Thursday, December 4, 2008

Magpapagupit ba ako?

Nag-iisip ako ngayon kung magpapagupit ba ako o hindi. Medyo mahaba haba na rin kasi ang buhok ko at hindi ako sanay na lumalampas sa tenga ang buhok. Pakiramdam ko kasi kinukuto ako at minsan naman iritang irita ako na hindi ko alam kung bakit (nireregla ba ang lalaki??). Nagdadalawang isip ako kung magpapagupit ako, kasi kung papagupitan ko ang buhok ko hindi ko na makakahawig si Piolo Pascual, (naks yan ang payting ispirit). Medyo bagay naman sa akin ang mahaba ang buhok, yun nga lang hindi ako kumportable, kaya balak ko ring paputulan. Kaso kung papaputulan ko naman baka naman magmukha naman akong niyog katulad ni Dora d eksplorer.


Nagtatalo ang isip ko, mukhang napakahirap na problemang ito! Kaya kailangan ko ng konsentrasyon! Sabagay kung gwapo ka, eh gwapo ka kahit ano pa ang buhok mo, kaso talagang sa akin galawin mo na ang lahat wag lang ang buhok ko, ika nga nila “TO ERR IS HUMAN, MY HAIR IS DIVINE”. Basta pag-iisipan ko muna.


Teka gusto ko lang mag joke, “Use ICE BUKO and GUAVA in a sentence”


SAGOT: Pare, ICEBUKO, masa GUAVA? (transleysiyon: Ayos ba buhok ko, masagwa ba?)

1 comment:

manlalakbay said...

Natuwa naman ako dito sa entry mo at naniniwala ako dito "Sabagay kung gwapo ka, eh gwapo ka kahit ano pa ang buhok mo.." kaya ako palaging nagpapagupit kasi hindi ko nakuha ang katangiang yan, hehe!

Kelangan talaga maayos ang buhok kasi magalaw at humaba lang ng konti muka ng kabayo, haha!

Keep it up! ^_^