Tuesday, October 13, 2009

Bayani ng Bagong Henerasyon

Hindi naman talaga ako mahilig magboboto sa internet, lalo pa’t para lang ito sa popularidad ng iilang tao. Minsan lang din ako maging seryoso sa blog ko, kaya sana naman eh umepek itong sasabihin ko sa inyo.

Alam nyo sobra akong napahanga ng taong ito dahil sobra syang matulungin sa kapwa. Hindi sya nagdadalawang isip na isakripisyo ang kanyang sarili para sa ibang tao. Magsing –edad pa nga kami. Kaya talaga namang nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Ganyang ganyan din ako eh!hahahha! Joke lang.

Talagang nakakahanga sya dahil tinutulungan nya ang mga batang mahihirap na matutong bumasa at sumulat sa pamamagitan ng kanyang “KARITON KLASRUM” at umiisip sya ng paraan para maging masaya ang pag-aaral nila. Hindi lang yun pinapaliguan pa nya ito at pinapakain.Naiiwas pa nya ang mga kabataan na magbisyo at magdrugs

Kaya sobra nakakabilib dahil sa mura nyang edad ay nakakagawa na sya ng malaking bagay sa mundo. Nakakahawa talaga ang kanyang kabutihang loob.

At alam nyo hindi sya humihingi ng tulong sa mga pulitiko bagkus nag-iipon sila ng dyaryo at bote para ipagbenta at gawin nilang pondo sa kanilang “KARITON KLASRUM”. Sobrang nakakabilib talaga sya taas ang kamay ko pati mga buni ko sa paa.

Para sa video panoorin nyo ito (kesa mangulangot ka dyan,hehhee)





Minsan lang ako humiling sa inyo kaya iboto nyo sya kasi alam ko kung mananalo sya malaki ang maitutulong ng premyong mapapanalunan nya para mapaunlad pa ang kanilang samahan.Kahit huwag nyo na ako iboto sa Pinagwapong Blogger sa balat ng blogosphere at kaysa mag Farmville kayo at magsasagot sa FB Quiz ng NAY! TAO BA AKO? eh ito na lang ang
pagpipindutin nyo kasi malaking karangalan sya sa ating bansa.

PAKIPINDOT LANG YUNG BATANG KALBO! (Kahit ilang boto walang problema, ako ququota ako ng 50 boto isang araw)


Wala namang bayad ito, kaya pindot na. Kaysa yung KWAN ng katabi mo ang pagpipindutin mo, ito na lang nasa itaas, makakatulong ka pa sa mga batang mahihirap sa pagboto sa kanya (at baka masampal ka pa ng katabi mo)

At Para sa iyo EFREN PENAFLORIDA sampu ng iyong mga kasama sa Dynamic Teen Company. Bilib na bilib ako sa inyo! Ipagpatuloy nyo ang inyong magandang adhikain! Dapat sa inyo tularan pa ng ibang kabataang tulad ko (talagang may KO). Pagpalain pa sana kayo ng Dyos

P.S

Hindi po ako PR Manager ni Efren, at lalong wala akong porsyento o balato sa kanya kung manalo sya. Nakaka-uplift lang talaga ng spirit! Kaya suportahan natin ang ating kababayan dahil para na rin nating natulungan ang mga batang mahihirap na uhaw sa karunungan.
Heto nga pala yung website nila pakipindot lang ito: Dynamic Teen Company

20 comments:

Anonymous said...

nabilib noon pa, bumoto, ni-repost, nanghihikayat

DRAKE said...

Salamt pre, kahit ilan daw pwede kaya heto boto ako ng boto sa kanya.

Salamt sa pagrerepost

iya_khin said...

nag-vote na ako! sana manalo sya!

DRAKE said...

OO nga sana manalo sya para marami pa syang matulungang kabataan.

Salamat sa pagboto

Batang less FORTUNATE said...

i already vote him!

*taas kamay agad*

Jepoy said...

Ganyang ganyan din ako...

Boboto ko sya!

DRAKE said...

@Iya

Salamat sa pagboto, boto mo pa sya ulit ha!

@Jonie

Salamt pre, ayain mo pa ang mga kaibigan mong bumoto din

@Jepoy

Puro kasinungalingan yang sinasabi mo na yan!Pero salamat sa pagboto

Unknown said...

Oh wow! Galing nmn nya! Isa syang inspirasyon, at boboto ko hehe.. ;D

Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy

Anonymous said...

aay lagi nmn xa binoboto kac kahanga-hanga tlga..sana manalo xa....

keep it up....

Unknown said...

Well that is one of the wonderful things that we can do, he never aimed for that, only thing is he can help educate those people who were lacked, and so God bless him great!! Congrats for that person!!

patola said...

wow... tnx for this kuya.. nakaka inspire.. wait.. magvvote lang ako.. hehehe

PABLONG PABLING said...

kinikilabtuan ako ngayon dahil dito. pero napanood ko na ito sa jessica soho at narinig sa radyo.

galing ng pinoy sana lahat ng pinoy ganyan.

salamat sa pagboto. sana comment ka dun. :)

Dhianz said...

saludo akoh sa kanyah.. btw i voted.. how many times can u vote bah in a day?.. u think he has a chance of winning it... man... kahanga hanga tlgah... in such a young age eh he's definitely makin' a difference... instead na mag-farmville, mag-cafeworld... eh he's out there teaching kids in need... parang ang sarap nyang samahan... ang sarap makatulong ren sa iba... alam moh that's how kinda i pictured yah... someone so smart... na someone who can do somethin' like efren did... was it efren?.. sori forgot da name.. neweiz... yeah... that's really a nice thing dat he's doin'... ingatz lagi kuyah drake.. Godbless! -di

Rico De Buco said...

ang galing ah..nakakainspayr...

moving...

DRAKE said...

@Solo

Oo nga nakakahanga talaga sya! Limampung boto ang ibibigay ko sa kanya araw araw

@Lady Advance

Mananalo sya kung pagtutulong tulungan natin syang iboto

DRAKE said...

@Tim

He's indeed a true hero! May God continue to bless him, as he is also a source of blessings to others

@Patola

Oo nga nakakainspire para tuloy gusto kong gayahin si Efren!

DRAKE said...

@Pablo

Kung ganyan lahat ng Pilipino, wala ng mahirap sa Pilipinas!Hay kelan kaya yun!

@Dhianz

Welcome back!Kahit ilang boto walang problema! boto lang ng boto at ikampanya mo sya!

DRAKE said...

@Rico

Tumbok mo pre, parang yung pelikulang Paying it Forward.Galing

DRAKE said...

@Rico

Tumbok mo pre, parang yung pelikulang Paying it Forward.Galing

quillenjabin said...

Slots.lv Casino - Hotel - MJH
Play our great selection of all the Vegas-style casino games including 광주광역 출장마사지 bingo, blackjack and slots. Our casino floor 춘천 출장샵 is 충주 출장안마 spacious and offers over 6,000 의정부 출장마사지 casino 경산 출장안마