Monday, May 25, 2009

BUSY EH!!!


Grabe tagal ko na pala akong entry dito sa blog ko na ito! Medyo akala ko kaya kong iuupdate ito araw araw eh medyo mahirap din pala kasi syempre may kanya kanya tayong pinagkakaabalahanan (ang haba pala ng word na ito) sa buhay.
Teka ano ano nga ba ang mga ginawa ko:


1. Naadik sa Naruto Shippuuden

Grabe itong anime na ito nakakaadik, daig pa ang isang litrong cough syrup at isang sakong dahon ng kamoteng kahoy. Nagsimula ako ng alas syete ng gabi natatapos ako ng alas-dose kakapanood sa mga nadownload kong episode. Medyo halos pumutok ang eyeballs ko kakatutok sa TV, at tumulo ng isang drum ang laway ko kakapanood kay Naruto. Pero da best talaga to, ibang iba kay Hello Kitty at kay babaeng niyog na si Dora d explorer.

2. Kumain ng binusang mais

Tulad ng Naruto eh medyo naadik ako dyan sa binusang mais na yan. Akala ko ata ay gilingan ng mais ang bunganga ko kasi dakot dakot na mais ang pinagngunguya ko. Di ko napansin ay halos puro pala bestin at asin ang dumdikit dikit sa mais nay un. Kaya medyo naapektuhan ang bato ko, kaya pag umiihi ako may Kristal na sumasama at gumagasgas sa aking kuwan (alam nyo nay un). Balak ko sanang salain ang ihi ko para makuha yung mga Kristal malay mo pwede ko palang gawing singsing, kumbaga parang diamante (why not coconut)

3. Maginternet

Talaga palang malawak ang internet, lahat nandun na. Ang galing din ang nakaisip nyan no, kasi dahil sa kanya nawalan ng trabaho ang mga nagbebenta ng encyclopedia , ang mga kartero, at kung sino sino pa . At dahil sa internet dumami ang mga kaibigan mo, pwede kang maging kahit sino. Kumbaga manguha ka lang ng piktyur ng mga artista at ipost mo sa account mo, hala instant celebrity ka na at marami na ring mag-iinvite sa iyo. Minsan nga nakita ko sa “shoutout” ni Marian Rivera kasi nasa prenster ko sya ang nakalagay dun “HILLO MGA KAPRINSTIR!!!”, kamusta naman yun (tiga saan ba si Marian??)

Medyo nagagawa mo kung ano ang gusto mo sa internet. Kung nababagot ka pwedeng manood ka sa youtube kung dati pangungulangot at pagpapalobo ng laway ko sa bibig lang ang ginagawa ko pag nababagot ako ngayon may youtube na, ay medyo nakakalimutan ko na ang mga habit ko na iyon (teka bat di ako makahinga, di kaya malaki na ang kulangot ko sa ilong) .

4. Magtrabaho

Nakalimutan ko pala may trabaho pala ako!!! Syempre empleyado din naman ako. Yun nga lang nakakabuwist pag nakakaabala ang trabaho sa chatting, pag-iinternet, panonood ng ng naruto, pag-uupdate ko sa prenster, pagtingin sa youtube at pagkain ko ng binusang mais. Medyo lahat ng yan ay ginagawa ko habang nagtatrabaho. Hahahaha!! Ganun talaga para-paraan lang yan. Kumbaga sa kape ALL-IN ONE!! Pero mas lalo ako namomorebla kasi di pa ibinibigay yung increase ko???Hay kelan kaya yun?


Yan ang mga pinagkakabalahanan ko ngayon.Medyo makabuluhan at prodaktibo naman ang mga iyon at malaki ang maitutulong nyan sa buhay ko. Pero pwamis din lagi akong mag-uupdate na ng blog ko!!


HAY HAY!!BUHAY!!

Monday, March 23, 2009

Tanong lang???

