Grabe nagbunga din ang aking pagboto kay Efren Penaflorida dahil sya ang hinirang na CNN HERO OF THE YEAR. Heto ang link para sa prueba baka sabihin nyo nagdedeliryo lang ako dito: PINDOT NA!!
As usual, walang salubong na magaganap, o kaya mga interviews sa kanya dahil hindi naman sya boksingero. Wala naman syang belt na may ginto at diamante. Ang tanging meron lang sya ay KARITON na naging daan para mabago ang buhay ng mahihirap na batang Pilipino.
Okay ituloy mo na ang basa dahil hindi naman to gaanong seryus, at baka bigla mong pindutin ang X dun sa sulok ng screen. Eh Masaya lang ako kasi kinilala sya ng buong mundo.
Biruin mo yun hindi na kailangan pang mamatay at ilagay ang pagmumukha sa pera para maging bayani. Kaya kung hihiling ako kay Papa Jesas, hihiling ako na sana yung kabutihan ni Efren ay maging isang epidemya o parang isang dengue/ H1N1 na kung saan pag nahawahan ka nito ay tutulong ka rin sa kapwa mo . Ganun! Pero huwag naman gawing TULO o kaya ALMORANAS ni Papa Jesas kasi panget naman yun!hehehe!
Nakakatuwa na nanalo din sila ng 100,000 dollars o tumataginting na 4.7 Million pesos (depende sa palitan ng piso sa dolyar) aba hindi na nya kailangang makipagbasagan pa ng mukha para manalo ng ganung kalaking pera.
Hindi na rin ako hihingi ng balato kay Efren pambili ng cellphone, hahayaan ko na syang gamitin ang pera para makatulong pa sa iba pang nangangailangan.
Teka sesegway lang ako, kasi maganda yung sinabi ni Efren na ito eh! English ito kaya ihanda ang tissue baka dumugo ang tenga’t ilong mo:
"Our planet is filled with heroes, young and old, rich and poor, man, woman of different colors, shapes and sizes. We are one great tapestry," PeƱaflorida said upon accepting the honor. "Each person has a hidden hero within, you just have to look inside you and search it in your heart, and be the hero to the next one in need.
"So to each and every person inside in this theater and for those who are watching at home, the hero in you is waiting to be unleashed. Serve, serve well, serve others above yourself and be happy to serve. As I always tell to my co-volunteers ... you are the change that you dream as I am the change that I dream and collectively we are the change that this world needs to be."
Grabe lumabas pati luga ko sa English ni Efren na yan! Totoo naman kasi yung sinabi ni Efren na lahat tayo ay may tinatagong kabayanihan at kabutihan sa sarili natin. Yung iba nga lang masyadong tagong tago at naka-padlock pa!Kaya hindi mo nahahalata!Hehehe
"So to each and every person inside in this theater and for those who are watching at home, the hero in you is waiting to be unleashed. Serve, serve well, serve others above yourself and be happy to serve. As I always tell to my co-volunteers ... you are the change that you dream as I am the change that I dream and collectively we are the change that this world needs to be."
Grabe lumabas pati luga ko sa English ni Efren na yan! Totoo naman kasi yung sinabi ni Efren na lahat tayo ay may tinatagong kabayanihan at kabutihan sa sarili natin. Yung iba nga lang masyadong tagong tago at naka-padlock pa!Kaya hindi mo nahahalata!Hehehe
Nabigyan ako ng pag-asa na yung boss kong EPAL ay may tinatago ding kabutihan, at kapag nakita ko ang tagong tagong kabutihan ng boss ko na iyon..... magpapainom ako ng isang case na beer at may pulutan pang boy bawang at chikito (yung parang nagaraya)
Basta sobrang saludo ako kay Efren ,sampu ng kasama nya sa Dynamic Teen Company (DTC) dahil sila ang totoong bayani ng lahing Filipino. Pinatunayan nyo na hindi na kailangan pang mamatay para sa bayan, hindi na kailangang manalo ng pitong world title o magpabugbog sa kalabang Mehikano at hindi nakailangang maging presidente para maging isang Bayani. Ang busilak nilang puso sa pagtulong sa kapwa ay sapat na para kilalanin ng mundo at gawin isang TUNAY NA BAYANI NG LAHING PILIPINO. Kaya lalong nakakaproud maging isang Pilipino dahil sa inyo.
