so u dont' get addicted so much w/ games?... anong usually kinaadikan moh... curious lang... ahhh.. hehe.. teka.. naalala koh lang.. natawa akoh sa sinabi moh... mangulangot na lang... ahaha... hangkuletz moh...

sige nah... essay nah toh... salamat sa madalas na pagdalaw sa aking mansyon kuyah ha... i appreciate it... *hugz*... Godbless! -di

Dhianz said...

ang haba palah nang komentz koh.. ahahha... pasensya nemen... hehe... 'la namang sense ang iba...ahaha.. laterz kuyah... =)

DRAKE said...

@Dhianz,

Para sa iyo walang mahaba o maikling comment kasi naapreciate ko lahat yun (**please insert beautiful eyes here***)

Medyo wala talagang naniniwala sa akin kapag sinasabi kong nagsaka ako noon, hahahha!

Tungkol sa kinakaadikan ko, tama ka wla akong hilig sa games (brick game lang) adik ako sa TV!Sobra bigyan mo lang ako ng TV sa kwarto buhay na ako!hehhehe!

Ingat at salamat lagi sa pagdalaw!

rico de buco said...

okei ha..kaw pla ang may hacienda eh..gapas? tgasan ka ba..gapas din twag namin sa pag-aani eh..

DRAKE said...

@rico de buco

Gapas din ang tawag sa inyo, hehehe! Tiga-bulacan ako, ikaw ba?

Salamat sa comment

kheed said...

ahahaha madami na talagang nauuto nitong mga games sa fb.. kahit ako eh, adik na ako dyan.. samahan pa ng mafia wars.. add mo nga ako as neybor dyan sa farmville ahehe, o kaya bilhin mo ko as pet sa friends for sale..

iya_khin said...

magsasaka ka pala! gusto ko yun! sa bukid nakatira,kaso di ako pinalad ng kagaya sayo...

sa isdaan ako lumaki..pero masaya din kasi nakakasama ako sa laot at nakakakain ng fresh na isda!hehe

ladyinadvance said...

hahaha kakaaliw naman pero tama ka ang daming naadik sa Farmville, farmtown at kung anong anik-anik pa...isa na ko dun pero nakakasawa din lalo na't hindi ka naman kumikita sa 22ong buhay...lolz!