Thursday, October 8, 2009

Ano si Lina may Facebook na???

Nagulat ako nung binuksan ko ang aking email, at bigla akong natuwa at napasigaw sa nakita ko:


ANO SI LINA MAY FACEBOOK NA???????




Sino si Lina?Eh sya yung babaeng laging nagpapadala sa akin ng email tungkol sa mga Job Openings! Hindi ko nga sya kilala noong una, pero talagang natutuwa ako sa kaya kasi minsan nagbibigay din sya ng mga tips at nag-iinvite sa akin sa mga seminars. Biruin mo pati birthday ko alam nya! At hindi lang yun pati yung mga kaibigan kong walang trabaho tinutulungan din nya. Kasi pinapadalhan din nya ng email tungkol sa mga job openings, kahit na minsan pareho lang yung email nya sa akin at sa aking mga kaibigan eh Masaya pa rin ako kasi talagang tinutulungan nya talaga kami. Pwede ko na nga syang tawaging SANTA LINA eh kasi santa talaga sya ng mga taong walang trabaho.


Yun nga lang medyo shy type ata itong Lina kasi nga inemail ko sya at hinihingi ko ang YM nya pero hindi sya sumagot. Gusto ko lang naman syang makadate kahit isang beses lang. Siguro talagang busy lang sya.


At ngayong may Facebook na sya, tuwang tuwa talaga ako. Kukulitin ko sya, at kung hindi sya sumagot sa akin mag wawall to wall post ako sa kanya. Lagi ko syang ita-tag at lagi din akong magmemessage sa kanya. Magcocomment ako sa mga shout out nya kung meron syang bago, at iintayin ko kung may nilagay syang video at pictures.


Ngayon sa mga taong hindi natulungan ni Lina ( dahil alam kong mabait sya dahil tumutulong din sya sa iba). Sana huwag nyo naman syang bibigyan ng kumento na masasakit. Kasi masasaktan din ako at ipagtatanggol ko sya. Siguro imbitahan nyo na lang sya sa Farmville para maging close kayo at para maipasok ka nya sa trabaho agad. Subukan nyo rin syang ayain sa ibat ibang mga Facebook Quizzes para naman kahit papaano malibang sya at hindi puro trabaho ang ginagawa nya. Naawa talaga ako sa kanya, kasi kahit holiday at may malakas na bagyo hindi pa rin sya nakakalimot mag-email.Nandyan pa rin sya at nagtetext pa minsan.


Oo, aaminin ko hindi naman talaga ako natulungan ni Lina, kasi sa lahat ng nirefer nyang trabaho sa akin ay wala namang tumanggap sa akin. Pag tinatanong nga ako ng nagiinterview sa akin kung sino ang “BACKER KO” sabi ko si LINA po! Hayun medyo tumaas lang ang mga kilay nila! Baka siguro may ginawang hindi maganda itong si Lina sa kanila. Pero okay lang kahit bagsak ako, ang mahalaga ay hindi pa rin nagsasawa sa akin si Lina na magpadala ng mga email at greetings! Ang bait nya noh! Siguro lab na lab na ako ni Lina! Kaya nga lab na lab ko din sya! Kahit na hindi mo man lang sinasagot ang lahat ng email ko. Okay lang lab pa rin kita.


Ang nakakatuwa pa kay Lina kahit na medyo malayo yung natapos ko sa aking napag-aralan nirerefer pa rin nya ako. Minsan inemail nya ako na mag-aplay daw akong bilang tagabenta ng kaldero sa isang mall at yung isa naman biglang tagasako ng semento sa may Ortigas.Nakakatuwa sya noh kasi talagang nag-aaksya sya ng panahon sa akin para mag-email. Bait nya talaga.


Hay kelan ko kaya sya makakadate???Basta sabik na sabik na akong iadd sya sa aking facebook para naman lagi akong may balita sa kanya.


At kung nababasa mo ang blog ko na ito Lina, pakiaccept ang invitation ko ha!
Ingat ka lagi ha at bigyan mo naman ng oras ang sarili mo kasi puro ka na trabaho.

24-7 ka kung magtrabaho, kaya pahinga ka minsan.


Salamat

23 comments:

Hari ng sablay said...

pare suki din ako ni lina at hindi rin niya ako masyado natulungan,haha iaadd ko din siya sa fb humanda siya,haha

musta na pala?di ako mkpagbloghop msyado busybusyhan,sensya na.hehe

Jepoy said...

