Sunday, November 22, 2009

Pa-Burger ka naman Efren


Grabe nagbunga din ang aking pagboto kay Efren Penaflorida dahil sya ang hinirang na CNN HERO OF THE YEAR. Heto ang link para sa prueba baka sabihin nyo nagdedeliryo lang ako dito: PINDOT NA!!


As usual, walang salubong na magaganap, o kaya mga interviews sa kanya dahil hindi naman sya boksingero. Wala naman syang belt na may ginto at diamante. Ang tanging meron lang sya ay KARITON na naging daan para mabago ang buhay ng mahihirap na batang Pilipino.

Okay ituloy mo na ang basa dahil hindi naman to gaanong seryus, at baka bigla mong pindutin ang X dun sa sulok ng screen. Eh Masaya lang ako kasi kinilala sya ng buong mundo.


Biruin mo yun hindi na kailangan pang mamatay at ilagay ang pagmumukha sa pera para maging bayani. Kaya kung hihiling ako kay Papa Jesas, hihiling ako na sana yung kabutihan ni Efren ay maging isang epidemya o parang isang dengue/ H1N1 na kung saan pag nahawahan ka nito ay tutulong ka rin sa kapwa mo . Ganun! Pero huwag naman gawing TULO o kaya ALMORANAS ni Papa Jesas kasi panget naman yun!hehehe!


Nakakatuwa na nanalo din sila ng 100,000 dollars o tumataginting na 4.7 Million pesos (depende sa palitan ng piso sa dolyar) aba hindi na nya kailangang makipagbasagan pa ng mukha para manalo ng ganung kalaking pera.
Hindi na rin ako hihingi ng balato kay Efren pambili ng cellphone, hahayaan ko na syang gamitin ang pera para makatulong pa sa iba pang nangangailangan.


Teka sesegway lang ako, kasi maganda yung sinabi ni Efren na ito eh! English ito kaya ihanda ang tissue baka dumugo ang tenga’t ilong mo:

"Our planet is filled with heroes, young and old, rich and poor, man, woman of different colors, shapes and sizes. We are one great tapestry," PeƱaflorida said upon accepting the honor. "Each person has a hidden hero within, you just have to look inside you and search it in your heart, and be the hero to the next one in need.

"So to each and every person inside in this theater and for those who are watching at home, the hero in you is waiting to be unleashed. Serve, serve well, serve others above yourself and be happy to serve. As I always tell to my co-volunteers ... you are the change that you dream as I am the change that I dream and collectively we are the change that this world needs to be."



Grabe lumabas pati luga ko sa English ni Efren na yan! Totoo naman kasi yung sinabi ni Efren na lahat tayo ay may tinatagong kabayanihan at kabutihan sa sarili natin. Yung iba nga lang masyadong tagong tago at naka-padlock pa!Kaya hindi mo nahahalata!Hehehe


Nabigyan ako ng pag-asa na yung boss kong EPAL ay may tinatago ding kabutihan, at kapag nakita ko ang tagong tagong kabutihan ng boss ko na iyon..... magpapainom ako ng isang case na beer at may pulutan pang boy bawang at chikito (yung parang nagaraya)


Basta sobrang saludo ako kay Efren ,sampu ng kasama nya sa Dynamic Teen Company (DTC) dahil sila ang totoong bayani ng lahing Filipino. Pinatunayan nyo na hindi na kailangan pang mamatay para sa bayan, hindi na kailangang manalo ng pitong world title o magpabugbog sa kalabang Mehikano at hindi nakailangang maging presidente para maging isang Bayani. Ang busilak nilang puso sa pagtulong sa kapwa ay sapat na para kilalanin ng mundo at gawin isang TUNAY NA BAYANI NG LAHING PILIPINO. Kaya lalong nakakaproud maging isang Pilipino dahil sa inyo.
MABUHAY KAYO!!!!


Yan lang mga kautak! Salamat sa time!Sige ibalik mo na ang daliri sa ilong at mangulangot ka na uli!



Salamat

Drake

Thursday, November 12, 2009

Post-Bertdey Post!

Makalipas ang dalawang araw ng aking bertdey, medyo ako ay talagang sobrang natats. Naging memorable ang bertdey ko na yon dahil mayroon isang mabait na nilalang (oo, tao sya) na nagpadeliver sa akin ng cake! At paborito ko pang flavor…. Ang chocolate flavor (hindi kasi ito tipikal, hahah). Sobra akong na-tats sa nagbigay ng cake na iyon, kaya nga alam kong pagpapalain sya ni Papa Jesas ng maraming marami dahil nagpasaya sya ng isang “creature” (nice parang halimaw lang ah).

Heto ang prueba na meron talaga akong cake nung bday ko at hindi ito isang imahinasyon lamang.









Sarap noh! At sa 27 years of existence sa planetang ito (alien??) eh ngayon lang ako naka-ihip ng kandila sa ibabaw ng cake. Syempre pagkakataon ko nang magwish, kaya pumikit ako ng matagal at nagwish na sana next year….......ube flavor naman!whahahah. Nagwish ako na sana dumami pa pera este kaibigan ko.


Heto pa ang maganda dyan, wala akong balak magblowout kasi wala naman akong pera dahil ubos na ang sweldo ko. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, tinawag ako ng boss ko at binati ng “HEYPI BERTDEY” (nagpapansin kasi ako sa kanya at nagsuot ng damit na pula). Sabay abot ng pera, sabi nya pamblow-out ko daw. Naks! Eh di na ako nagpakipot pa at binilang ko agad yung pera , joke lang,, nagpasalamat agad ako sa kanya. Kaya hayun nagkaroon ako ng pera (nagdalawang isip pa nga ako kung ipanlilibre ko talaga yun o pambibili ko ng wireless keyboard at mouse hahaha). Pero sabi ng boss ko pamblowout kaya pinamblowout ko. Napakabait talaga ng boss ko.

At heto pa ang pinakanatuwa ako ay nang biglang may nagmessage sa akin at pinapabukas sa akin ang isang video file. Akala ko naman ay sex video yun kaya naexcite ako ng konti. Pero halos tumulo ang sipon ko na ito pala ay isa ..........TENEN.......... video greetings mula sa aking pamilya. Kaya sobrang tats na tats ako, ibig sabihin nun eh marami palang nagmamahal sa tulad kong mongoloid. Para akong artista talaga na merong VTR pa , habang ininterbyu ng mga hosts ng SOP o ASAP. Ibang klase talaga nag pakiramdam.


Tapos may picture greetings pa mula sa mga fellow bloggers at mga kaibigan ko. Kaya san ka pa, ubod ng saya ng aking bertdey! Isa talaga itong bertdey na hindi ko makakalimutan!hehhehe!
Kaya sa inyong lahat maraming maraming salamat talaga. Pagpalain pa sana kayo ni Papa Jesas!

Ingat!

P.S

Para sa nagbigay ng cake maraming maraming salamat, sana wag ka munang kunin ni Lord!Isang kiss na may tunog para sa iyo....... mwaaaahhhh! hehehhe

Monday, November 9, 2009

PIKTYUR GRITINGS

Weeeeeeeeeeee!!! Bertdey ko ngayon!!!

Tuwang tuwa ako sa inyo, sobra nyo akong napasaya. Nakakalaglag brief lang na marami ang nagpadala ng kanilang piktyur gritings. Aaminin ko matagal kong pinag-isipan ito kung hihingi ba ako,kasi baka mapahiya lang ako. Hindi ko nga alam kung may nagbabasa ba talaga ng blog ko, isa pa konti lang naman kayong kaibigan ko dito (kaibigan ko na kayo pwede ba?). Konti din naman kayong nasa bloglist ko kaya sobra talaga akong nagulat na talagang nagbigay kayo ng panahon para dito.

Gusto kong umiyak sa sobrang tats kung alam nyo lang. Hahahhaha!! (pwedeng pangstarstruck) At kung pwede bang puntahan ko kayo isa-isa para i-kiss at ilibre eh ginawa ko na kasi nga di ko naman inaasahan ito. Kaya maraming maraming salamat talaga! Hindi ko kayo makakalimutan isa-isa.

Ayaw ko ng patagalin ang kwento ko, saka dalawang linggo talagang di ako nagpost para dito. Basta mga ASTIGGGGGG KAYO!!! Taas ang kamay ko sa inyo!!

