Saturday, October 31, 2009

HABERDEY!!



November na pala bukas, grabe ang bilis talaga ng panahon. Ibig sabihin din nyan malapit na ang pasko, at higit sa lahat malapit na rin ang BERTDEY ko!



Oo tama ang iyong nabasa, hindi ako putok sa buho o isang nilalang na biglang nalang sumulpot dito sa ating planeta. Nagbebertdey din ako , kala nyo ba! Pero alam nyo mayroon akong sasabihin sa inyo. Ka-emohan mang matatawag pero alam nyo ba na kahit minsan ay hindi pa ako nakakaranas na magkaroon ng keyk sa aking bertdey. Pangarap kong umihip man lang ng kandila sa ibabaw ng aking bertdey keyk habang nakapikit at nagwiwish. Pero talagang wala eh, gusto ko sanang regaluhan ang sarili ko nito pero naisip ko..parang niloloko ko lang ang sarili ko. Mongoloid??


Umabot ako sa ganitong edad na hindi ko man lang nararanasan ang ganyan, at isang beses lang ako pinaghanda ng aking magulang sa aking berdey (palabok at tinapay lang ang handa ko, tinipid pa ang rekado at palaman ng tinapay ko). At ang hindi ko pa makakalimutan ay noong pinaalalahan ko ang aking tatay na magsisimba ako kinabukasan kasi bertdey ko, kaya gisingin nya ako ng maaga. Pero hayun hindi ako ginising at nagsimba sila. Pagdating sa bahay nagulat pa sila kung bakit maaga akong nagising! Sabi ko wala ba kayong naalala?Sabi nila…uhmmm wala bakit may ano ba? Akala ko ginugudtaym lang nila ako, pero yun pala totoong nakalimutan nila na bertdey ko at nakalimutan nilang gisingin ako ng maaga para magsimba. Hayun natampo talaga ako dahil para namang wala akong kwenta at silbi. Minsan lang sa isang taon ako bebertdey at misan lang din ako magsisimba, nakalimutan pa nila. Lahat ng kapatid ko ginigising nila pag bertdey nila, may bati pa yun samantalang ako wala lang.. Alam ko namang lab na lab nila ako pero yun nga lang lagi ko pa ring naalala ang pangyayaring iyon kapag sasapit na bertdey ko.


Kakaunti lang ang bumabati kapag bertdey ko dahil halos hindi ko na naman kasi pinapahalata na bertdey ko. Hindi ako nagsuuot ng pula, at lalong hindi ako ngumingiti bawat oras kapag bertdey ko. Parang ordinaryong araw lang, at tanging mga malalapit na tao lang sa buhay ko ang nakakaalam nito. Kaya sobrang tats na tats ako kapag binabati nila ako, kahit na minsan forwarded messages lang yun kasi ibang pangalan ang nakasulat imbes na pangalan ko. Pero okay lang!


Dati noong estudyante pa ako, ayaw kong pumasok kapag bertdey ko kasi ayaw kong maging “center of attention”nila. Ibig sabihin nun ayaw kong lagi nila akong kantyawan na kailangan lagi akong maging mabait sa kanila at kailangang ilibre ko sila. Ano sila sinuswerte,sino ako? si Santa Claus? Kaya mas maiging pang umabsent na lang at manood ng Sesame’s Street sa bahay. Dahil pagkatapos ng bertdey ko, wala lang nakalimutan na nila.


Sobrang natatats din ako kapag may nagreregalo sa akin. Minsan lang ako regaluhan at madalas pang brief saka panyo at regalo nila sa akin.Yung brief extra large pa ang size, eh wala naman akong luslos! Hindi ko alam kug bakit brief at panyo ang regalo nila siguro dahil nakikita nila parang bacon ang garter ng brief ko, o di kaya nakikita nilang tumutulo ang sipon kong green na green. O baka dahil mura lang yun at ito rin ang regalong hindi nangangailangan ng sobrang pag-iisip. Sabagay sino ba naman ako para regaluhan? Pero ano pa mang regalo yun tats na tas ako.
Nga pala November 10 ang bertdey ko, ngayon kung gusto nyo akong bigyan ng “picture greetings” maraming maraming salamat, paki padala nyo na lang dito: drake_kula@yahoo.com. Ayaw kong magmakaawa pero kung pinadalhan mo ako n picture greeting ibig sabihin nun labs mo ako,kaya labs na rin kita!Pakiss nga! Pero sabi ko nga ulit, sino ba naman ako para bigyan ng picture greeting?Asa pa!


