Monday, October 26, 2009

PUYATTTTTTTT


Waaaaaaaaaaaaaaaa!! Puyat na naman ako, langya naman oh! Heto na naman inaatake na naman ako ng amnesia….. sori insomnia pala. Kahapon humiga na ako sa kama ng mga 12 ng gabi, iyon na ang pinakamaaga kong tulog sa loob ng isang buwan. Pero nakakainis lang na kung kelan ka nasa kama, saka ka bubulabugin ng iyong mga imahinasyon. Hanggang sa lumipad na kung saan saan ang utak mo at makalimutan mong matutulog ka nga pala. Ang nakakainis pa nyan, ngayong buhay na buhay na ang diwa mo dahil sa mga pinag-iisip mong puro kamunduhan este puro kademonyohan, mali pa rin, puro kabutihan pala , eh ngayon ay hindi ka na makatulog kahit anong gawing mong pilit matulog. Nakabiwist talaga na kapag sisikat na ang araw saka ka lang aantukin at makakatulog.
.
Pero dahil may pasok ka ng umaga, hirap na hirap kang bumangon at pakiramdam mo tinortyur ka ng sobrang antok. Tapos nang-aakit pa ang malamig na hangin sa loob ng kwarto at tila pinipigilan ka ng masarap na yakap ng iyong kumot at unan. Kaya naman halos makipagtawaran ka sa alarm clock mo at gustong gusto mo na syang ihagis sa bintana para tumigil na sa kakakring kring kring. Kaso wala kang magagawa kundi pumasok kaya ang gagawin mo ay maglalakad na para kang zombie at gawing ang mga ritwal mo sa umaga habang natutulog. Pwede na rin tamnan ng kamoteng kahoy ang iyong mata sa laki ng eyebag mo at tuloy kamukha mo na si PILENG dahil kulang nalang bulak sa ilong dahil nga mukha kang bangkay sa puyat.


Pagdating mo sa ofis, aantok antok ka at gusto mong umidlip kahit sandali lang, kaso wala ka namang pagkakataon dahil wala ka naman sa bahay at opisina yun hindi kwarto. Syempre babawi ka na lang sa kape, kape at kape. Kahit na hindi mo gusto ang kape dahil mas gusto mo ang Milo at Ovaltine, wala kang magagawa kasi nga antok na antok ka, at halos lulunin mo na ang buong computer kakahikab mo. Pagkatapos papagalitan ka pa ng boss mo kasi hindi ka sumasagot sa pinag-uutos nya dahil natutulog na pala ang utak mo.

Pagkatapos ng isang buong araw sa opisina, sa wakas pagkakataon mo ng magpahinga at syempre matulog. Pero pag higa mo sa kama, wala na ang antok mo. Talagang umeepal pa sya kasi sinubukan mong magpatutog ng mga nakakaantok na music pero wala ring epekto. Uminom ka na ng isang drum na gatas pero sumakit lang ang tyan mo at bumaho ng 20 times ang utot mo. Sinubukan mong manood ng TV pero walang magandang palabas. Sinubukan mong manood ng movie, nalibang ka naman at inabot ka na ng hatinggabi pero hindi ka pa rin dalawin ng antok. Kaya magpipilit kang matulog at papatayin mo ang ilaw susubukan mong irelax ang sarili. At paghiga mo sa kama at pagpikit ng iyong mga mata lilipad na naman ang utak mo dadalhin ka kung saan saan, mag-iimagine ka na naman ng kung ano ano hanggang sa hindi ka na ulit makatulog at aabutin ka na naman ng umaga bago ka antukin. At uulit na naman ang mangyayari, ganun na naman UNGGONG PUYAT KA ULI!
.
Bwisit na yan tatlong buwan na akong ganyan, please naman patulugin nyo na ako pero wag namang panghabambuhay, bata pa ako at marami pa akong pangarap, hehhehe!
.
Waaaaaa! Please naman PARENG ANTOK huwag nyo akong dalawin ng umaga, dalawin nyo ako ng gabi! Makikipag-inuman pa ako sa inyo, Sige na! Bibigyan kita ng chocolate kada gabi basta dalawin mo lang ako sa gabi huwag sa umaga!Please lang!!!

15 comments:

Unknown said...

ive been suffering insomnia for years at natry ko na rin lahat para malabanan ito. pero recently nadiskubre ko ang pinakaepektibong lunas nito- magblog, surf the net, magblog, surf the net!...:D

Kablogie said...

Bakit di mo subukan mag T bago matulog..(Tea hindi Tikol!) baka sakaling dalawin ka ng antok..ngaun kundi pa rin dalawin eh gawin mo na Tikol kesa Tea ahahaha....

gillboard said...

iniisip ko kung bakit kelangan paghiwalayin yung dalawang blog mo...

la lang.. hehehe

Jepoy said...

Pareho kami ng iniisip ni Gillboard LoL

Tama si kblogie Tikol nalang tapos tulog ng mahimbing

DRAKE said...