Kaya heto ang aking video, pagpasensyahan nyo na ha!!!







P.S

Iwan na rin kayo ng comment para sa bday ko!!hehehe!Salamat uli!!

Saturday, October 31, 2009

HABERDEY!!



November na pala bukas, grabe ang bilis talaga ng panahon. Ibig sabihin din nyan malapit na ang pasko, at higit sa lahat malapit na rin ang BERTDEY ko!



Oo tama ang iyong nabasa, hindi ako putok sa buho o isang nilalang na biglang nalang sumulpot dito sa ating planeta. Nagbebertdey din ako , kala nyo ba! Pero alam nyo mayroon akong sasabihin sa inyo. Ka-emohan mang matatawag pero alam nyo ba na kahit minsan ay hindi pa ako nakakaranas na magkaroon ng keyk sa aking bertdey. Pangarap kong umihip man lang ng kandila sa ibabaw ng aking bertdey keyk habang nakapikit at nagwiwish. Pero talagang wala eh, gusto ko sanang regaluhan ang sarili ko nito pero naisip ko..parang niloloko ko lang ang sarili ko. Mongoloid??


Umabot ako sa ganitong edad na hindi ko man lang nararanasan ang ganyan, at isang beses lang ako pinaghanda ng aking magulang sa aking berdey (palabok at tinapay lang ang handa ko, tinipid pa ang rekado at palaman ng tinapay ko). At ang hindi ko pa makakalimutan ay noong pinaalalahan ko ang aking tatay na magsisimba ako kinabukasan kasi bertdey ko, kaya gisingin nya ako ng maaga. Pero hayun hindi ako ginising at nagsimba sila. Pagdating sa bahay nagulat pa sila kung bakit maaga akong nagising! Sabi ko wala ba kayong naalala?Sabi nila…uhmmm wala bakit may ano ba? Akala ko ginugudtaym lang nila ako, pero yun pala totoong nakalimutan nila na bertdey ko at nakalimutan nilang gisingin ako ng maaga para magsimba. Hayun natampo talaga ako dahil para namang wala akong kwenta at silbi. Minsan lang sa isang taon ako bebertdey at misan lang din ako magsisimba, nakalimutan pa nila. Lahat ng kapatid ko ginigising nila pag bertdey nila, may bati pa yun samantalang ako wala lang.. Alam ko namang lab na lab nila ako pero yun nga lang lagi ko pa ring naalala ang pangyayaring iyon kapag sasapit na bertdey ko.


Kakaunti lang ang bumabati kapag bertdey ko dahil halos hindi ko na naman kasi pinapahalata na bertdey ko. Hindi ako nagsuuot ng pula, at lalong hindi ako ngumingiti bawat oras kapag bertdey ko. Parang ordinaryong araw lang, at tanging mga malalapit na tao lang sa buhay ko ang nakakaalam nito. Kaya sobrang tats na tats ako kapag binabati nila ako, kahit na minsan forwarded messages lang yun kasi ibang pangalan ang nakasulat imbes na pangalan ko. Pero okay lang!


Dati noong estudyante pa ako, ayaw kong pumasok kapag bertdey ko kasi ayaw kong maging “center of attention”nila. Ibig sabihin nun ayaw kong lagi nila akong kantyawan na kailangan lagi akong maging mabait sa kanila at kailangang ilibre ko sila. Ano sila sinuswerte,sino ako? si Santa Claus? Kaya mas maiging pang umabsent na lang at manood ng Sesame’s Street sa bahay. Dahil pagkatapos ng bertdey ko, wala lang nakalimutan na nila.


Sobrang natatats din ako kapag may nagreregalo sa akin. Minsan lang ako regaluhan at madalas pang brief saka panyo at regalo nila sa akin.Yung brief extra large pa ang size, eh wala naman akong luslos! Hindi ko alam kug bakit brief at panyo ang regalo nila siguro dahil nakikita nila parang bacon ang garter ng brief ko, o di kaya nakikita nilang tumutulo ang sipon kong green na green. O baka dahil mura lang yun at ito rin ang regalong hindi nangangailangan ng sobrang pag-iisip. Sabagay sino ba naman ako para regaluhan? Pero ano pa mang regalo yun tats na tas ako.
Nga pala November 10 ang bertdey ko, ngayon kung gusto nyo akong bigyan ng “picture greetings” maraming maraming salamat, paki padala nyo na lang dito: drake_kula@yahoo.com. Ayaw kong magmakaawa pero kung pinadalhan mo ako n picture greeting ibig sabihin nun labs mo ako,kaya labs na rin kita!Pakiss nga! Pero sabi ko nga ulit, sino ba naman ako para bigyan ng picture greeting?Asa pa!


Konti lang kayong kaibigan ko dito sa blosphere, kaya hindi naman ako nageexpect na marami ang magbibigay ng picture greetings, pero sa mga babati eh hindi nyo lang alam kung gaano ako magiging masaya kahit dalawa lang kayo o tatlo. Hindi naman ako naiingit kay Jepoy, kasi marami naman talagang kaibigan ang nagsasalitang ponkan na yun (peace man) . Masaya na akong may bumabati sa akin, at sa mga hindi babati sa akin, next year magbebertdey kayo at sana maging last bertdey nyo yun este sana magkaroon pa kayo ng maraming marami pang bertdey!Babatiin ko kayo pramis!Hidni naman ako gumaganti.hehhee!


Emo ako ngayon dahil madadagdagan na naman ang edad ko! Salamat sa pagbasa.


Ingat

Monday, October 26, 2009

PUYATTTTTTTT


Waaaaaaaaaaaaaaaa!! Puyat na naman ako, langya naman oh! Heto na naman inaatake na naman ako ng amnesia….. sori insomnia pala. Kahapon humiga na ako sa kama ng mga 12 ng gabi, iyon na ang pinakamaaga kong tulog sa loob ng isang buwan. Pero nakakainis lang na kung kelan ka nasa kama, saka ka bubulabugin ng iyong mga imahinasyon. Hanggang sa lumipad na kung saan saan ang utak mo at makalimutan mong matutulog ka nga pala. Ang nakakainis pa nyan, ngayong buhay na buhay na ang diwa mo dahil sa mga pinag-iisip mong puro kamunduhan este puro kademonyohan, mali pa rin, puro kabutihan pala , eh ngayon ay hindi ka na makatulog kahit anong gawing mong pilit matulog. Nakabiwist talaga na kapag sisikat na ang araw saka ka lang aantukin at makakatulog.
.
Pero dahil may pasok ka ng umaga, hirap na hirap kang bumangon at pakiramdam mo tinortyur ka ng sobrang antok. Tapos nang-aakit pa ang malamig na hangin sa loob ng kwarto at tila pinipigilan ka ng masarap na yakap ng iyong kumot at unan. Kaya naman halos makipagtawaran ka sa alarm clock mo at gustong gusto mo na syang ihagis sa bintana para tumigil na sa kakakring kring kring. Kaso wala kang magagawa kundi pumasok kaya ang gagawin mo ay maglalakad na para kang zombie at gawing ang mga ritwal mo sa umaga habang natutulog. Pwede na rin tamnan ng kamoteng kahoy ang iyong mata sa laki ng eyebag mo at tuloy kamukha mo na si PILENG dahil kulang nalang bulak sa ilong dahil nga mukha kang bangkay sa puyat.


Pagdating mo sa ofis, aantok antok ka at gusto mong umidlip kahit sandali lang, kaso wala ka namang pagkakataon dahil wala ka naman sa bahay at opisina yun hindi kwarto. Syempre babawi ka na lang sa kape, kape at kape. Kahit na hindi mo gusto ang kape dahil mas gusto mo ang Milo at Ovaltine, wala kang magagawa kasi nga antok na antok ka, at halos lulunin mo na ang buong computer kakahikab mo. Pagkatapos papagalitan ka pa ng boss mo kasi hindi ka sumasagot sa pinag-uutos nya dahil natutulog na pala ang utak mo.

