Wednesday, December 31, 2008

HAPI NEW YEAR

Akalain mo yun may bumabasa pala ng blog ko, sa iyo "Manlalakbay" maraming maraming salamat sa pagtambay.


Nga pala bagong taon na, grabe napakabilis talaga ng panahon. Tatlong taon na rin ako dito sa Saudi, grabe!!


Kahapon nanonood ako ng balita at punong puno ng kaek-ekan na naman ang pagdiriwang ng bagong taon. Nandyan ang pagbili ng bilog na prutas, mga paputok at sang kaderbang mga kaugalian nating mga Pilipino.


Dati sabi ng nanay ko maglagay daw ako ng pera sa bulsa ko pagdating ng bagong tao para naman marami akong pera. So ginawa ko naman, pero hindi pala totoo yun, kasi halos isang buong taon akong baon sa utang dahil sa pesteng credit card na yan (eh di ba ako rin ang gumastos nun???hehhe). Sabi ng nanay ko, buksan daw ang bintana at pinto para pumasok ang swerte sa bahay, pero imbes na swerte eh gabundok na usok ang sumalubong sa akin, Dyos ko po hinika pa ako sa kaututan ng nanay ko.


Sabi nila tumalon talon daw para tumangkad, so tumalon naman yung mga kapatid ko, dapat mataas ang talon para mas matangkad. Eh so far kung sino ang pinakamataas tumalon eh sya ang pinakapandak ngayon.


Dapat daw kumpleto ang prutas mo at kailangan labing dalawa. Naku taghirap kami kaya yung kamatis na lang saka yung alateris ang pinaginteresan ko. Di namin kaya nag PONKEN (sosyal), ubas at epol.


At ngayong bagong taon, usong uso na naman si Madam Auring, na alam mo namang pinagluluko ka lang ,kasi common sense lang ang ginagamit nya at hindi ang psychic power nya. Naabsorb na ng ilong nya ang kanyang powers. Sabi sa isang artista, “magkakasakit ka kung hindi mo iingatan ang kalusugan mo”. Eh tampalin ko kaya ng isa itong si Madam Auring, eh talagang magkakasakit ka kung walang kang pakialam sa health mo. Tapos yung mga artista sarap bangasan kasi paniwalang paniwala.


Hay, buhay!!Marami pang mga pautot tuwing bagong taon, pero sa totoo lang wala sa mga pamahiin na ito ang swerte o malas at lalong wala kay Madam Auring, nasa atin mga desisyon yan at pagpapatakbo ng buhay natin. Kaya maiging maging maingat na lang tayo sa pagdedesisyon sa ating buhay.


Yun lang at HAPI NEW YEAR!!!

Sunday, December 21, 2008

Ang hirap palang mag-intay

Pinakamahirap pala ang mag-intay, sa lahat kasi ng ayaw ko ay nag-iintay . Mayroon kasing isang mahalagang mangyayari sa akin ngayong taon na ito, yun nga lang PENDING pa rin kung matutuloy o hindi, kaya nag-iintay na naman ako sa desisyon. Hindi na nga ako makatulog, laging hindi mapakali ang puwet ko, at halos namumuti na ang mata ko kakaintay sa desisyon, pero hanggang ngayon WALA pa rin.


Hindi kasi ako sanay ng nag-iintay, lalo na sa isang desisyon. Gusto ko express, parang DRIVE THRU sa Jollibee o Mcdo, nandun agad ang order, nandun agad ang sagot. Eh ang hirap kasi sa pakiramdam na parang binibitin ka pa. Kaya nga ako madalas pag may desisyon akong gagawin sa buhay ko, kailangang may ready na akong desisyon, at kailangang napag-isipan ko rin ng matagal (parang conflicting ata, hehehhe!! Ang one hour kasi sa akin ay matagal na)
Madalas nga pag may usapan kami ayaw kong nag-iintay gusto ko ako ang iniintay para pagdating ko, alis agad (kapal ng mukha ko noh!!). Ayaw ko kasing pag-iintayin ka, sasabihing “5 minutes na lang nandyan na ako!!”, tapos tinubuan ka na ng ugat at namunga ka na eh hindi pa rin dumarating.(hahaha!!gawain ko kasi yan, ika nga ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw)


Ngayon, intay intay uli ako sa desisyon nila. Sana matapos na itong pag-iintay ko kung ayaw nila eh di sabihin nila agad, kung gusto naman nila eh di okay. Pero kung parang ibinitin lang ako kakaintay sa desisyon nila, naku tyak laging iikot ang puwet ko, mamumuti ang mata ko, at hindi ako gaanong makatulog nyan kakaisip. Buti pa yung gorilyang nasa itaas nito, aliw na aliw kakakulangot.


