Grabe, ngayon lang ako namulat sa maraming bagay tungkol sa blaging blaging na yan. Akala ko noon yunik ako at kakaiba ang kahinganan ng utak ko. Tapos magulat gulat ako eh isangdamakmak na mga may toyo pala ang katulad kong nahihilig sa pagkukuwento na wala namang kwenta. Nakakatawa minsan kasi nakakareleyt ako sa kanilang mga kababawan at nakikita ko na lang na binabasa ko na rin ang mga gawa nila.
Dati akala ko pagmanunulat ka eh dapat seryoso, saka dapat mukha kang laging puyat, mabaho, tamad,mahaba ang buhok at higit sa lahat PANGIT!! Hahaha!! Iyan kasi ang tipikal na nakikita kong manunulat, pero nagbago nung nauso yang blaging blaging na yan, kasi kahit sino pwede magsulat. Kaliit liitang detalye eh kinukwento pa. Yung mga nagpapatawa sa blag kalimitang mga korni yun sa totoong buhay, yung tipong pag nag joke hindi mabenta, kaya dito sila nagsusulat para bumenta man lang.Hehehe! (parang ako)
Ewan ko pero nakaktuwang isipin lang na maraming Pilipinong matatalino talaga. Si Bob Ong ang pasimuno ng ganyan eh, kaya nagbagong anyo na rin ang manunulat ngayon. Eh sana mapabilang din ako sa mga blager na ito. Malay mo maging neks BOB ONG ako (why not, coconut)
2 comments:
Hindi masamang mangarap as long as you put an action to it. ^_^
Yung mga nagpapatawa sa blag kalimitang mga korni yun sa totoong buhay, yung tipong pag nag joke hindi mabenta, kaya dito sila nagsusulat para bumenta man lang.Hehehe! (parang ako)
hahahaha..korak! parang ako din..
Post a Comment