Pagkatapos ng isang buong araw sa opisina, sa wakas pagkakataon mo ng magpahinga at syempre matulog. Pero pag higa mo sa kama, wala na ang antok mo. Talagang umeepal pa sya kasi sinubukan mong magpatutog ng mga nakakaantok na music pero wala ring epekto. Uminom ka na ng isang drum na gatas pero sumakit lang ang tyan mo at bumaho ng 20 times ang utot mo. Sinubukan mong manood ng TV pero walang magandang palabas. Sinubukan mong manood ng movie, nalibang ka naman at inabot ka na ng hatinggabi pero hindi ka pa rin dalawin ng antok. Kaya magpipilit kang matulog at papatayin mo ang ilaw susubukan mong irelax ang sarili. At paghiga mo sa kama at pagpikit ng iyong mga mata lilipad na naman ang utak mo dadalhin ka kung saan saan, mag-iimagine ka na naman ng kung ano ano hanggang sa hindi ka na ulit makatulog at aabutin ka na naman ng umaga bago ka antukin. At uulit na naman ang mangyayari, ganun na naman UNGGONG PUYAT KA ULI!
.
Bwisit na yan tatlong buwan na akong ganyan, please naman patulugin nyo na ako pero wag namang panghabambuhay, bata pa ako at marami pa akong pangarap, hehhehe!
.
Waaaaaa! Please naman PARENG ANTOK huwag nyo akong dalawin ng umaga, dalawin nyo ako ng gabi! Makikipag-inuman pa ako sa inyo, Sige na! Bibigyan kita ng chocolate kada gabi basta dalawin mo lang ako sa gabi huwag sa umaga!Please lang!!!

Tuesday, October 13, 2009

Bayani ng Bagong Henerasyon

Hindi naman talaga ako mahilig magboboto sa internet, lalo pa’t para lang ito sa popularidad ng iilang tao. Minsan lang din ako maging seryoso sa blog ko, kaya sana naman eh umepek itong sasabihin ko sa inyo.

Alam nyo sobra akong napahanga ng taong ito dahil sobra syang matulungin sa kapwa. Hindi sya nagdadalawang isip na isakripisyo ang kanyang sarili para sa ibang tao. Magsing –edad pa nga kami. Kaya talaga namang nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Ganyang ganyan din ako eh!hahahha! Joke lang.

Talagang nakakahanga sya dahil tinutulungan nya ang mga batang mahihirap na matutong bumasa at sumulat sa pamamagitan ng kanyang “KARITON KLASRUM” at umiisip sya ng paraan para maging masaya ang pag-aaral nila. Hindi lang yun pinapaliguan pa nya ito at pinapakain.Naiiwas pa nya ang mga kabataan na magbisyo at magdrugs

Kaya sobra nakakabilib dahil sa mura nyang edad ay nakakagawa na sya ng malaking bagay sa mundo. Nakakahawa talaga ang kanyang kabutihang loob.

At alam nyo hindi sya humihingi ng tulong sa mga pulitiko bagkus nag-iipon sila ng dyaryo at bote para ipagbenta at gawin nilang pondo sa kanilang “KARITON KLASRUM”. Sobrang nakakabilib talaga sya taas ang kamay ko pati mga buni ko sa paa.

Para sa video panoorin nyo ito (kesa mangulangot ka dyan,hehhee)





Minsan lang ako humiling sa inyo kaya iboto nyo sya kasi alam ko kung mananalo sya malaki ang maitutulong ng premyong mapapanalunan nya para mapaunlad pa ang kanilang samahan.Kahit huwag nyo na ako iboto sa Pinagwapong Blogger sa balat ng blogosphere at kaysa mag Farmville kayo at magsasagot sa FB Quiz ng NAY! TAO BA AKO? eh ito na lang ang
pagpipindutin nyo kasi malaking karangalan sya sa ating bansa.

PAKIPINDOT LANG YUNG BATANG KALBO! (Kahit ilang boto walang problema, ako ququota ako ng 50 boto isang araw)


Wala namang bayad ito, kaya pindot na. Kaysa yung KWAN ng katabi mo ang pagpipindutin mo, ito na lang nasa itaas, makakatulong ka pa sa mga batang mahihirap sa pagboto sa kanya (at baka masampal ka pa ng katabi mo)

At Para sa iyo EFREN PENAFLORIDA sampu ng iyong mga kasama sa Dynamic Teen Company. Bilib na bilib ako sa inyo! Ipagpatuloy nyo ang inyong magandang adhikain! Dapat sa inyo tularan pa ng ibang kabataang tulad ko (talagang may KO). Pagpalain pa sana kayo ng Dyos

P.S

Hindi po ako PR Manager ni Efren, at lalong wala akong porsyento o balato sa kanya kung manalo sya. Nakaka-uplift lang talaga ng spirit! Kaya suportahan natin ang ating kababayan dahil para na rin nating natulungan ang mga batang mahihirap na uhaw sa karunungan.
Heto nga pala yung website nila pakipindot lang ito: Dynamic Teen Company

Thursday, October 8, 2009

Ano si Lina may Facebook na???

Nagulat ako nung binuksan ko ang aking email, at bigla akong natuwa at napasigaw sa nakita ko:


ANO SI LINA MAY FACEBOOK NA???????




Sino si Lina?Eh sya yung babaeng laging nagpapadala sa akin ng email tungkol sa mga Job Openings! Hindi ko nga sya kilala noong una, pero talagang natutuwa ako sa kaya kasi minsan nagbibigay din sya ng mga tips at nag-iinvite sa akin sa mga seminars. Biruin mo pati birthday ko alam nya! At hindi lang yun pati yung mga kaibigan kong walang trabaho tinutulungan din nya. Kasi pinapadalhan din nya ng email tungkol sa mga job openings, kahit na minsan pareho lang yung email nya sa akin at sa aking mga kaibigan eh Masaya pa rin ako kasi talagang tinutulungan nya talaga kami. Pwede ko na nga syang tawaging SANTA LINA eh kasi santa talaga sya ng mga taong walang trabaho.


Yun nga lang medyo shy type ata itong Lina kasi nga inemail ko sya at hinihingi ko ang YM nya pero hindi sya sumagot. Gusto ko lang naman syang makadate kahit isang beses lang. Siguro talagang busy lang sya.


At ngayong may Facebook na sya, tuwang tuwa talaga ako. Kukulitin ko sya, at kung hindi sya sumagot sa akin mag wawall to wall post ako sa kanya. Lagi ko syang ita-tag at lagi din akong magmemessage sa kanya. Magcocomment ako sa mga shout out nya kung meron syang bago, at iintayin ko kung may nilagay syang video at pictures.


Ngayon sa mga taong hindi natulungan ni Lina ( dahil alam kong mabait sya dahil tumutulong din sya sa iba). Sana huwag nyo naman syang bibigyan ng kumento na masasakit. Kasi masasaktan din ako at ipagtatanggol ko sya. Siguro imbitahan nyo na lang sya sa Farmville para maging close kayo at para maipasok ka nya sa trabaho agad. Subukan nyo rin syang ayain sa ibat ibang mga Facebook Quizzes para naman kahit papaano malibang sya at hindi puro trabaho ang ginagawa nya. Naawa talaga ako sa kanya, kasi kahit holiday at may malakas na bagyo hindi pa rin sya nakakalimot mag-email.Nandyan pa rin sya at nagtetext pa minsan.


Oo, aaminin ko hindi naman talaga ako natulungan ni Lina, kasi sa lahat ng nirefer nyang trabaho sa akin ay wala namang tumanggap sa akin. Pag tinatanong nga ako ng nagiinterview sa akin kung sino ang “BACKER KO” sabi ko si LINA po! Hayun medyo tumaas lang ang mga kilay nila! Baka siguro may ginawang hindi maganda itong si Lina sa kanila. Pero okay lang kahit bagsak ako, ang mahalaga ay hindi pa rin nagsasawa sa akin si Lina na magpadala ng mga email at greetings! Ang bait nya noh! Siguro lab na lab na ako ni Lina! Kaya nga lab na lab ko din sya! Kahit na hindi mo man lang sinasagot ang lahat ng email ko. Okay lang lab pa rin kita.


Ang nakakatuwa pa kay Lina kahit na medyo malayo yung natapos ko sa aking napag-aralan nirerefer pa rin nya ako. Minsan inemail nya ako na mag-aplay daw akong bilang tagabenta ng kaldero sa isang mall at yung isa naman biglang tagasako ng semento sa may Ortigas.Nakakatuwa sya noh kasi talagang nag-aaksya sya ng panahon sa akin para mag-email. Bait nya talaga.


