Saturday, October 3, 2009

BWISIT KA! TIGILAN MO AKO!!!!

Ano ba! Tigilan mo ako!


Kung wala kang magawa sa buhay mo, huwag ako ang guluhin mo. Hindi mo ba nakikita na abala ako sa ibat ibang bagay! At marami akong mahahalagang gagawin kaysa pag-aksayahan ka ng panahon!


Siraulo ka palang talaga eh! At ano yang binubulong bulong mo na yan! Talaga ka palang nang-iinis kang talaga eh!!


Nakakarami ka na sa akin buwisit ka! Una pinalalampas ko lang yang ginagawa mo sa akin, dahil hindi kita napapansin. Pero wag kang abusado, at huwag ako ang pagdiskitahan mo.
Pwede ba lumayas ka na sa harapan ko, huwag na huwag kang lalapit sa akin. Lumayas ka na sabi ko! Alis! Alis ! Alis!


Teka ano ginagawa mo dito, di ba kanina pa kita pinaaalis. Bakit ka ba balik pa ng balik dito. Lumayas ka sa harap ko! Layas!!!!!


Palibhasa may makukuha ka sa akin kaya ayaw mo akong tantanan.Palibhasa kumpara sa mga taong binubwisit mo rin ay ako na ang pinakamabait! Pero may katapusan din ang lahat! At isa kang bwisit dahil wala naman akong napapala sa iyo, at puro ikaw lang ang nakikinabang sa akin!



At talagang nang-iinis ka pa! Bulong ka pa ng bulong dyan! Sige lumapit ka ngayon! Kung ayaw mong umalis, sige lumapit ka sa akin para makita mo ang hinahanap mo! Lumapit ka!Sige lapit!

Teka ngayon nagtatago ka! Duwag ka pala eh ngayong kukumprotahin kita, nagtatago ka! Harapin mo ako duwag!!! Harapin mo ako at hindi iyong nangugulo ka habang abalang abala ako sa maraming bagay. Ayaw kong masayang ang oras ko sa iyo, kaya wag mo akong guluhin! Bwisit!


Isa pa subukan mo uling lumapit binabalaan kita kung hindi mo ako titigilan, ipinalangin mo na, na sana hindi ka na binuhay ng nanay mo ring walang ginawa kundi mamwisit ng ibang tao.

Pareho kayong walang kwenta at hindi na dapat kayo binubuhay sa mundong ito!! Magsama kayong lahat na mga walang kwenta !

Ngayon, kung hindi mo talaga ako titigilan, may kalalagyan kang bwisit ka at hindi ako mangingiming magdanak ng dugo sa aking mga kamay para lang mawala ka sa mundong ito. Hindi ako magdadalawang isip na BURAHIN ka sa mapa ng mundo!


Humahanap lang ako ng tyempo at pag natyempuhan kita!Humanda ka! Ako mismo ang papatay sa iyo bwist ka!!

Sige mamwisit ka pa! Sige lang! Kung ayaw mo akong tigilan, hindi rin kita titigilan hanggang sa mapatay kita!


P.S


Hindi ako masamang tao! Siguro kung kayo ang nasa katayuan ako masasabi nyo rin ito! Para makilala nyo kung sino ang bwisit na ito! Paki-click lang ITO

26 comments:

Yanie's Ka-blags!!! said...

Drake naman, maawa ka naman sa kapatid mo... kaw talaga oo... tsk, walang awa!
:D



teka, meron ba niyan jan sa KSA?

DRAKE said...

Hahaha!May ganun!

Bihira, pero natymepuhan pa ako! Kakatkot nga eh iba pala ang lamok sa Saudi, kakatakot!

Sana di ako madengue!heheh

Teka at dahil ikaw ang unang agcomment, pasalubungan kita ng isang supot na lamok!hahahha

Ingat

Yanie's Ka-blags!!! said...

Nyahaha! pwede magrequest? pwede sugar coated? hahaha!

Kelan ka uwi Pinas? I-stop over mo dito hah, wag ka alala libre kita sa Emirates Towers! tig one night niyo ni KABLOGIE Bwwaahahaha!

kheed said...

naman naman, akala ko naman kung sino kaaway mo, lamok lang pala ahehe

DRAKE said...

Whahaha! Sige lalagyan ko pa ng mane para mas masarap!

Uuwi ako ng December 15 (tentative) hindi na kami mag-aabot ni Rhea kasi December 4 ata sya balik!

Ikaw kelan ba?

Hindi ako magstostop-over dyan pero pupunta ako sa Haj Holiday dyan! Sinabi mo ha, libre ako ng isang gabi ha! (at please tig isang kwarto kami ni Kablogie, kasi kung magkasama kami nyan baka ako reypin nya!Mukha pa man din syang arabo!hahaha)

ano sabay tayo uwi!

DRAKE said...

@Kheed

hhehehe akala mo kung sino na noh! Kheed salamat sa pagbisita! Pansin ko di ka gaanong nagpopost sa blog mo!

ingat!

DRAKE said...

@Kheed

hhehehe akala mo kung sino na noh! Kheed salamat sa pagbisita! Pansin ko di ka gaanong nagpopost sa blog mo!

ingat!