Kaya please naman po sabihin nyo na ang desisyon nyo!!


(kung curious kayo kung ano ang iniintay ko, medyo regarding ito sa aking career!! Nice!!)

Saturday, December 20, 2008

Aguinaldo at Ako

Tagal na rin pala akong walang naipopost sa blog ko na ito. Teka malapit na pala ang Pasko halos isang lingo na lang Pasko na, kahapon nagpatugtog ako ng mga kantang pamasko kaya naman lalo akong nahomesick at nalungkot. Medyo naalala ko lang ang mga karansan ko noong bata.
Ako kasi ang talagang eksayted na eksayted pagdating ng pasko, kasi naman tuwing pasko lang ako nagkakaroon ng bagong damit, saka nagkakaroon ng pera. Kaya naman kahit port dyir hayskul na ako, eh talagang namang namamasko pa ako. Syempre may mga paepek ako para hindi halatang aginaldo lang ang habol ko. Syempre ang gagawin ko ay bibili ako ng krismas kard na napi-free na lang sa mga krispap , eto ang magsislbing props ko, para kunwaring naalala ko ang mga ninang at ninong kong batiin sila ng Meri Krismas.


Pagkabigay ko ng Krismas Kard intay intay ng konti kasi alam kong bibigyan nila ako ng Aginaldo, kahit na sumasakit na ang ipin ko kakakain ng minatamis na kundol at halaya, eh nilalantakan ko pa rin para naman hindi halatang pera lang ang habol ko. Hehehe. Pag tipong nakakain na ako, syempre magpapaalam na ako aalis “Sige po ninang aalis na po ako”, eto na ang magic word ko para ibigay nila ang Aginaldo nila. Hehehehe.


Minsan naman, sasamahan ko na lang ang kapatid kong pumunta sa mga ninong at ninang nila, kasi por syur bibigyan din nila ako ng Aginaldo, yun nga lang mas maliit kesa sa tunay na inaanak nila. Ingit na ingit ako sa mga kapatid ko kasi puro mayayaman ang mga ninong at ninang nila, samantalang ako medyo hindi gaano. Kaya pag kwentahan na ng mga perang naraket este napamaskuhan namin, hayun pinakakokonti ang sa akin. Pero syempre hindi ako papaya, ang gagawin ko ay kukuntsabahin ko ang lahat ng kapatid ko na pagsamasamahin naming ang pera at hatiin naming naming ng peyr en iskwer. Hahaha, grabe talino ko talaga noong bata!!


Hay, nakaka miss lang talaga ang pagiging bata pag pasko, sana makaimbento na ng taym mastin para naman makabalik ako sa pagkabat ko kahit sa Pasko lang. Hayyyyyy!!!

Saturday, December 13, 2008

ISANG LINGGO TAMAD

GWABEEEE!!! Hay ngayon lang uli ako nakabalik kasi nagbakasyong grande ako, EID Holiday kasi dito sa Saudi ( New year sa Arabic Calendar). Halos isang linggo kong ibinuro at binulok ang mata ko kakatulog at nagpahaba at nagpalaki ng TI…………. TIYAN.

Hay, ganun pala ang buhay ng taong walang ginagawa sa buhay. Pagkagising kakain, pagkakain manonood ng TV, pagkapanood ng TV matutulog, pagkatulog gigising, at pagkagising………., ganun ulit parang PUD CHEYN lang!! Well, wala naman kasing “SOCIAL LIFE” dito sa Saudi, kaya mas maigi pang maging ermitanyo ka sa bahay keysa magpupunta sa disyerto dito. Halos dalwang beses lang din ako naligo (teka, isang beses lang ata,hahahah) kasi sa sobrang lamig na halos nanunuot hanggang buto at isa pa hindi kasali sa skedyul ko ang paliligo sa linggong iyon (YAKISSS!!)


Kaya naman halos updated na updated ako sa mga balita sa TV, katulad ng pagkakapanalo ni MENI PEKYEW (Slang eh), at ang pagkamatay ni Marky Cielo na isang Igorot. Kumbaga sari saring balita talaga ang natanggap ko, may iyakan at tawanan.


Ngayon back to work uli ako, kaya heto nakagawa uli ako ng aking blag entri. Okay na rin ang nasa opis at least medyo nakakapaginternet ako, nakakabato kasi sa bahay eh. Eh okay mas okay dito sa opis painterinternet ka lang pakape kape ka pa! (Nice parang internet café lang ah)

Thursday, December 4, 2008

Magpapagupit ba ako?