Hay kelan ko kaya sya makakadate???Basta sabik na sabik na akong iadd sya sa aking facebook para naman lagi akong may balita sa kanya.


At kung nababasa mo ang blog ko na ito Lina, pakiaccept ang invitation ko ha!
Ingat ka lagi ha at bigyan mo naman ng oras ang sarili mo kasi puro ka na trabaho.

24-7 ka kung magtrabaho, kaya pahinga ka minsan.


Salamat

Saturday, October 3, 2009

BWISIT KA! TIGILAN MO AKO!!!!

Ano ba! Tigilan mo ako!


Kung wala kang magawa sa buhay mo, huwag ako ang guluhin mo. Hindi mo ba nakikita na abala ako sa ibat ibang bagay! At marami akong mahahalagang gagawin kaysa pag-aksayahan ka ng panahon!


Siraulo ka palang talaga eh! At ano yang binubulong bulong mo na yan! Talaga ka palang nang-iinis kang talaga eh!!


Nakakarami ka na sa akin buwisit ka! Una pinalalampas ko lang yang ginagawa mo sa akin, dahil hindi kita napapansin. Pero wag kang abusado, at huwag ako ang pagdiskitahan mo.
Pwede ba lumayas ka na sa harapan ko, huwag na huwag kang lalapit sa akin. Lumayas ka na sabi ko! Alis! Alis ! Alis!


Teka ano ginagawa mo dito, di ba kanina pa kita pinaaalis. Bakit ka ba balik pa ng balik dito. Lumayas ka sa harap ko! Layas!!!!!


Palibhasa may makukuha ka sa akin kaya ayaw mo akong tantanan.Palibhasa kumpara sa mga taong binubwisit mo rin ay ako na ang pinakamabait! Pero may katapusan din ang lahat! At isa kang bwisit dahil wala naman akong napapala sa iyo, at puro ikaw lang ang nakikinabang sa akin!



At talagang nang-iinis ka pa! Bulong ka pa ng bulong dyan! Sige lumapit ka ngayon! Kung ayaw mong umalis, sige lumapit ka sa akin para makita mo ang hinahanap mo! Lumapit ka!Sige lapit!

Teka ngayon nagtatago ka! Duwag ka pala eh ngayong kukumprotahin kita, nagtatago ka! Harapin mo ako duwag!!! Harapin mo ako at hindi iyong nangugulo ka habang abalang abala ako sa maraming bagay. Ayaw kong masayang ang oras ko sa iyo, kaya wag mo akong guluhin! Bwisit!


Isa pa subukan mo uling lumapit binabalaan kita kung hindi mo ako titigilan, ipinalangin mo na, na sana hindi ka na binuhay ng nanay mo ring walang ginawa kundi mamwisit ng ibang tao.

Pareho kayong walang kwenta at hindi na dapat kayo binubuhay sa mundong ito!! Magsama kayong lahat na mga walang kwenta !

Ngayon, kung hindi mo talaga ako titigilan, may kalalagyan kang bwisit ka at hindi ako mangingiming magdanak ng dugo sa aking mga kamay para lang mawala ka sa mundong ito. Hindi ako magdadalawang isip na BURAHIN ka sa mapa ng mundo!


Humahanap lang ako ng tyempo at pag natyempuhan kita!Humanda ka! Ako mismo ang papatay sa iyo bwist ka!!

Sige mamwisit ka pa! Sige lang! Kung ayaw mo akong tigilan, hindi rin kita titigilan hanggang sa mapatay kita!


P.S


Hindi ako masamang tao! Siguro kung kayo ang nasa katayuan ako masasabi nyo rin ito! Para makilala nyo kung sino ang bwisit na ito! Paki-click lang ITO

Monday, September 28, 2009

Inosente si Ondoy




.
,

,
,
,
,
,
,
,
,

Kasabay ng pagsikat ng bagyong Ondoy dahil sa kanyang taglay na kabangisan at pagsikat ni Jacque Bermejo dahil naman sa kanyang angking kaepalan (sino sya?I-google search at tyak maiinis ka sa mga banat nya), marami talagang taong naapektuhan ng bagyong ito. Pati ang lugar naming hindi bahain ay binaha na rin kaya nag-alaga muna ang nanay ng tilapia sa loob ng aming sala para mapakinabangan naman namin ang baha.

Subalit,ngunit, dadapwat hindi natin pwede isisi ang lahat kay Ondoy, kasi sa totoo lang wala sa kanya ang problema. Dahil bagyo syang likha lamang ng kalikasan, inosente sya sa lahat ng ito. Wag natin syang husgahan at paratangan na mamatay tao dahil ang totoo TAYO ang may kasalanan nito. Bakit? dahil......................

Una, sino ba ang kumakalbo ng kagubatan?Si Ondoy ba?Hindi, kundi TAYO


Pangalawa, sino ba ang nagtatapon ng basura sa mga estero o kanal para magbara ito at bahain?Si Ondoy ba?Hindi, kundi TAYO


Pangatlo, sino ba ang nagpapatayo ng mga village sa gilid ng bundok?Si Ondoy ba?Hindi, si Manny Villar este TAYO pala. Kaya natatapyas ang bundok at nagkakaroon ng landslide



Pang-apat, sino ba ang hindi nagtatanim ng puno para pumigil sa baha?Si Ondoy ba?Hindi, kundi dapat TAYO


Panlima, sino ba ang hindi nag-aayos ng Drainage System natin?Si Ondoy ba?Hindi, kundi ang MMDA este TAYO pala (at ang MMDA kasi dapat Team Effort yun)


Pang-anim, sino ba ang dapat mangalaga at magmalasakit sa kalikasan?Si Ondoy ba?Hindi, si Lito Atienza ba ng DENR (na tatay ni kuya Kim, tama ba ako?) .Hindi, kundi TAYO rin at responsibilidad natin ito.


Mahirap magsisihan kasi pare-pareho tayong guilty (at mukhang si Jacque lang ang hindi guilty dahil sya ay banal at walang bahid kasalanan.......sabi nya). Hindi ito ganti ng kalikasan o parusa ng Dyos kasi tayo ang gumawa nito at tayong lahat ang may kasalanan nito. Hindi gumaganti ang kalikasan kasi wala naman syang isip, at TAYO ang may isip.

Kaso natuto ba tayo sa pagkamaling ito?Hindi rin, ganun uli at mag-iintay na lang uli ng isa pang superbagyong eepal uli sa ating bansang PILIPINS.


Ika nga “prevention is better than cure”, kung sana’y magagawa nating magmalasakit sa kalikasan baka sakaling maiwasan ang sakunang ito sa mga darating na araw pa. Pero duda ako kung gumawa tayo ng aksyon tungkol dito, tulad din ng bagyong Rosing, Miling at kung sino sino pang bagyong nagpapakyut, eh ganun din babalik lang din sa dati. Hindi pa ba tayo natuto sa nangyari sa Ormoc?Nagyon ba matuto na tayo sa nangyari? Ewan ko parang hindi rin!


Kaya inosente si ONDOY, tayo ang GUILTY! Sana hindi na maulit ito sa atin. Ako, guilting-guilty dyan kaya tutulungan ko na ang tatay ko sa bukid para magtanim ng puno ng Alatiris at bayabas para makatulong ako sa buong sangkatauhan.


Praise God at safe ang pamilya ko!


Oo nga pala, alam nyo ba na habang todo nagpapakyut si bagyong Ondoy ay kasalukuyan namang binibiyak ang ate ko (ceasarian kasi) kasi manganganak na siya. Buti talaga saktong tinatahi na ng duktor ang tyan nya nung nawalan ng kuryente at pumasok ang baha sa ospital. Saktong sakto talaga kaya Praise God uli.


At dahil lalaki ang anak ng ate ko at kasalukuyang nagpapakyut ang bagyong Ondoy nung pinapanganak ang baby nya, ang ipinangalan nila sa anak nila ay …………………………………………… Kenneth.hehhehe akala nyo Ondoy noh!kawawa naman yung bata kung yun ang pangalan nya!Jologs na jologs!




Ayaw ko rin ang palayaw ng aking pamangkin ay "undoy"dahil parang kapangalan ng halimaw ni Manilyn sa Shake Rattle and Roll (UNDIN pala yun). Ang gusto kong palayaw ng aking kyut na kyut na pamangkin (na manang mana sa tito) ay........................DRAKE, grabe ganda ng nikneym


Sana okay kayong lahat!!!