Lahat ng naging trabaho ko ay galing kay LINA kaya love na love ko sya. Sana may LINA USA para naman ma hire ako doon.

Kablogie said...

Siguro meron din sya twitter! hehehe..Sushalin na si Aling Lina :D

Ambidextrous Meeya said...

Malamang level 34 na yan sa Farm Town, Level 40 na sa Farmville, Level 36 na sa Restaurant City, lahat ng accessories meron na sya sa Pet Society!

Hahaha...

♥superjaid♥ said...

hehe di ako makarelate..^__^ sino ba si lina??

kheed said...

haha naging laman ng email ko yang si lina dati, lalo na yung pagtapos kong maka graduate. at hindi din sya masyadong nakatulong sa akin.. tama ka, kahit birthday ko ay alam nya..

DRAKE said...

@hari ng sablay

Pre ang tagal mo ngang nawala akala ko inagos ka na rin ng baha eh!Buti okay ka naman!hehehhe

Hayaan mo kukulitin ko talaga si Lina!hhehe

DRAKE said...

@Jepoy

hayaan mo itetext at ieemail ko sya baka mayroon syang kakambal na nagtatratrabho sa US.

@Kablogie

Why not coconut, talagang hi tech na si lina!

DRAKE said...

@meeya

palagay ko nga mahilig din sa farmville itong si lina eh! bibigyan ko sya ng bibe, baka saka ng manok kasi lab ko sya!hehhehe

@Jaid

mame-meet mo rin sya pag naghahanap ka na ng trabaho. estudyante ka pa kasi eh

DRAKE said...

@Kheed

Medyo bakit nga ba halos wala ring silbi itong si lina?Hehhee di kaya ginudtaym lang tayo ni Lina!Yari ka!

spinx said...

pakilala mo naman sa akin si Lina!...
gusto ko siyang ma meet.
hahaha

iya_khin said...

lagi din akong naalala ni lina kahit birthday ko! bait nya nga ano?! kaso lang nung isang beses na pinutahan ko sya sa ortigas dahil pinapunta nya ako sa opis nya di naman sya nagpakita,siguro naisecure sya kasi mas maganda ako sa kanya! wahaha!

pero infairness hanggang ngayon nageemail pa rin sya!sipag nya 'no!

Ambidextrous Meeya said...

magsuggest nga ako sa kanya na gumamit ng cheat engine, para winner sya sa mga games!

Goryo said...

alam mo marami na rin akong napasukan dahil jan ke Lina.. pero diko pa rin siya nami-meet.. maganda kaya siya? ano kaya vital statistics nya, hight nya at length of hair nya? ahihi me ganon?

DRAKE said...

@Spinx

Hindi ko pa nga sya nakikilala eh, inaadd ko nga sya sa YM kaso ayaw nya akong i-accept! Suplada itong si LIna!

@Iya

Sa iyo din binabati ka?Bakit ganun si Lina, polygamous akala ko pa naman lab nya ako!hehehe

DRAKE said...

@Meeya

Hahahhaha! Pwede para malibang libang naman sya! add kita meeya sa blogroll ko!Ingat

@Goryo

sa akin wala naman syang gaanong naitulong sa aking career!hehehe!
Hindi kaya mas ikaw ang lab nya kesa sa akin!

Ambidextrous Meeya said...

Chawamat DRAKE!

Naging follower din kita...

Chawamat to the nth power!

Basta mas maganda ako kay Lina!

hahaha...

*insekyorang bakla*

Solo said...

Aw! hehe, add koh din sya hehe. ;D

Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy

princejuno said...

bat ako, di iniemail ni lina?...
hehe

she looks nice p naman...
sino ba talaga xa, saan sya nagmula?...

kacurius naman...hehe

DRAKE said...

@Meeya

Heheh Walang anuman! Ikaw pa!

@Solo

Na-add mo na pala sya! Ako ayaw pa nyang iaccept!heheh

@prince juno

bro, sya ang santa ng mga taong walang trabaho. Tanungin mo ang mga fresh graduate ngayon na wala pang trabaho kilala sya!heheh

ladyinadvance said...

i am so tartol,, i swear do ko knows si Lina..ang kilala ko lang si Joey Lina..mwahahaha

Bayt.com lang alam ko ei...hahaha....

princejuno said...

yupyup!...
tama ganun nga..hehe
baka isa ka sa mga di maawat na magtatanim sa Farmville...hehe


thanks din drake!...
Farmville may kinalaman sa baha

> J O N I E < said...

SAN BA JAN SI LINA?!

jejeje