Yanie's Ka-blags!!! said...

teka.. teka.. anong kwarto ang pinagsasabi mo? ang ibig ko sabihin eh tig-isang gabi niyo ng walang sawang shawarma sa tabi ng emirates towers... kaw ha, masyado kang demanding hehe..

naka book ako ng nov25-dec17. pero inaantay ko pang manalo ako sa lotto para sa pambili ko ng ticket.

kelan daw ang haj holiday? next year pa yata yun eh! hmmpff!

DRAKE said...

hindi na Yanie kung dadyuhin ko pa ang shawarma mo dyan sa dubai!heheh

Ang Haj ay sa November na! Isang linggo ulit walang pasok! yehey!

Teka hindi ba sagot ng company nyo yung ticket mo??? Saka kung matuloy ka man nyan! Eh baka hindi pala tayo magkita kasi Dec 15 nga ang uwi ko!

Reschedule mo na lang Yanie, libre kita ng lugaw saka tokwat baboy sa pinas!heheh

Yanie's Ka-blags!!! said...

drake, mas masaya yata kung ikaw ang mag-adjust ng schedule mo... at tsaka bakit biglang naging cheap ang ililibre mo sakin, sabi mo pag nagsabay tayo lilibre moko dun sa (nakalimutan ko na yung class na resto na sinabi mo, basta alam ko klas un)

ibig sabihin next month ka na pupunta ditech, ay ang saya, sige sigawan mo lang ako, susunduin kita sa airport with matching red carpet and band... haha (na pang piyesta)

all inclusive na sa sweldo namin ang air-ticket nami kaya ya, sagot ko ticket ko...

hala re-sched mo na biyahe mo... pero oks lang kc lam ko dadalo ka pa nung PEBA awards, nafi-feel mo kasing mananalo ka dun eh heheh! good lak!

gillboard said...

bwisit talaga yang mga lamok na yan... buti na lang wala masyado ngayon niyan sa bahay namin...

DRAKE said...

Magchat na lang kaya tayo Yanie!hahahha

Hidni ko p sigurado kung pupunta ako dyan ksi tulad mo wala rin akong pera!Hahahha! Skaa pauwi rin ako eh!

Tungkol naman sa ililibre ko sa iyo, kung sakaling papalitan mo ang booking mo! Libre kita sa outback at ikaw nman sa italiannis!

Tungkol sa PEBA, cra mamaya malasin pa at hindi man lang ako makabilang sa top 10.hahahha!

Hoy!Yanie yung italiannis ko ha!

DRAKE said...

@Gillboard

Ang sosyal sosyal mo naman!walang lamok sa inyo! Siguro sa payatas este sa Forbes ka nakatira!

Totyal!

Ingat pre!

Jerick (the former Curbside Puppet) said...

i knew it! haha!

Kablogie said...

Akala ko pre may sayad ka na eh! Tatawag na sana ako sa mental hospital! :D

DRAKE said...

@Jerick

Tumpak ba?Parang bugtong lang no!mahaba lang!

@Kablogie

Pre kailangan mo pa rin akong dalhin sa Mental dahil matagal na akong may sayad!Hindi mo ba pansin!hahaha

iya_khin said...

sabi ko na eh! i have the feeling...peste talagang lamok na yan, buti nalang walang lamok dito nakaligtas na din ako sa kanila!

kox said...

hala! hahaha.. kawawang lamok. lamok kc, wag kang lalapit kay kuya drake, naichismis ka tuloy nya dito sa blogosphere. haha

DRAKE said...

@iya

Inadd kita sa blogroll ko ha!Salamat sa pagbisita

@Kox

Okay na kox napatay ko na sya kahapon! Luko yun ang dami nyang nainom na dugo sa akin!Kaya ngayon sabog ang baga at atay nya!hahhaha

Anthony said...

bwakana... ako pa makikipagunahan sau pumatay dyan sa lamok na yan, ma dengue pa tayo jan

DRAKE said...

@Anthony

Heheheh! Unahan na lang tayo, mahuli pumatay sa lamok may tae sa puwet!hahahha

Goryo said...

Kamusta? me lamok pba?

zencya na sobrang naging hectic ang schedule ng lolo Goryo.. tumakbo, lumangoy, nagpa-spah, nagtanggal ng tinga, etzetera etzetera.. salamat at di kayo nagsawang dumalaw at bumisita sa aking mumunting tambayan.

diko maipapangako na hindi ako magiging busy sa mga darating na araw subalit pipilitin kong bumisita sa mga tambayan once in a while.. mabuhay kayo!!! =)

♥superjaid♥ said...

kawawang lamok..bat kasi si kuya drake pa ang pinuntirya mo..tsk tsk..hehehe ^__^

Klet Makulet said...

tama pala ang hula ko. lamok nga. hehehehe upakan na yan!!!! madugo nga lang pero di ka maguguilty pag napatay mo wehehehehhe

DRAKE said...

@goryo

Okay lang pre hayaan mo iintayin namin ang iyong pagbabalik!hahahah

@Superjaid

Tama ka mali ang pinutirya ng bwisit na lamok na yan!

@Klet Makulet

At dahil tama ang hula mo mayroon kang krispy kreme sa akin kaso dito mo pa kukunin sa saudi.hehhe

Solo said...

Hahaha! Kakatawa nmn tong post moh, kala koh may kaaway kna tlgang tao haha. ;D

Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy