Pinakamahirap pala ang mag-intay, sa lahat kasi ng ayaw ko ay nag-iintay . Mayroon kasing isang mahalagang mangyayari sa akin ngayong taon na ito, yun nga lang PENDING pa rin kung matutuloy o hindi, kaya nag-iintay na naman ako sa desisyon. Hindi na nga ako makatulog, laging hindi mapakali ang puwet ko, at halos namumuti na ang mata ko kakaintay sa desisyon, pero hanggang ngayon WALA pa rin.
Hindi kasi ako sanay ng nag-iintay, lalo na sa isang desisyon. Gusto ko express, parang DRIVE THRU sa Jollibee o Mcdo, nandun agad ang order, nandun agad ang sagot. Eh ang hirap kasi sa pakiramdam na parang binibitin ka pa. Kaya nga ako madalas pag may desisyon akong gagawin sa buhay ko, kailangang may ready na akong desisyon, at kailangang napag-isipan ko rin ng matagal (parang conflicting ata, hehehhe!! Ang one hour kasi sa akin ay matagal na)
Madalas nga pag may usapan kami ayaw kong nag-iintay gusto ko ako ang iniintay para pagdating ko, alis agad (kapal ng mukha ko noh!!). Ayaw ko kasing pag-iintayin ka, sasabihing “5 minutes na lang nandyan na ako!!”, tapos tinubuan ka na ng ugat at namunga ka na eh hindi pa rin dumarating.(hahaha!!gawain ko kasi yan, ika nga ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw)
Ngayon, intay intay uli ako sa desisyon nila. Sana matapos na itong pag-iintay ko kung ayaw nila eh di sabihin nila agad, kung gusto naman nila eh di okay. Pero kung parang ibinitin lang ako kakaintay sa desisyon nila, naku tyak laging iikot ang puwet ko, mamumuti ang mata ko, at hindi ako gaanong makatulog nyan kakaisip. Buti pa yung gorilyang nasa itaas nito, aliw na aliw kakakulangot.
Kaya please naman po sabihin nyo na ang desisyon nyo!!
(kung curious kayo kung ano ang iniintay ko, medyo regarding ito sa aking career!! Nice!!)
No comments:
Post a Comment