Alam nyo may mga bagay na matagal ko ng iniisip, halos lagi itong gumugulo sa aking isipan kaya sana matulungan nyo ako dito:



1. Ano ba ang tagalog ng CAKE? (utang na loob wag nyong sabihing ganito ang tagalog nito-“KEYK”)


2. Ano naman ang ingles ng Nanghihinayang ( Uhmmm hindi na pwede ang TSK TSK TSK)


3. Ano ang tagalog ng ICE CANDY? (YELONG MINATAMIS ba?) eh ang ICE BUKO?? (YELONG BUKO?)


4. Bakit ang tagalog ng HONEYMOON ay “PULOT-GATA”, eh di ba ang ingles ng GATA ay “COCONUT MILK” at ang tagalog naman ng MOON ay “BUWAN”. Kaya dapat kung hindi HONEYCOCONUTMILK eh dapat PULOTBUWAN.


5. Paano mo tatagaluhin ang salitang “Appliances” , “computer” o “Electronic” sa isang salita at hindi ka todong nag-eexplain?


6. Bakit masarap ang betsin? At ano ang lasa nito? ( hirap noh, parang rugby mabaho pero masarap, adik???)


7. Bakit ang langgam mahilig sa matamis, eh wala naman silang dila?Hindi kaya nasisira ang Ipin nila?Saka paano nila nalalaman na hindi asukal ang iodized salt (ako nga nagkakamali eh sila pa!hindi kaya mas matalino sila kesa sa akin??)


8. Bakit ang “TAE” saka ang “TAE NG KALABAW” pag iningles mo MURA ang kinakalabasan (Shit at Bullshit). Kaya pag tinatawag kang “SHIT” o “BULLSHIT”, sagutin mo ng “IKAW MUKHANG KUYUKOT” o di kaya sigawan mo ng “ LANGEB, LANGEB, LANGEB” sabay belat.(Teka ano nga ba ang ingles ng kuyukot at langeb??)


9. Bakit ang pusod natin mabaho?(sige subukan mong kalikutin ang pusod mo saka mo amuyin? Ano amoy????)


10. Pag ang dalawang tao nagyayabangan ang sinasabi natin “Nagpapataasan sila ng ihe”, eh pag ang dalawang babae nagyayabangan pwede rin ba nating sabihing “nagpapataasan din sila ng ihe????” (Paano kaya yun?)



Konti lang yan sa dami ng mga bagay na gumugulo sa aking malabnaw na utak. Sana matulungan nyo akong masagot ang mga bagay na ito para mapabuti ko at umunlad ang aking buhay. Malaki ang maitutulong nito sa aking pang araw-araw na pamumuhay.


Salamat.

Wednesday, March 11, 2009

Kuya Wag Poooooo!!!!!


Kahapon pumunta ako sa TELEMONEY (para magremit ng pera sa Pinas)nakapila ako ng biglang may lalaking ngumite sa akin na nasa pila (mga 3 tao ang pagitan nmin). Mukha syang sanggano eh akala ko may ngingitian sa likod ko na kakilala o kaibigan nya, kaya tumingin ako sa likod at wala namang akong nakitang tao dun. Kaya di ko pinansin, biglang lumingon uli sya at ngumite pero this time nahalata ko na na ako ang nginingitian nya, at heto kamo ang usapan namin:

Kuya: O magpapadala ka rin bas a Pilipinas?

Ako: (Hindi ba halata?kaya nga po ako pumila eh) Ah Opo kuya

Kuya: Naku wag mo na akong kuyahin, teka bakit ilang taon ka na ba?

Ako: 26 po KUYA (talagang pinagdiinan ko yung KUYA)

Kuya: Ah bata ka pa pala, wag mo na akong kuyahin. Teka maynag-aalaga na ba sa iyo

Ako: Ha??? Nanay ko! Bakit KUYA?

Kuya: Gusto mo alagaan kita

Ako: Ah di na po kaya ko po ang sarili ko (at ginawa pa akong aso, mukha ba akong alagain)

Kuya: Ah ganun ba? Naku, sayang ayaw mo nung may allowance ka lagi!!
Ako: (Gusto ko na sana syang murahin ng pagkalutong lutong) KUYA MAY TRABAHO PO AKO (hindi po ba obvious naka-neck tie ako)

Kuya: Ano ba ang cellphone number mo?

Ako: (tahimik lang, at pinapahalatang bad trip)

Kuya: Ano ba ang cellphone number mo, sige na!! Ano ba ang cellphone number mo?