@Vonfire

Salamat sa iyong pagkokomento sa aking blog!kaso yung suiggestion mo lagi akong napupuyat,hehehe

@Kablogie

Nasubukan ko na yang T na yan hindi dala epektib kahit makadalawa ako (Tea hindi tikol yun pre)hahaha

DRAKE said...

@Gillboar at Jepoy

Sasagutin ko ang tanong ko ang tanong nyong dalawa bakit magkahiwalay pa ang blog na ito.

Hehehe, kung hindi nyo napapansin yung drakes room ay blog na may sense ng konti (medyo lagi akong nagiiwan ng isang bagay na pwedeng nating pag-isipan at matutunan) eh hindi ko lang alam kung nahalata nyo

Samantalang ito !anything goes lang! Wala lang parang nagdaang hangin lang!

Heto ang malawak na paliwanag kung gusto nyo lang basahin ngayon kung ayaw nyo.......HINDI NA TAYO BATE!!

http://utakhangin.blogspot.com/2009/06/mga-blogs-ko.html

ingat

DRAKE said...

PAHABOL

Saka nga pala itong blog na ito ay nakalink sa isang site na kung saan may iba pang nagbabasa pero wala silang blog!marami rami rin namag bumabasa dun

heheheh, naipaliwanag ko ba!ngayon kung wala talagang pagkakaiba, hayaan nyo mongoloid kasi ako,hehhe

Dhianz said...

dehinz saken puwede ang nde nakakatulog.. kc kapag nde akoh nakatulog eh sobrang nag-grugrumpy... sobrah.. trust meeh.. nde maganda ang state of mood koh... neweiz.. hmmnz... natry koh yan minsan... siguro humiga akoh like around 11.. oh my gulay siguor like mga around 4ish to 5ish eh kahit nakapikit ang mata koh eh gising na gising ang diwa koh... weird... ano point koh?.. ewan koh... haha.. hmmnnzz...

sometimes 'lam moh.. pinakamabisa... sabi nga nilah don't force your to sleep if you couldn't sleep... para makatulog kah nagn ayos every night.. first you do so sige pag nde kah makatulog eh hwag kang matulog... and kapag nakatulog kah kahit around 3 nah eh ok lang... if u need to wake up like 7... eniweiz ang point is you wake up d' same time everyday kahit iba iba ang time na pagtulog moh.. eventually time will come na aantukin ka na lang at earlier time... so 'unz.. yon nah.. haha..

sige nah outie na akoh sa blog.. kanina pa akoh nagbabasa.. at dalawang blog moh na ang binasa koh... how can you keep up w/ 2 blgos? i think itz kinda hard... saken nga isa lang eh sometimes hiatus pah..

so yeah.. gotta go.. laterz kuyah.. ingatz.. Godbless! -di

Dhianz said...

oh yeah i was gonna say ren palah kanina na nalimutanz koh sa dmeng sinabi na hangcute nagn baby picture and i love coffee!!! =) wehe.. 'un lang.. laterz...

DRAKE said...

@Dhianz

Ang hirap talagang matulog pag gabi na! Heheh !I'm a night person kasi, ibig sabihin isa akong paniki. Mostly active ang utak ko pag medyo gabi na, at sa umaga naman hindi ako nagsasalita!(bukod pa sa dahil bad breath syempre)

Yun nga lang ayaw kong uminom ng sleeping pills baka ako maging dependent dun!heheh adik!!

Salamat nga pala sa pagcocomment, ingat ka lagi!

Unknown said...

Aw! Ako din minsan inaatake ng insomia. Pero ang daily routin este ang night routin na ginagawa koh is blogging then hilamos then blog ulit then turn on the aircon then drink milk then blog then un na! Time to sleep weee. ;D

Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy

iya_khin said...

alam mo best na pampatulog...magbasa ka ng bibliya! aantukin ka talaga promise! 100% sure!

alam mo kung baket?!

kasi ayaw ng DA OTHERS dyan na malaman mo Word ni Papa Jesus...

pero kailangan nagbabasa talaga tayo ng Word nya kasi it's a food to our soul..

Anonymous said...

yan din ang problema ko minsan hirap akong makatulog pero hindi dahil may insomnia ako pero dahil hindi sanay ang katwan ko na na22log ng maaga, magala kac ei..hhihihi......

tama si ate iya magbasa ka ng bible am sure makakatulog ka ng mahimbing.....ingat lagi kuya drake... :-)

Anonymous said...

hahahaha.. nasagot na ang katanungan kung bakit dalawa ang blog mo! hehehe.. :) uso ang puyatan. sana mag ka insomia ako ng makasabay ako. hehehe.. jowk! :)

Goryo said...

may mga time na di ako makatulog sa gabi pero bihira lang.. hinahataw ko lang ng ilang bote ng beer..

ung inaantok sa opis nararanasan ko rin yan.. tama ka din dun na kahit dimo gusto magkape eh napapakape ka.. hayyy