Nag-iisip ako ngayon kung magpapagupit ba ako o hindi. Medyo mahaba haba na rin kasi ang buhok ko at hindi ako sanay na lumalampas sa tenga ang buhok. Pakiramdam ko kasi kinukuto ako at minsan naman iritang irita ako na hindi ko alam kung bakit (nireregla ba ang lalaki??). Nagdadalawang isip ako kung magpapagupit ako, kasi kung papagupitan ko ang buhok ko hindi ko na makakahawig si Piolo Pascual, (naks yan ang payting ispirit). Medyo bagay naman sa akin ang mahaba ang buhok, yun nga lang hindi ako kumportable, kaya balak ko ring paputulan. Kaso kung papaputulan ko naman baka naman magmukha naman akong niyog katulad ni Dora d eksplorer.


Nagtatalo ang isip ko, mukhang napakahirap na problemang ito! Kaya kailangan ko ng konsentrasyon! Sabagay kung gwapo ka, eh gwapo ka kahit ano pa ang buhok mo, kaso talagang sa akin galawin mo na ang lahat wag lang ang buhok ko, ika nga nila “TO ERR IS HUMAN, MY HAIR IS DIVINE”. Basta pag-iisipan ko muna.


Teka gusto ko lang mag joke, “Use ICE BUKO and GUAVA in a sentence”


SAGOT: Pare, ICEBUKO, masa GUAVA? (transleysiyon: Ayos ba buhok ko, masagwa ba?)

Wednesday, December 3, 2008

EKSPRESING MAY TOTS



Grabe, ngayon lang ako namulat sa maraming bagay tungkol sa blaging blaging na yan. Akala ko noon yunik ako at kakaiba ang kahinganan ng utak ko. Tapos magulat gulat ako eh isangdamakmak na mga may toyo pala ang katulad kong nahihilig sa pagkukuwento na wala namang kwenta. Nakakatawa minsan kasi nakakareleyt ako sa kanilang mga kababawan at nakikita ko na lang na binabasa ko na rin ang mga gawa nila.


Dati akala ko pagmanunulat ka eh dapat seryoso, saka dapat mukha kang laging puyat, mabaho, tamad,mahaba ang buhok at higit sa lahat PANGIT!! Hahaha!! Iyan kasi ang tipikal na nakikita kong manunulat, pero nagbago nung nauso yang blaging blaging na yan, kasi kahit sino pwede magsulat. Kaliit liitang detalye eh kinukwento pa. Yung mga nagpapatawa sa blag kalimitang mga korni yun sa totoong buhay, yung tipong pag nag joke hindi mabenta, kaya dito sila nagsusulat para bumenta man lang.Hehehe! (parang ako)


Ewan ko pero nakaktuwang isipin lang na maraming Pilipinong matatalino talaga. Si Bob Ong ang pasimuno ng ganyan eh, kaya nagbagong anyo na rin ang manunulat ngayon. Eh sana mapabilang din ako sa mga blager na ito. Malay mo maging neks BOB ONG ako (why not, coconut)

Tuesday, December 2, 2008

Paano nga ba?

Paaano sasabihin sa isang tao ang mga bagay na ito na hindi sya masasaktan: (original to!!!)


May Bad Breath

Lalake: Miss hulaan ko kung ano kinain mo kanina?
Babae: Ano?
Lalaki: TAE BA ITO??

Heto pang isa, para naman makabawi

Babae: Sir, nakaamoy na po ba kayo ng bulok na durian?
Lalaki: Hindi pa eh bakit?
Babae: Ganun ba? Kasi ako kaamoy ko lang!! (sabay takip ng ilong)



May B.O (Bad Odor)

Mister: Darling naligo ka na ba?
Misis: Oo naman, Bakit, gusto mong maglabing labing?
Mister: Hindi, Basta sa susunod wag ka ng maliligo sa imburnal ha!




May Tinga sa Ngipin

Lalake: Ay miss nakabrace ka ba?
Babae: Hindi, bakit?
Lalake: Kasi ang cute ng ngipin mo may sabit sabit.




May Putok

Babae: Mama, suko na po ako hindi na po ako lalaban!!
Lalake: Bakit hindi naman ako holdaper ah!
Babae: Eh kasi nagpapaputok na kayo eh!!



May kulangot ang ilong

Lalake: Ay miss ang ganda naman naman ng hikaw mo?
Babae: Ah ito ba?(Sabay hawak sa tenga)
Lalake: Hindi, yung nose ring mo?marble ba yan?bilog na bilog eh!!