Ako: (Isang sabi pa isasalaksak ko na sa kanya yung cellphone ko), Kuya di ako callboy!!


Sa pagkakataong iyon umalis na ako kasi nabubwibwisit na talaga ako. Hindi na rin ako nagpadala ng pera, sa susunod na lang kasi baka magkaroon ng riot dun. Well, hindi naman ako
kagwapuhan (cute lang daw sabi ng nanay ko), kaya nga nagtataka ako kasi pang-apat ko na atang encounter yung ganoong sitwasyon. Kaya naman hindi ko maiisip kung bakit ganun na lamang sila. Ito ang naiisip ko kung bakit ako nakakaexperience ng ganun;


a. Mukha akong callboy (eh mayroon bang callboy na naka nectie??)

b. Mukha akong pera (hahahha, baka yun pa)

c. Mukha akong uto-uto ( akala nila eh just-just ako )

d. Cute ako (malamang iyon nga)

e. All of the above (hehhehe, patay tayo dyan)


Basta ewan siguro kahit offeran ako ng 1 million hindi ako papatol sa ganun, mga 1.1 million pwede na (hahahah, joke lang). Hindi ko kayang ipagpalit ang aking katawan sa pera. Ang tagal kong inangatan ang aking puri at dangal, hehhehe. Nice parang pang Maalalala mo Kaya. Pero seriously kayak o naman siguro mabuhay na di ko kailangang ipagpalit ang aking dangal kahit pa gaanong kalaking kayamanan. Pero kung maganda babae naman ang mag-offer sa akin…….eh kalimutan mo na yung sinabi ko kanina. Hahahah!!!

Tuesday, January 20, 2009

Mr. Photogenic


Madalas ba kayong sabihang “Ay, ang pangit mo naman sa piktyur”. Ako, madalas akong putaktehin ng linyang yan, sabi nila ibang iba daw ang mukha ko sa piktyur at sa personal. Kaya naman hindi ko na alam kung paanong pagpo-project ang gagawin ko sa harap ng camera. Subukan kong ngumite lumalaki ang butas ng ilong ko (baka makita pa ang kulangot ko), subukan kong hindi mag-smile eh mukha akong may bad breath na hindi pwedeng buksan ang bunganga. Subukan kong magpakyut pero ang lumalabas NAKAKATA-KYUT. Kaya hindi ko na talaga alam, madalas lahat ng piktyur ko puro nakangisi ang ngiti ko, yung tipong nang-uuto ang dating.



Sabagay , okay na rin na panget ako sa piktyur at okay naman daw ako sa personal . Pero minsan kasi baka sinasabi nila yun para hindi sumama ang PILINGS ko .Kaya para hindi halatang panlalait ang gagawin nila, eh ganun na lang ang mga sinasabi nila sa akin.
Sabi nila pag sinabihan kang daw Mr or Ms Photogenic, dapat daw ay huwag kang matuwa kasi ibig sabihin nun “maganda o gwapo ka lang sa piktyur at panget ka sa personal”. Eh buti naman nga at wala pang nagsasabi sa akin nyan, yun nga lang din wala naman nagsasabi sa akin na “Gwapo ako sa personal”, so parang ganun din.



Marami din ang nagsasabi na may tamang anggulo raw para magmukhang okay ang piktyur mo. At kailangan alam mo ang anggulo mo para pag pipiktyuran ka na otomatik na kikilos ang katawan mo na parang robot para magpakyut sa camera. Parang yung ate ko, mula 1980 hanggang ngayon iisa ang hitsura, porma at anggulo sa camera, yung tipong mukhang natatae lang(eh sya lang naman ang nagagandahan sa piktyur nya). Pero kung tatanungin mo ako ang magandang anggulo para sa akin ay pag nakatalikod ako.
Sabi nila nasa magandang tama daw ng ilaw o liwanag yan para magmukhang okay ang piktyur, yun nga lang kahit halos makipagpatintero na ako sa araw hanggang ngayon wala pa rin akong magandang kuha. Kahit halos masunog na ang mukha ko kakatapat sa magandang tama ng ilaw eh waepek pa rin.



Pero kung minsan nakakatsamba ako lalo na’t pag blurred ang piktyur, natatakpan ang mukha ko at pag nalalagyan na ng mahiwagang ADOBE PHOTOSHOP. Medyo gumagwapo gwapo na ako dun.

