Wednesday, December 31, 2008

HAPI NEW YEAR

Akalain mo yun may bumabasa pala ng blog ko, sa iyo "Manlalakbay" maraming maraming salamat sa pagtambay.


Nga pala bagong taon na, grabe napakabilis talaga ng panahon. Tatlong taon na rin ako dito sa Saudi, grabe!!


Kahapon nanonood ako ng balita at punong puno ng kaek-ekan na naman ang pagdiriwang ng bagong taon. Nandyan ang pagbili ng bilog na prutas, mga paputok at sang kaderbang mga kaugalian nating mga Pilipino.


Dati sabi ng nanay ko maglagay daw ako ng pera sa bulsa ko pagdating ng bagong tao para naman marami akong pera. So ginawa ko naman, pero hindi pala totoo yun, kasi halos isang buong taon akong baon sa utang dahil sa pesteng credit card na yan (eh di ba ako rin ang gumastos nun???hehhe). Sabi ng nanay ko, buksan daw ang bintana at pinto para pumasok ang swerte sa bahay, pero imbes na swerte eh gabundok na usok ang sumalubong sa akin, Dyos ko po hinika pa ako sa kaututan ng nanay ko.


Sabi nila tumalon talon daw para tumangkad, so tumalon naman yung mga kapatid ko, dapat mataas ang talon para mas matangkad. Eh so far kung sino ang pinakamataas tumalon eh sya ang pinakapandak ngayon.


Dapat daw kumpleto ang prutas mo at kailangan labing dalawa. Naku taghirap kami kaya yung kamatis na lang saka yung alateris ang pinaginteresan ko. Di namin kaya nag PONKEN (sosyal), ubas at epol.


At ngayong bagong taon, usong uso na naman si Madam Auring, na alam mo namang pinagluluko ka lang ,kasi common sense lang ang ginagamit nya at hindi ang psychic power nya. Naabsorb na ng ilong nya ang kanyang powers. Sabi sa isang artista, “magkakasakit ka kung hindi mo iingatan ang kalusugan mo”. Eh tampalin ko kaya ng isa itong si Madam Auring, eh talagang magkakasakit ka kung walang kang pakialam sa health mo. Tapos yung mga artista sarap bangasan kasi paniwalang paniwala.


Hay, buhay!!Marami pang mga pautot tuwing bagong taon, pero sa totoo lang wala sa mga pamahiin na ito ang swerte o malas at lalong wala kay Madam Auring, nasa atin mga desisyon yan at pagpapatakbo ng buhay natin. Kaya maiging maging maingat na lang tayo sa pagdedesisyon sa ating buhay.


Yun lang at HAPI NEW YEAR!!!

1 comment:

Jethro said...

Wow! Ang swerte ko naman at na-special mention pa ko, haha! Salamat ng marami. Nakakahalina namang basahin ang entries mo. Hope makagawa rin ako ng mga ganyan.
Tungkol pala sa entry-ng ito, dati paniwalang-paniwala ako sa mga yan pero ngayon nabawasan na.. Dun sa tumalon ka para tumangkad kalokohan lang yun kasi ganito pa rin height ko hanggang ngayon, magsuot ng polka dots na damit dahil pera raw ang hatid nun ewan at maglagay ng barya sa bulsa hindi rin. Mapipili ko na lang talaga ang paniniwalaan ko. Pero hindi na natin maaalis sa kaisipan ng mga Pilipino ang mga ganitong bagay lalo't nakaugalian na.. naging parte na rin kasi ito ng buhay natin, tradisyon at kultura. Kaya what we have is what made us unique from others. Post ka pa po at ako ang unang babasa. ^_^