MABUHAY KAYO!!!!
Yan lang mga kautak! Salamat sa time!Sige ibalik mo na ang daliri sa ilong at mangulangot ka na uli!
Salamat
Drake
18 comments:
base!--first time ko yan ha?
wow!- isa na namang karangalan ito sa ating mga pinoy. actually hindi ako emosyonal na tao pero habang pinapanood ko si efren habang nagspeech naluluha ako.
pag ganitong mga pangyayari kaysarap maging pilipino!...saludo kami sa yo efren! :D
Napadaan!
Npanuod q lng s isang flash report s tv na nanalo na nga c efren. Like u i am happy for him and hoped that the triumph shall help his team in their advocacy...at ska n ang pgging gud samaritan ay mging epidemya. People like efren are the real heroes. Dapat cla ang bnbgyan ng gawad sikatuna at ndi kung cn0-cn0 lng na chickboy.
congrats efren. hehe. tumaas nanamn ang mga karangalan ng mga pinoy. salamat
sa post mo lang ko nakita ang link para makaboto sa CNN heroes online, sigurado talaga e2ng si efren ang magwawagi, proud to be pinoy! mabuhay ang bayaning pinoy
Inspiring... bukas hero na rin ako, bibili na ako ng costume...
@Vonfire
Base ka, at dahil dyan may balato ka kay efren!hehehe
Oo nga medyo natats ako ng sobra!
Ingat
@Patricia
Welcome to my site!Oo sobrang saya ko rin nung nanalo sya parang ako din yung nakatanggap ng 100,000 dollars na premyo!
ingat
@kikilabot
Yup pre nakakataas talaga ng moral! Para tuloy gusto ko ring tumulong!naks!
@anthony
Salamat bro sa pagboto mo sa kanya! He really deserves it!
Galing!
@Glentot!
So Sinong superhero ka, basta ako na si Banana-man!hahahah
Ingat pre
mabuhay ang mga pinoy!!^__^
Nikikilabutan ako sa bindyo, teary eyed ako.
Bukas na bukas hero na rin ako, bibilin ko ang sampaguita nung batang impakto sa Ortigas at hindi ko na sya babatukan pag paharang harang sya sa daanan para mag offer ng ilang ilang na kulubot. Prames!
bravo!!!congrats!!!
bukas hero na rin ako!
bili ako ng costume ni darna!
@Jaid
Mabuhay!! (Sabay punit ng sedula)
@Jepoy
Aha ikaw pala yung bumabatok sa kapatid ko! Sabi kasi nya sa akin meron daw matabang lalaki na feeling kyut ang bumabatok sa kanya palagi!whahah
@Iyakin
Oo nga medyo naluha ako kasi...... naipit ang daliri ko!hehehhe
Ingat
kaya nga paglaki mo, si efren ang gayahin mot ng madagdagan ang ating mga bayaning kabataang pamamarisan ng mga paparating na henerasyon, mabuhay ka drake este efren pala.
pa-burger kuya EF! =) Godbless! -di
I am very proud of Efren. He is an inspiration. Hope he will continue what he had started before. Thanks for sharing, have a great weekend. ;D
Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy
mabuhay ang lahing Pinoy... Ipagpatuloy ang pag-gawa ng mabuti...
Proud to be Pinoy!
This guy is a real hero! malinis at hindi pa nacorrupt ng mga politiko!
wag sana sha magpapahimas sa mga pres candidates ngyong 2010.
Post a Comment