Monday, September 28, 2009

Inosente si Ondoy




.
,

,
,
,
,
,
,
,
,

Kasabay ng pagsikat ng bagyong Ondoy dahil sa kanyang taglay na kabangisan at pagsikat ni Jacque Bermejo dahil naman sa kanyang angking kaepalan (sino sya?I-google search at tyak maiinis ka sa mga banat nya), marami talagang taong naapektuhan ng bagyong ito. Pati ang lugar naming hindi bahain ay binaha na rin kaya nag-alaga muna ang nanay ng tilapia sa loob ng aming sala para mapakinabangan naman namin ang baha.

Subalit,ngunit, dadapwat hindi natin pwede isisi ang lahat kay Ondoy, kasi sa totoo lang wala sa kanya ang problema. Dahil bagyo syang likha lamang ng kalikasan, inosente sya sa lahat ng ito. Wag natin syang husgahan at paratangan na mamatay tao dahil ang totoo TAYO ang may kasalanan nito. Bakit? dahil......................

Una, sino ba ang kumakalbo ng kagubatan?Si Ondoy ba?Hindi, kundi TAYO


Pangalawa, sino ba ang nagtatapon ng basura sa mga estero o kanal para magbara ito at bahain?Si Ondoy ba?Hindi, kundi TAYO


Pangatlo, sino ba ang nagpapatayo ng mga village sa gilid ng bundok?Si Ondoy ba?Hindi, si Manny Villar este TAYO pala. Kaya natatapyas ang bundok at nagkakaroon ng landslide



Pang-apat, sino ba ang hindi nagtatanim ng puno para pumigil sa baha?Si Ondoy ba?Hindi, kundi dapat TAYO


Panlima, sino ba ang hindi nag-aayos ng Drainage System natin?Si Ondoy ba?Hindi, kundi ang MMDA este TAYO pala (at ang MMDA kasi dapat Team Effort yun)


Pang-anim, sino ba ang dapat mangalaga at magmalasakit sa kalikasan?Si Ondoy ba?Hindi, si Lito Atienza ba ng DENR (na tatay ni kuya Kim, tama ba ako?) .Hindi, kundi TAYO rin at responsibilidad natin ito.


Mahirap magsisihan kasi pare-pareho tayong guilty (at mukhang si Jacque lang ang hindi guilty dahil sya ay banal at walang bahid kasalanan.......sabi nya). Hindi ito ganti ng kalikasan o parusa ng Dyos kasi tayo ang gumawa nito at tayong lahat ang may kasalanan nito. Hindi gumaganti ang kalikasan kasi wala naman syang isip, at TAYO ang may isip.

Kaso natuto ba tayo sa pagkamaling ito?Hindi rin, ganun uli at mag-iintay na lang uli ng isa pang superbagyong eepal uli sa ating bansang PILIPINS.


Ika nga “prevention is better than cure”, kung sana’y magagawa nating magmalasakit sa kalikasan baka sakaling maiwasan ang sakunang ito sa mga darating na araw pa. Pero duda ako kung gumawa tayo ng aksyon tungkol dito, tulad din ng bagyong Rosing, Miling at kung sino sino pang bagyong nagpapakyut, eh ganun din babalik lang din sa dati. Hindi pa ba tayo natuto sa nangyari sa Ormoc?Nagyon ba matuto na tayo sa nangyari? Ewan ko parang hindi rin!


Kaya inosente si ONDOY, tayo ang GUILTY! Sana hindi na maulit ito sa atin. Ako, guilting-guilty dyan kaya tutulungan ko na ang tatay ko sa bukid para magtanim ng puno ng Alatiris at bayabas para makatulong ako sa buong sangkatauhan.


Praise God at safe ang pamilya ko!


Oo nga pala, alam nyo ba na habang todo nagpapakyut si bagyong Ondoy ay kasalukuyan namang binibiyak ang ate ko (ceasarian kasi) kasi manganganak na siya. Buti talaga saktong tinatahi na ng duktor ang tyan nya nung nawalan ng kuryente at pumasok ang baha sa ospital. Saktong sakto talaga kaya Praise God uli.


At dahil lalaki ang anak ng ate ko at kasalukuyang nagpapakyut ang bagyong Ondoy nung pinapanganak ang baby nya, ang ipinangalan nila sa anak nila ay …………………………………………… Kenneth.hehhehe akala nyo Ondoy noh!kawawa naman yung bata kung yun ang pangalan nya!Jologs na jologs!




Ayaw ko rin ang palayaw ng aking pamangkin ay "undoy"dahil parang kapangalan ng halimaw ni Manilyn sa Shake Rattle and Roll (UNDIN pala yun). Ang gusto kong palayaw ng aking kyut na kyut na pamangkin (na manang mana sa tito) ay........................DRAKE, grabe ganda ng nikneym


Sana okay kayong lahat!!!


P.S

Tungkol kay Jacque, hayaan nyo na sya at wag na lang patulan may tao talagang insensitive meaning wala silang apdo, baga at esophagus, kaya hayaan mo na lang kasi may balik din ang lahat.

Pero kyut sya sa pix ah, mukhang type ko syang syotain! Pero iniisip ko baka kung maging syota ko yun at kunwari naaksidente ako baka imbes na tulungan ako bigla nya akong sabihang:

"You know Drake you're such a loser" saby L sign sa noo na parang si Angelina

Eh baka pitikin ko ang tenga nya sabay pahid ng siling labuyo sa mata nya, hahahha joke lang

10 comments:

Anonymous said...

isang natural na kalamidad
itigil na ang sisihan
hawak kamay
-papasok ang awitin ni yeng para dramatik-

Joel said...

okay naman kami..

tama ka naman sa mga sinabi mo, wala naman kasalanan si ondoy, dapat matuto na din talaga tayo..

kaya AKO MISMO makikiisa para magalaga sa kalikasan..

DRAKE said...

@Anthony,

Dahil ikaw ang unang nagcomment mayroon ka sa aking TShirt na makukuha sa evacuation center.

@Kheed

Tama ka AKO MISMO, ikaw MISKO DIN.
Seriously, dapat matuto na tayo. Hindi na tayo nagtanda nung nagyari sa Ormoc, heto trahedya uli, hindi pa rin ba tayo matuto?

Kablogie said...

Tatakbo ka ba ng pagkapangulo ng pinas? Joke! hahaha..

Pero tama ka bro, tayong mga tao ang naging abuso sa kalikasan at hindi natin ito napangalagaan..

Anonymous said...

the tragedy already happened and nothing we can do but help those unfortunate victims of the calamity..

i am hopping here to appeal for prayers for the victims of the typhoon that hit the Philippines..

tnx and God bless!

DRAKE said...

@Kablogie

Hahahah mag ma-mayor muna ako bro tapos mangungurakot para may pondo ako sa presidential eleksyon!hahahha

@Lielmarie

Maraming salamat po sa pagbisita!Hayaan mo palalakasin natin ang signal natin kay bro thru prayers. Ingat

Anonymous said...

@drake: gusto ko yung pera na lang :D

iya_khin said...

shu hada! natawa ako dun sa UNDUY ni Manilyn!
..di ko napigilan! LOLZ

Anonymous said...

hahahaha so true...

ohhmmmgee na22wa ako sa blog mo, kakaenjoy naman magbasa....

Better Than Coffee said...

speaking of jacque bermejo. naaawa na ako sa kanya. she said an awful thing and pays dearly for it. never underestimate the power of the internet.


love,
nobe

www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com