Monday, December 1, 2008

December na!!!


Aba akalain mong December na!! Grabe ikatlong pasko ko na naman dito sa Saudi ah, medyo namimiss ko na rin ang pasko sa atin. Tulad ng pagsisimba ng madaling araw na halos kulang na lang maglatag ako ng banig dahil sa sobrang antok habang kumakatay ang laway ko ( gusto ko kasing buuin ang 9 na gabi para naman matupad ang wish kong magkasyota ng maganda).


Hay masarap pala ang APOL pag isang beses mo lang ito nakakain, kahit kabiyak na pisngi na parang puwet ng bata ang kaparte mo at mala sabong panlaba ang lasa dahil sa bula, eh masarap pala yun (poor lang kasi kami). Eh dito kasi sa Saudi ginagawa na lang naming parang holen ang mga apol at orange dito (naks, wala lang nagyayabang lang ako)


Hay nakakamiss tuloy yung bibingka sa kanto namin, yung mukhang PANKEYK na nilagyan ng itlog na maalat. Pati yung puto bungbong na mukhang kaning kulay barney (yung bading na dinosaur). Hay!!


Sana neks yir makakauwi na ako sa Pasko!! Hayyyyy, sarap talagang managinip ng gising habang nangungulangot sabay bibilugin ng ubod ng bilog then ipitik ng ubos kapangyarihan!!Hayy buhay!!

Sunday, November 30, 2008

EKCHENS GIPT


Naalala ko yung ate ko, noong bata pa sya at hindi pa marunong magpanty. Krismas Parti namin sa Choir noon(akalain mong napasali ako dyan) at syempre may EKCHENS GIPT uli, dis taym tig tetrenta na.So ang ate ko eksayted din at namili na ng Curly Top at Serg (yung kalaban ng Nips noon), kaya naman ganun din sya ka-ekspek na maganda ang makukuha rin nya
Heto dumating na ang araw ng Krismas Parti, at bigayan na ng regalo,
“Okay namber payb” sabi ng maestro namin

“Ako po yun, ako po yun!!” nagkukumarat ang ate kong may hangin din ang utak

Pagkaabot ng regalo sa ate ko, hayun binuksan agad, eksyated na eksayted eh.
Pagbukas nya ng regalo halos lumuwa ang mata nya,pagbukas nya ng regalo isang wallet na kulay puti na medyo pamilyar ang hitsura, Kaya pala pamilyar eh "GIVE AWAY"pala yun ng suking tindahan ng nanay ko , tapos may nakalagay sa gitna “Aling Miling's Store”
Umatungal ng pagkalakas lakas ang ate ko, sabay sabi “PURUROT ANG NAKUHA KO, PURUROT”, eh hindi ko naman masisisi ang ate ko, eh kasi naman eh sandamakmak na wallet na may “Aling Miling's Store” ang meron sa amin.
Pag-uwi ng bahay, nasa gate pa lang ang ate ko, umaatungal na, na parang baka.

NANAY, NANAY!! Pururot ang nakuha ko, pururot!!! Na halos lumubo ang sipon at tumutulo ang laway.

Eh takang taka ang nanay ko bakit ganun na lang ang atungal ng kapatid ko.


“Eh ano ba ang nakuha mo?” tanong ng nanay ko

“Ito po!!” sabay ipinakita ng ate ko yung regalong natanggap nya, sabay singhot ng uhog

“AY!! PURUROT NGA!!!” sigaw ng nanay ko.

Naalala ko pa yung mga eksena yan sa amin. Eh nung i-trace namin kung sino ang nagbigay ng pururot na yun, napag-alaman naming yung pinsan ko pala, tapos sya rin ang nakatanggap ng regalo ng ate ko. Hehehehe!napakautak ng pinsan ko nay un, hindi man lang nag-effort.


Para sa kabuan ng blog ko na ito (pag hindi ka tinatamad basahin ito) , pakiclick lang po ang link sa ibaba:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Blogging

Naku, ngayon ko lang nalaman na dapat pala kung magboblog ka dapat konti lang, para naman medyo hindi nakakatamad basahin. Tapos gagawin mong parang dayari ang blagsayt mo para masaya. So heto uumpisahan ko muna dito tapos bukas eh simula na akong mamwisit. hehehe!!

Pero kung sakaling mahilig kayong magbabasa eh pwede naman nyong tignan yung isang blog site ko. Eh yun eh kung gusto nyo lang!!!

http://utaknidrake.blogspot.com/