Oo nga pala kaya ko naisip ang topic na ito, kasi masama ang loob ko ngayon. Matagal ko na kasing kinukulit yung kaibigan kong isend sa akin yung mga piktyur naming last New Year, at natanggap ko kanina. Habang excited akong tingnan ang piktyur, nabwisit lang ako sa nakita ko, kasi mukha akong bangkay sa lahat ng piktyur ko.At halos lahat din ay kinuha habang nasa pinapangit akong anggulo. Ang sama pa nyan ako lang ang pangit sa amin. (hindi kaya mukha ko talaga ang may problema at sinisisi ko lang sa camera, hahaha, malamang)

Tuesday, January 6, 2009

MAKULAY ANG BUHAY

“Masarap ang buhay sa sinabawang gulay”, naku kung talaga namang sasarap ang buhay dahil lang sa paglamon at paghigop ng sinabawang gulay na yan, aba baka siguro inaraw araw ko na ang pagkain nyan hanggang mabundat na lang ako ng sobra sobra.

Nito kasing mga nakaraang araw ay nadepress ako ng sobra dahil hindi nangyari ang mga inaasahan ko. Todo ekspek pa man din ako, kaya naman talagang pinulot na lang ako sa kangkungan, kasi gumuho ang mga drims ko (kapal peys kasing mag-ekspek eh). Wala na akong magagawa kundi tanggapin na lang na ganun talaga. Sabi nga nga mga kinuman kong adik ,ang buhay ay parang gulong minsan nasa itaas ka minsan naman nasa ibaba ka, pero wish ko lang ma-platan ng gulong pag nasa itaas na ako hhehehe, para naman tumodo na ang pagyaman ko (pag ntyempuhang nasa ibaba ako, malas ko naman)

Kaya ngayon, ayaw ko ng umasa o mag-ekspek kasi madedepress lang ako , kung talagang para sa akin eh mangyayari yun, hayaan ko na lang na masopresa ako kaya hindi na ako aasa pa. Kaya rin nga pag may nagreregalo sa akin, ayaw ko ng mag ekspek na mahal ang ireregalo sa akin ng mga kaibigan kong mayayaman, kasi talaga namang mga kuripot sila. Baka magsabi pa ako “ANO TO??” , hahahahaha. Pero pag yung mga kaibigan ko naman na medyo kahirapan ng konti, talagang natotouch ako kasi hindi ko aakalain na kaya pala nilang bumili ng ganoong regalo. (hindi kaya sa ukay ukay yun, Joke lang)

Pero ngayon susubukan ko munang lantakan yang sikat na sikat na sinabawang gulay na yan baka sumarap sarap ng konti ang buhay ko. Malay natin epektib pala yun. Hehehe!!

Thursday, January 1, 2009

NEW YEAR'S RESOLUTION

Usong uso ang new year’s resolution ngayon ,pero hindi ko naman talaga alam kung dinadaya lang ba nila ang sarili nila o gusto lang nilang makiuso.




Dati noong bata pa ako, gumawa rin ako ng kapuwitan na yan, talaga namang nilagay ko pa yan sa magandang papel at tinago ko pa sa kabinet. So parang agreement kumbaga, may pirma ko pa yun at ito ang mga natatandaan ko sa mga naisinulat ko doon:


1. Lagi na akong magwawalis ng bakuran

- Hindi ko natupad yan, kasi mukhang epektib lang yun ng dalawang araw kasi pagkatapos nun tinamad na ako mas gusto ko pa ring humilata, manood ng TV at kumain ng Piatos

2. Lagi na akong susunod sa nanay at tatay ko


- Naku hanggang isang linggo lang yan, kasi nga madalas ako ang pinapangutang ng nanay ko sa tindahan. Eh nagbibinata na ako nun tapos nangungutang pa ako ng isang kilong baboy at magsuga ng kalabaw sa bukid. Ano na lang ang iisipin ng mga kras ko, kaya hindi ko talaga sinunod ang nanay at tatay ko, hehehe!!