P.S

Tungkol kay Jacque, hayaan nyo na sya at wag na lang patulan may tao talagang insensitive meaning wala silang apdo, baga at esophagus, kaya hayaan mo na lang kasi may balik din ang lahat.

Pero kyut sya sa pix ah, mukhang type ko syang syotain! Pero iniisip ko baka kung maging syota ko yun at kunwari naaksidente ako baka imbes na tulungan ako bigla nya akong sabihang:

"You know Drake you're such a loser" saby L sign sa noo na parang si Angelina

Eh baka pitikin ko ang tenga nya sabay pahid ng siling labuyo sa mata nya, hahahha joke lang

Wednesday, September 16, 2009

FARMVILLE


Nung minsang magkakasama kaming magkakabarkada, nag-uusap si Tom saka si Christian tungkol sa bukid . Kinakamusta ni Tom si Christian kung nakapagtanim na sya sa bukid nya?At kung pwede daw syang bigyan ng baka?Gulat ako kaya nagtanong ako:

Ako: Pre may hacienda kayo?

Tom: Wala pre! Farmville yun sa Facebook!
.
Ako: Ha ano ba yun?

Tom: Virtual world yun, parang SIMS ganun!May sarili kang bukid at papalaguin mo yun. Para kang may totoong bukirin.

Ako: GANUN!! Ano na namang kapuwitan ‘yang nalalaman nyo na yan!

Sa totoo lang hindi ko alam yang Farmville na yan, na halos bukambibig na ng lahat ng taong kilala ko. At siguro kahit alam ko yan wala akong balak makisali sa ganyang mga pakulo. Isa pa may bukid talaga kami na sinasaka ng tatay ko kaya siguro tamad na tamad akong makipuwet pa sa ganyan.

Kaya tinanong ko si Tom ( sa laki nyang tao hindi mo aakalain mahilig din sya dito)

Ako: Pre ano ba nakukuha nyo dyan sa Farmville-Farmville na yan?

Tom: Wala, nakakalibang lang.

Ako: Kikita ka ba dyan?Meron bang pera sa Farmville na yan?

Tom: Wala, libangan lang talaga ito pre!

Ako: Ganun ba, eh mangungulangot na lang ako para maglibang!hhehe

Siguro kung sakaling kakaririn ko yang Farmville na ‘yan, tyak malalago na ang plantasyon ko at malusog na malusog ang aking mga baboy, bibe, baka at kung ano ano pa. Medyo maluwag kasi ako sa oras plus may internet ako sa ofis at bahay. Pati cellphone ko may sariling internet din.
.
.
Ito ang modern day tamagotchi, na alam kong naki-uso din ako nun! Para akong tangang lukong luko sa alaga kong isda sa tamagotchi na nageevolve at nagiging aso kapag pinakain mo ng madalas. Meron din akong kisses (yung parang maliliit na tawas na ibat-ibang kulay at mabango) na ang sabi kapag nilagay mo daw ito sa kahon ng posporo na may bulak ay manganganak daw ito at dadami (akalain mong nauto rin ako ng matandang tindera na yun noong elementary ako). Ngayon ko lang napag-isip isip na paanong manganganak ang mga kisses na yun eh wala naman silang mga matres? Pati rin yung magic paper na kapag inilagay mo sa tubig eh dadami. Isa pa ulit kapuwitan ng tinderang nang-uuto lang ng estudyante medaling maniwala sa sabi-sabi (kasama ako dun).

Teka back uli tayo sa Farmville, kung hindi nyo naitatanong eh nakapag-araro na rin ako , gumapas (ani) at bumunot ng damo sa aming tunay na bukid. Halos nabiyak na rin ang mga paa ko dahil sa mga bwisit na mga kuhol at suso na yan. Gumagamit din ako ng hand-tractor o kuliglig sa pag-aararo at kalabaw naman sa pagsusuyod . Nagsusuga din ako ng aming kalabaw, kambing at baka noong bata pa ako bago pumasok. Pero yun nga lang tuwing kinukwento ko ito sa ibang tao, walang naniniwala (Hehehe, ganyan talaga pag hitsurang mayaman ka!naks!hahahah!joke lang).Meron din kaming bibe, itikl, manok, puno ng kaymito , tsiko, guyabano, buko, sampalok sa aming bakuran. Yun nga lang wala na kaming kalabaw, baka at kambing ngayon, baboy na lang ang inaalagaan ng mga nanay ko. Dati may nagrarasyon (delivery in English) sa amin ng gatas ng kalabaw at kesong puti pero ngayon wala na! (Tingnan nyo probinsyang probinsya talaga ang dating! )

Basta alam kong marami ng naadik sa Farmville/Farmtown na yan kasama na dyan si Kablogie (naks may plugging pa! hoy pre advertisement ito, kaya nasan na yung bayad mo?), hindi ko alam kung anong hiwagang bumabalot sa larong yan. Pero sabagay kanya kanya l Basta ako Masaya pa rin ako sa pangungulangot o panonood ng mga porn movies este movies lang pala.

Basta kanya kanya yan ng trip kaya walang pakialaman!!!

Sunday, August 30, 2009

PROBLEMA MO SOSOLUSYUNAN KO!!



Marami tayong problema sa ating buhay na hindi natin alam kung paano sosolusyunan o reresolbahin. At dahil medyo mataba ang utak ko, ay tutulungan ko kayo sa mga problema ninyo:


Problema: Nagtatae o LBM

Gamot/Solusyon: Kumuha ng usbong ng bayabas, piliin ang ma yellow green ang kulay. Pagkatapos ay subukang bilutin ito na mga ga-holen ang laki. Pagkatapos bilutin ito ay ipasok ito sa butas ng pwet mo. Hayan mababarhan na nya ang tae mo.

_____________________________

Problema: Sumasakit ang ulo

Gamot/Solusyon: Uumpog ang ulo hanggang mahilo ka ng todo-todo. Ngayon hindi na sumasakit ang ulo mo, nahihilo ka na! So solb na ang pagsakit ng ulo mo. Yung hilo eh itulog mo na lang.

_____________________________

Problema: Puyat at laging inaantok sa trabaho

Gamot/Solusyon: Magpakulo ng tubig at magtimpa ng kapeng barako ng Batangas na ubod ng lakas (yung tipong nanununtok) . Pagkatapos pakuluan ang tubig at timpalahan ng kape, hindi mo ito iinumin bagkus ibubuhos ang ubod-init kape sa iyong katawan. Tyak dahil sa hapdi dulot ng nalapnos na balat eh tyak gising ka na!

____________________________

Problema: Final Exam bukas at hindi ka nakapagreview

Gamot/Solusyon: Dumaan sa supermarket bago pumasok sa school. Bumili ng Pringles, Ferrero chocolate, at mamahaling SWATCH na relo. Tumabi sa pinakamatalinong kaklase at suhulan nito para pakopyahin ka. Ngayon kung ayaw kang pakopyahin ng epal mong nagmamarunong na nerd mong kaklase (nilait ko na kasi ayaw kang pakopyahin eh), ibigay mo na lang ito sa iyong titser at mangako na marami pa ang ibibigay sa susunod , kapag ipinasa ka nya. Sabihan mo rin sya lagi na "Ma'am ang ganda-ganda mo naman" o "Sir ang gwapo-gwapo mo naman", kahit alam ng buong mundo na nagsisinungaling ka lang eh mabisa pa rin yung pang-uuto
__________________________

Problema: Masakit ang ngipin

Gamot/Solusyon: Pagsasampalin o pagsusuntukin ang pisngi! Tyak malilito ang utak mo kung ano ang mas masakit ang pisngi mo o ang ngipin mo. Papampam kasi iyang ngipin mo na yan kaya nagpapansin sa iyong mga brain cells. At ngayon hindi na sya pinapansin ng utak mo dahil namamaga na ang iyong pisngi ay ipabunot agad yun. Pagkatapos saka mo dikdikin ito ng pinong pino para makaganti ka man lang sa pagpapahirap na idinulot ng buwist na ngipin mo na yan.