Konti lang kayong kaibigan ko dito sa blosphere, kaya hindi naman ako nageexpect na marami ang magbibigay ng picture greetings, pero sa mga babati eh hindi nyo lang alam kung gaano ako magiging masaya kahit dalawa lang kayo o tatlo. Hindi naman ako naiingit kay Jepoy, kasi marami naman talagang kaibigan ang nagsasalitang ponkan na yun (peace man) . Masaya na akong may bumabati sa akin, at sa mga hindi babati sa akin, next year magbebertdey kayo at sana maging last bertdey nyo yun este sana magkaroon pa kayo ng maraming marami pang bertdey!Babatiin ko kayo pramis!Hidni naman ako gumaganti.hehhee!


Emo ako ngayon dahil madadagdagan na naman ang edad ko! Salamat sa pagbasa.


Ingat

23 comments:

wait said...

advance Happy Bertday boi ! ill try to do a bday greeting card : D

RICO said...

oi painom k nman birthday mo pla hehehe cge na cge na cge na

DRAKE said...

@Wait

Maraming maraming salamat ha! Sobrang natats naman ako dun!

Add kita parekoy!

Ingat

DRAKE said...

@Rico

Hehehe sige ba, dayo ka dito sa Riyadh pre!hehehe! Rico pwede hingi ng favor! Heheh Pwede mo kong bigyan ng picture greetings!heheh Kung pwede lang naman!

Ingat

spinx said...

oi. nagka cake lang ako noong 1st birthday ko, di ko naman ma feel ang pag ihip ng kandila kasi wala pa akong muwang, pero happy birthday!...advance...pa burger ka naman!

iya_khin said...

wawa ka naman, o sya sige gagawan kita ng picture greeting..paghahadnaan ko, kasalukuyan kasing di pa ako naliligo habang binabasa ko itong kwento mo..kakadehins naman sayo!

o sya wait..wait mo lang sa email mo ha@ siguro by next year madownload mo na rin yun! ehehe! peace!

iya_khin said...
This comment has been removed by the author.
kheed said...

iyak ako ng iyak pagkabasa ko ng entry mo ahahaha..

pero dahil mahal din kita (pakiss nga) padadalhan kita ng picture greeting ko..

ladyinadvance said...

huwaaww advance happe berdey sau kuya drake...hihihi..pwde pa bang humabol sa pekyors greetings?hihihihihi...

DRAKE said...

@Spinx

Pre maraming maraming salamat sa picture greetings mo!! Ingat lagi!

Drake

DRAKE said...

@iya khin

ANg bait bait mo naman iyakhin! Ikaw pa eh photogenic ka! Salamat in advance iintayin ko tlaga yun!!

salamat

DRAKE said...

@kheed

naiyak ka ba!madrama din ako eh!hahahha

excited na akong makuha ang picture greetings mo!the best ka kheed!!heheh

DRAKE said...

@lady advance

pwedeng pwede sa november 10 pa nman eh!sige na!!!

iintayin ko yun ha at maraming salamat

glentot said...

Nalungkot naman ako sa pagbasa nito...

♥superjaid♥ said...

advance happy birthday kuya drake..sige igagawa din kita ng picture greeting at san this time eh di na mawala ang usb ko..hahaha

Alkapon said...

Lapit na pala birthday mo.. inuman na.. tagaaaayyy..

ako bahala sa pulutan, basta sky is the limit ang inuman.

Basyon said...

Uiy nmn! Happy birthday in advance. ;D Sana makarami kapang bertday. ;D

April
Stories from a Teenage Mom
Chronicles of a Hermit
Mom on the Run

Lee said...

hahahahahahahaha
makiki happy bertday na rin ako
hahahahahaha
bat ako natatawa?
wala lang!

Francesca said...

me, pàg bertdey ko, di ko nà àlàm tamng edad ko.

Lst time I counted my age I was 18, so I stop from there.Hehe

debut baga lagi.

Drake, di bale walang bumati, eh di mo rin sila batiin, ahihihi

DRAKE said...

@Glentot

bro maraming maraming salamat sa pic gritings mo!

@Superjaid

iintayin ko yan ha! welcome back uli sa blogosphere namiss kita ah!!

DRAKE said...

@Alkapon

Inaad kita sa blogroll ko pre!at maraming salamat sa iyong nakakalasing na bati

@Basyon

Maraming maraming salamat po sa bati at pagbisita sa aking kwarto!

DRAKE said...

@Lee

Oo nga bakit ka natatawa?hehheheh! Maraming salamat sa pagbati at pagbisita

@France

Pasalubong ko atae france!hehehhe

Salamat sa pagdalaw

Jules said...

Wow nmn! Tumatanda kna este nadag-dagan na nmn ang edad moh. =D Happy birthday! =D

Summer
A Writers Den
Brown Mestizo