3. Magiging mabait na ako sa mga kapatid

- Naku umabot lang yan ng 3 oras, kasi naman kinain nya yung tinitipid tipid kong CHOKOBOT (choc-nut), hayun pinaghahabol ko ng suntok at batok. Umiyak naman ang luko kaya tuloy palo sa puwet ang inabot ko, may free pang kurot.

4. Magsisipag na ako sa pag-aaral

- Medyo umabot naman yan ng 3 linggo, kasi bago ang notebook at ballpen ko kaya masarap ipansulat. Pero makalipas nun, balik buhay tamad uli mas pinili ko pang manood ng Cedie ang Munting Prinsepe at Shaider kesa mag-aral.

5. Kakain na ako ng gulay

- Naku hindi rin kinaya ng kapangyarihan ko yan, kasi sinubukan kong kumain ng ampalaya nun, isinuka ko lang yun na halos lumabas na ang bituka at lumuwa ang mata ko. Mula noon hindi na akong naulit pa kumain ng gulay. Ayaw ko talaga ang lasa ng gulay kaya tuloy dala ko ito hanggang ngayon.



Yan ang mga natatandaan ko sa kapuwitan kong NEW YEAR’S RESOLUTION noong bata pa ako, madalas hindi naman tumatagal yun ng isang taon, pinakamatagal na ang isang buwan. Kaya nga naisip ko mukhang niloloko ko lang ang sarili ko mas maigi pang gawin ko na lang kaysa pilitin ang sarili ko para lang makiuso sa paggawa ng ganyan. Kaya ngayon malaki na ako eh medyo hindi ko na ginagawa yan.


Basta sana maging maganda ang taong 2009.

Wednesday, December 31, 2008

HAPI NEW YEAR

Akalain mo yun may bumabasa pala ng blog ko, sa iyo "Manlalakbay" maraming maraming salamat sa pagtambay.


Nga pala bagong taon na, grabe napakabilis talaga ng panahon. Tatlong taon na rin ako dito sa Saudi, grabe!!


Kahapon nanonood ako ng balita at punong puno ng kaek-ekan na naman ang pagdiriwang ng bagong taon. Nandyan ang pagbili ng bilog na prutas, mga paputok at sang kaderbang mga kaugalian nating mga Pilipino.


Dati sabi ng nanay ko maglagay daw ako ng pera sa bulsa ko pagdating ng bagong tao para naman marami akong pera. So ginawa ko naman, pero hindi pala totoo yun, kasi halos isang buong taon akong baon sa utang dahil sa pesteng credit card na yan (eh di ba ako rin ang gumastos nun???hehhe). Sabi ng nanay ko, buksan daw ang bintana at pinto para pumasok ang swerte sa bahay, pero imbes na swerte eh gabundok na usok ang sumalubong sa akin, Dyos ko po hinika pa ako sa kaututan ng nanay ko.


Sabi nila tumalon talon daw para tumangkad, so tumalon naman yung mga kapatid ko, dapat mataas ang talon para mas matangkad. Eh so far kung sino ang pinakamataas tumalon eh sya ang pinakapandak ngayon.


Dapat daw kumpleto ang prutas mo at kailangan labing dalawa. Naku taghirap kami kaya yung kamatis na lang saka yung alateris ang pinaginteresan ko. Di namin kaya nag PONKEN (sosyal), ubas at epol.


At ngayong bagong taon, usong uso na naman si Madam Auring, na alam mo namang pinagluluko ka lang ,kasi common sense lang ang ginagamit nya at hindi ang psychic power nya. Naabsorb na ng ilong nya ang kanyang powers. Sabi sa isang artista, “magkakasakit ka kung hindi mo iingatan ang kalusugan mo”. Eh tampalin ko kaya ng isa itong si Madam Auring, eh talagang magkakasakit ka kung walang kang pakialam sa health mo. Tapos yung mga artista sarap bangasan kasi paniwalang paniwala.


Hay, buhay!!Marami pang mga pautot tuwing bagong taon, pero sa totoo lang wala sa mga pamahiin na ito ang swerte o malas at lalong wala kay Madam Auring, nasa atin mga desisyon yan at pagpapatakbo ng buhay natin. Kaya maiging maging maingat na lang tayo sa pagdedesisyon sa ating buhay.


Yun lang at HAPI NEW YEAR!!!