___________________________

Problema: Gustong magpapayat ng madalian

Gamot/Solusyon: Kumain ng isang sakong talaba at uminom ng gatas. Tiyak dahil sa kinain mo, itatae mo rin yan kasama pa ang kinain mo sa loob ng isang buwan. Kung sakaling hindi ka pa rin pumayat dito (at wa epek ang ang mga tips na ibinigay ko sa inyo noon), eh subukang magpatiyo ng pawis, tumabi sa taong may AH1N1 o humanap ng lamok na may dengue. Pag nagkasakit ka na tyak mawawalan ka na ng gana sa pagkain at babagsak ang katawan mo. Payat ka na! walang gaanong effort!

__________________________

Problema: Mabaho ang hininga

Gamot/Solusyon: Sabi nila kung kumain ka raw ng bawang, amoy bawang ang hininga mo. Kung kumain ka ng sibuyas, amoy sibuyas ang hininga mo. Ngayon kung amoy tae ang hininga mo, aba huwag mong kainin ang tae, hindi kinakain yun!! Ang solusyon dyan ay magpapawis lagi ng todo todo, wag kang magdeodorant at huwag ka rin maligo. Tyak mangangamoy PUTOK ka na, at least hindi na yung hininga mo ang naamoy nila kundi ang iyong mala-vicks (nanunuot hanggang utak) na ANGHIT o BAKTOL.

_____________________________

Problema: PUTOK O ANGHIT

Gamot/Solusyon: Baligtarin lang ang solusyon kanina. Para hindi nila maamoy ang putok mo, pabahuin mo na lang ang hininga mo. Subukang gawing mani ang bawang at gawing kendi ang sibuyas. Ngayon kung talagang gusto mo ng mabahong mabahong hininga , eh subukan mo ng kumain ng tae! (Piliin mo yung may mais mais para may flavor din, ang twag dyan ay MAIS CON TAE) Tae lang ang katapat nyan!

______________________________

Problema: Taghiwayat

Gamot/Solusyon: Kung parang plantasyon ng taghiyawat ang mukha mo, at halos wala ng makitang balat kasi nagsisiksikan na ang naglalakihan mong tigyawat . Kumbaga overpopulated na tigyahawat mo sa iyong pamumukha (daig pa ang populasyon ng China), eh subukan mong bumili ng isang supot na PONDS Facial Wash. Bale hindi yung Ponds ang gagamitin mo kundi yung supot ang isusuklob sa iyong pagmumukha pag lalabas ka ng bahay. Ngayon kung ayaw mo nito, magbago ng propesyon at maging boksingero na lang. Hindi ba wala ka namang nakikitang boksingero na may tighiyawat, iyon ay dahil instant tiris o pagpapaputok-tigyawat ang mga suntok ng kalaban mo. Kahit magdugo ang tigyawat mo, okay lang yun kasi hindi halata yun. Ngayon kung ayaw mo pa rin nito, subukang kuskusin na lang ito ng buhangin o pasadahan ng papel de liha. Kung ayaw mo pa rin, eh bahala ka na sa buhay mo bumili ka ng blade limang piso lang yun! (Teka ano ba talaga ang tagalog ng pimple, taghiyawat o tighiyawat??)


Sana nakatulong ako sa mga problema nyo. Ang tagal ko itong sinaliksik at pinag-aralan para ibigay sa inyo ang pinamabisa at pinakamagandang solusyon sa mga problema nyo. At sa nais magpasalamat dahil natulungan ng aking mga solusyon, mangyari pong ipasok ang iyong donasyon sa aking bank account. Take note po, na pera lang po ang tinatanggap ko, hindi po inahing manok o patola, pera lang po!

Salamat.


DOC. LENG!!

Sunday, August 23, 2009

ALAM NYO BA NA....................




Mahilig ako sa mga trivia.Nung highschool, ako ang Trivia Master ng aming school paper. Hindi pa uso nun ang internet kaya naman utak ko lang ang ginagamit ko sa mga trivia na ito. Oo nga pala, ayon kay kabagang na Scud ang tawag daw sa taong nag-iipon ng mga Trivia ay “Spermologer”, akala ko nga nung una bastos saka baka yung “ano” ang iniipon dun, pero hindi naman pala. Totoo daw yun kahit itanong mo pa sa kumpare kong si WIKI. Kaya naman heto ang mga trivia gusto kong ishare at tyak malaki ang maitutulong nito sa inyong pang-araw araw na pamumuhay:

1. Alam nyo ba na…… magsing laki ang butas ng ilong natin at ng butas ng puwet natin (subukan mong ipasok ang daliri mo sa puwet saka ipasok mo naman sa ilong mo, tingnan mo kung magsinglaki at magsingbaho din)

2. Alam nyo ba na……. kasinglapad ang ngiti ng babae at ang kanyang kuwan (uyyy di naman… sabay liit ng ngiti..)

3. Alam nyo ba na……. magsinghaba ang hintuturo ng lalaki sa kanyang pototoy (brad kahit hilahin mo pa yan di na hahaba yan)

4. Alam nyo ba na……. ang tao ay hindi talaga nanggaling sa unggoy, ang iba sa knila ay galing sa kabayo, hippopotamus, baboy at arinola (makikita naman sa mukha eh)

5. Alam nyo ba na……. si NARDA at DARNA ay iisa (ako kahapon ko lang nalaman)

6. Alam nyo ba na……. na mas matalim ang puwet kesa sa ngipin (sige nga subukan mo ngang putulin ang tae??)

7. Alam nyo ba na……. ang tanda ng pagiging gwapo ay ang pagiging makakalimutan….. teka nasan na ba ako, hayaan nakalimutan ko na!

8. Alam nyo ba na……. hindi totoong may multo( ang hindi maniwala dadalawin ng MOMO mamayang gabi, hala ka!!)

9. Alam nyo ba na……. na si Aling Donisia ang bagong FHM cover for September issue. (Year 1947- World War II Edition)

10. Alam nyo ba na……. na niloloko ko lang kayo at nagpapaloko naman kayo hehehe (palagay ko ito lang ang alam nyo)

Sana naman ay nakatulong ang mga facts na ito, salamat sa pagbasa at hanggang sa muli.

Sunday, August 16, 2009

Pag Yumaman Ako


Madalas akong managinip ng gising, iniisip ko ano kaya ang gagawin ko sa pera kung sakaling ako ang pinakamayamang tao sa mundo. Kung sakaling ako ay isang gazillionaire (imbento ko lang yan!) yung tipong mga hampaslupa at patay-gutom ang mga bilyonaryo sa mundo. Ano kaya ang mga bibilhin ko? Syempre ginagastos ko na yung pera ko sa aking utak, at ito ang ilan sa gagawin ko sa pera.


1. Maglalakbay ako sa ibat ibang panig ng mundo ( kung medyo sawa na ako sa dito sa Earth susubukan kong magbisikleta sa buwan at uminom ng kape sa planetang Uranus)

2. Bibili ako ng malaking bahay (Gagawin kong hobby ang pagbili ng bahay at lupa) .Gagawin kong parang mane ang mga diamante.Ang gold naman gagawin ko lang syang toothpick.

3. Bibili ako ng maraming sasakyan ( yun tipong parang nagpapalit ka lang ng brief, uhmmm teka ilang beses ba akong magpalit ng brief?palitan ko na nga lang baka konti lang mabili ko , yun tipong parang nagpapalit lang ako ng.. ng…… …….. sige brief na nga lang uli wala akong maisip eh )

4. Gagawin kong katulong si Bill Gates tapos ang yaya ko naman si Oprah. Si Bradd Pitt hardinero ko lang yun tapos si Megan Fox eh gagawin ko syang tagalagay ng bimpo sa likod ko kapag pinagpapawisan. Driver ko naman si Zobel de Ayala at tagakamot ko si Lucio Tan.

5. Bibilhin ko ang GMA 7 at ABS-CBN para kung anong palabas lang ang gusto kong panoorin ay iyon lang ang ipapalabas nila. Bawal sa akin ang koreanovela at ban sa aking ang programa ni Willie.

6. Kukuha ako ng taong mangungulangot sa akin,para hindi na mahirapan ang hinlalaki ko. Meron din akong tagalinis ng tutuli, at taga-alis ng muta ko sa umaga. Tagalagay ng alcohol sa kamay at katawan ko, kada segundo.

7. Gagawin kong Orphanage ang Malacanang para sa street children, tapos bibilhin ko ang mga subdivision ng Ayala Land o ni Manny Villar at ito ang ipapamudmod ko sa mga mahihirap. Magpapatayo rin ako ng simbahan na may apat na palapag para maiba naman tapos si Pope ang magmimisa dito kada Miyerkules. (kailangan daw kasing magkawang-gawa)

8. Magpapatayo ako ng isang mall sa aking bakuran, at dito ako mamimili. Ayaw ko kasing ng makipagsiksikan pa sa maraming tao kaya magpapatayo ako ng sariling mall. At gagawin kong salesman si Henry Sy (sa tindahan ng sapatos ko sya ilalagay)

9. Dahil wala akong magawa sa pera ko katulad ni Michael Jackson (sumalangit nawa ang kaluluwa nya) , eh gusto ko rin magpagwapo. Kaya magpapalaser ako…….magpapalaser sword ako ng ulo then papalitan ito ng ibat-ibang ulo. Yung parang detachable ang ulo tapos ang ipapalit ko sa ulo ko ay ulo ng mga artista at sikat, para sikat din ako. Araw araw iba iba ang ulo para masaya.

10. Syempre sa dami ng pinagkakagastusan ko baka maubos ang kayamanan ko. Kaya para ma-maintain ko ang pagiging mayaman, tataya ako sa lotto. Lahat ng kombinasyon tatayaan ko at araw araw akong tataya. Bibilhin ko rin ang lahat ng Casino tapos syempre dahil ako ang may-ari lagi kong papanaluhin ang sarili ko. Kung hindi ko makuha sa ganyan, bibili ako ng imprentahan ng pera. Kaya pwede akong mag-imprenta ng limpak limpak na salapi.

Yan ay ilan lamang sa gagawin ko sa aking kayamanan, medyo nakakapagod din palang gastusin ang pera kahit iniisip mo lang ito. Pero sa huli maiisip mo mahirap din pala ang maraming pera pero mas lalong mahirap kung wala kang pera.


Salamat sa pagbasa ng walang kwenta kong entry.

Saturday, August 8, 2009

Tips sa pagpapayat (Siryus to!!)



Nung isang buwan halos lumubo ako at halos magsingkatawan na kami ni Yogi Bear dahil sa katabaan. Marami na ang nakakapansin na halos maging dalawa na ang baba ko. Kaya medyo nakonsyus naman ako ng konti. Naalala ko tuloy ang masasakit na pananalita ang aking eks gelpren noon, na ako daw ay mukhang “SEBONG NAGLALAKAD” at “LITSON MAY DALAWANG PAA” (et horts koya idi), dahil doon pinakulam ko sya este nagsumikap na akong magpapayat ng sobra at mag-gym.


Ngayon nauulit na ang senaryo na yun, kasi nakita ko ang sarili kong mukhang nakalulon ng pakwan sa laki ng tyan at mukhang may 4 na anak na! Kaya naman balik ako sa pag-eexercise at pagdidiet. Medyo nakatulong ang halos araw araw na pagjojogging at pagkain ng prutas kada gabi kaya balik uli ako sa katawang pangmodel (kapal ng mukha!!!hahaha!)


Kaya kung gusto nyo ba ng instant pagpapayat heto ang aking mga tips sa pagpapayat:


1. Wag gugutumin ang sarili. Kontian lang ang servings ng pagkain mo (liitan din ang plato para magoyo mo ang sarili mo na marami na ang pagkain mo sa plato). Kung ginugutom ka kumain pero konti lang. Kada subo ng pagkain isang baso ng tubig ang katumbas (ice tea kung sosyal ka) para madali kang mabusog

2. Wag tiisin ang sarili. Okay lang kumain ng ice cream at kung ano ano pang gusto mo, ang mahalaga konti lang. At pag natikman na tigilan na ang paglamon, wag kang pasaway.

3. Mag-exercise. Sa umpisa lang yan mahirap, pero habang sumasakit ang katawan mo isipin na umeepekto na ang exercise mo. Kaya ito ang pampadagdag motibasyon mo. Mag set ng oras kung kelan ka mag-eexercise. Maglagay ng salamin sa harap para nakikita mo ang sarili mo (magpakyut ka na rin sa salamin para masaya)

4. Tubig , juice o ice tea kapalit ang softdrink. Malakas kasi magpataba ang softdrink. Uminom ng maraming tubig kahit mabondat ka sa tubig gawin mo yun.

5. Prutas kapalit ang junk food. Medyo ngayon ko pa lang din sinisimulan ito, so far medyo epektib naman talaga. Prutas lang din ang kainin mo after six (hindi sex ha) after six P.M. Okay lang na mabusog ka sa prutas kasi di naman yun nakkakataba. Pero kung gusto mo talaga ng ng may makukutkot bakit di mo subukang kutkutin ang sugat mo!hahaha! Joke lang! pop corn na lang pero wag damihan ang asin.

Subakan ang 5 easy steps na ito sa loob ng 2 linggo. Pag nalampasan mo na ang 2 linggo tyak magiging parte na ito ng lifestyle mo at papayat ka na rin. Maniwala ka sa akin papayat ka rin. Ngayon kung hindi ka pumayat sa five easy steps ko na yan tyak dinaya mo ang tips na ito. Mandaraya ka pala eh! At dahil mandaraya ka..................hindi na kita bate!!Isusumbong kita sa nanay ko!huhuhuhu!


Isipin na hindi lang pamapagwapo o pampaganda ang pagpapayat (lalo na kung di ka naman talaga gwapo o maganda) ang totoong epekto nito ay nakakabuti ito sa ating kalusugan (sa iba baligtad sekondaryo lang ang mabuting kalusugan at number sa kanila ang papagwapo/pampaganda pero wala tayong magagawa dyan trip nila yun, walang pakialamanan ng trip)


Wag mong isipin na pwedeng makuha ito sa madalian, lalo na sa larangan ng cosmetic surgery. Wag isipin na makukuha ito sa liposuction lalo na’t wala ka namang pera. Intayin mo na lang ang “kaluluwa transplant”, at least pwede kang mamili kung kaninong katawan ang gusto mo.


Basta pangalagaan ang sarili dahil walang mag-aalaga sa iyo kundi sarili mo lang. Wag ka ngang pabeybi! Malaki ka na at bilog na utot mo kaya pangalagaan ang sarili.


Ingat

Wednesday, July 29, 2009

Sukatin mo ang Talino mo!!!

Gusto nyo bang subukan ang katalinuhan nyo, pwet este pwes subukan nyo ang mga test sa ibaba para malaman nyo kung genuis kayo o hindi. Subukan nyo wala namang bayad eh pero kung gusto nyo akong bayaran pwede rin. Okay heto na:


How good is your brain????


Read out loud the text inside the triangle below.



More than likely you said, "A bird in the bush," and........ if this IS what YOU said, then you failed to see that the word THE is repeated twice! Sorry, look again.

Next, let's play with some words.

What do you see?


In black you can read the word GOOD, in white the word EVIL (inside each black letter is a white letter). It's all very physiological too, because it visualize the concept that good can't exist without evil (or the absence of good is evil ).

Now, what do you see?

You may not see it at first, but the white spaces read the word optical, the blue landscape reads the word illusion. Look again! Can you see why this painting is called an optical illusion?

What do you see here?







This one is quite tricky! The word TEACH reflects as LEARN.

Last one. What do you see?




You probably read the word ME in brown, but....... when you look through ME you will see YOU! Do you need to look again?





Test Your Brain This is really cool. The second one is amazing so please read all the way though.



ALZHEIMERS' EYE TEST Count every " F " in the following text:


FINISHED FILES ARE THE RE


SULT OF YEARS OF SCIENTI


FIC STUDY COMBINED WITH


THE EXPERIENCE OF YEARS...


(SEE BELOW)


HOW MANY ? WRONG, THERE ARE 6 --


no joke.


READ IT AGAIN !


Really, go Back and Try to find the 6 F's before you scroll down.


The reasoning behind


is further down.


The brain cannot


process "OF".



Incredible or what? Go


back and look again!!


Anyone who counts all


6 "F's" on the first go is a genius.



Three is normal,


four is quite rare.


O lny srmat poelpe can raed tihs.



cdnuolt blveiee taht I cluod aulaclty uesdnatnrd waht I was rdanieg. The


phaonmneal pweor of the hmuan mnid, aoccdrnig to a rscheearch at

Cmabrigde Uinervtisy,



it deosn't mttaer in waht oredr the ltteers in a wrod are, the olny iprmoatnt

tihng is taht the frist and lsat ltteer be in the rghit pclae. The rset can be a

taotl mses and you can sitll raed it wouthit a porbelm.



Tihs is bcuseae the huamn mnid deos not raed ervey lteter by istlef, but

the wrod as a wlohe. Amzanig huh? yaeh and I awlyas tghuhot slpeling


was ipmorantt!



Akala nyo genius na kayo kasi nababasa nyo yung nasa taas, nagkakamali kayo, feeling nyo lang yun. At para lalong masubukan kung talagang matalino kayo ito na talaga ang huli pramissssss.


sino ang nakikita nyo sa picture si Manny Pacquiao ba o si Michael Jackson (sumalangit nawa!)

Salamat

Thursday, July 16, 2009

HAPI MANSARI


Kahapon nag cha-chat kami ng aking pinakamamahal na gelpren kapahon ng biglang syang magtanong sa akin:

Labidabs ko: Ney (short 4 honey,hehhee), wala ka bang naalala ngayon?


Ako: Wala bakit?


Labidabs ko: Hindi nga Ney,wala ka bang naalala


Ako: Wala ano ba yun?


Labidabs ko: Isipin mo, ney!


Ako: Uhmmm, bertdey mo ba? Teka di ba September pa yun?


Labidabs ko: Ano ka ba? Hindi!


Ako: Eh wag mo na akong pahirapan, sige sirit na!


Labidabs ko: Ano ka ba magtatampo na ako sa iyo!


Ako: Sori Ney, di ko talaga alam!


Labidabs ko: Nakalimutan mo bang monthsary natin ngayon?


Ako: Ha?Ano tayo “Hayskul”!Hahaha! Jologs naman nun


Labidabs ko: Ganun!!!!!

After nun hindi na sya nagreply, alam ko galit yun kasi di ko na nga binati eh pinatawanan ko pa!Pero naman hanggang ngayon di ko maisip kung bakit may monthsary-monthsary pa! Eh ulitimo dictionary eh nalito kung san nakuha yang salitang yan. Saka sige kung hayskul pa kami kyut pa, pero aba medyo matatanda na kami para sa ganyan! Parang kajologsan ata yun (Hahaha, eh yung “NEY” hindi ba jologs??)

Saka sa tagal na namin at alam naman nya na hindi ako nambabati ng monthsary. Ngayon pa sya nagdemand!hehhehe! Kasi nga hindi ko makita yung punto, dahil ba para mayroong i-celebrate kada buwan. Hindi sa kuripot ako kaya ayaw ko nyan pero sa akin lang pwede namang kahit anong petsa o araw, hindi ba?Pwede ring araw-araw!Hehehe!

Hindi magandang binibilang para sa akin ang buwan, kasi mas mahalaga sa akin ang pagbilang ng taon. Ang pagbibilang ng buwan kung gaano kayo katagal ay parang pagbibigay ng taning sa relasyon nyo! Mas magandang asamin ang “anniversary” kesa monthsary. Saka mas meaningful kung minsan sa isang taon lang ito ise-celebrate, parang pasko o kaya birthday kesa magasgas ito kasi buwan-buwan, minsan tuloy nawawalan ng saysay at tila parang obligasyon na lang ito.
Eh ito’y sa akin lamang!Syempre iba yung sa inyo tungkol sa monthsary na yan! Alam kong marami sa inyo ang hindi sasang-ayon sa akin. Pero ganun talaga iba ang tae ko sa tae mo!

Pero ang mas hindi ko kinaya at bumaligtad ang sikmura ko nung nagcomment yung kaibigan ko sa bago nyang GF ng “ PANGGA,HAPPY WEEKSARY!!!!” Patay tayo sa yo tengggggggg!!! Wala na ayoko ko na talaga!

Sunday, July 5, 2009

AKO SI SHAIDER



Batang Shaider ako, ito ang isa sa pinakapaborito kong palabas noong bata pa ako. Kaya naman sobra akong na-adik sa palabas na yan. Kaya naman ganun na lang ako magmakaawa sa nanay maibili lang ako ng sapatos na shadier (yung umiilaw ilaw). Kaso talagang patigasan kami ng nanay kasi ayaw nyang bilhin yung sapatos ni Shaider kasi nga greyd por na raw ako at di na bagay sa akin. Pero mas matigas ako sa kanya, kasi tinaymingan kong nagsisimba kami at duon ako maglulupasay sa loob ng simbahan kung di nya bibilhin yun. Eh buti naman umepek kasi nakatingin ang lahat ng tao sa kanya, hehhehe!Wala magawa ang nanay kundi bilhin ang sapatos at kurutin ako ng pinong pino na hindi halata ng ibang tao. Yan ang akting , panalo!
*Kuhang papogi!Naks sa pose!



Naalala ko pa nun nagpupustahan kaming magpipinsan kung ano ang gagamitin ni Shaider sa pagpatay ng halimaw, kung malaking baril o robot.Bukod pa kung anong kulay ng panti ni Annie (ang labtim ni Shaider). Madalas akong manalo kasi kolor koordineyted ata si Annie kung ano kulay ng palda nya yun ang kulay ng panti nya.

* Huli ka!! Kulay dilaw ang panti mo Annie!!


Piktyur ng Annie ko!!



Si Puma ley-ar ang lider ng kaaway, akalain mong nangingitlog eh lalaking halimaw sya. Astig!! Pero kung akala nyo bading si Puma-ley ar ay nagkakamali kayo. Dahil si IDA ang bading dun! Nagoyo ako ni Ida nung bata, akala ko babae sya yung pala....... isa syang SIRENA. Nito ko lang nalaman na bading na alien pala sya at malakas ang tama nya kay Shadier kaya inggit na inggit sya sa aking "Annie may lab". Naiingit sya sa panti ni Annie, palibhasa di bagay sa kanya ang mini-skirt. Kailangan ipakain sya sa time space warp (TIME SPACE WARD NGAYON DIN)


*Tingnan nyo parang kukuhanan lang ng class picture:




*Yan si Puma Lay ar- Ang halimaw na lalaki na nangingitlog!!



Syempre hinding hindi ko makakalimutan ang timsong nilang “Ushigi shigi mankantawu uwah (u shishigi)” . Iyan ang pampatulog ko noong araw, at yan din ang paborito kong kanta noon syempre with dance move pa!! Heto yun oh,


Sa ngayon, balita ko patay na yung bida ng Shaider na si Hiroshi Tsuburaya dahil sa kanser sa atay dahil lasenggero pala sya sa totoong buhay at si Annie naman o Naomi Morinaga ay naging bold star naman (may kinalaman siguro ang panti nya), buhay pa ata sya!
BASTA PARA SA AKIN ......... ASTIG KA SHAIDER!

Thursday, July 2, 2009

PALATASTAS

Hanga talaga ako sa mga palatastas (patalastas) ng Thailand. Mga kwela talaga, nga pala may napanood akong isang commercial-series na talagang nagpangiti sa akin,!Walang wala ang commercial-series nina Lola Obang at Lumen. Pwedeng gawing pelikula ito, kyut eh! Heto panoorin nyo at basahin nyo yung subtitle, nakakatuwa rin kung paano nila ipromote yung produkto nila, da best.




KYUTTTTTT!!! HEHEHE!! Heto pa, grabe ibang klase kasi yung babaeng nagbebenta eh, kaya heto pa kasi alam ko bitin kayo,




AYOS no!!

Monday, June 29, 2009

QUOTES!!

Kahapon naghahanap ako ng mga “QUOTES” kaya naisipan kong iresearch yun sa internet. At nagulat ako sa mga lumabas sa screen, ito ay ang mga walang kamatayang “QUOTES” ni Melanie Marquez. Akala ko hindi ako matatawa pero di ko napigilan ang sarili ko kaya isheshare ko sa inyo to ngayon, yung may parenthesis comment ko yun!hehehe.

1) My brother is not a girl; he’s a gentleman. (Oo nga naman!!!)
2) That’s why I’m a success, it’s because I don’t middle in other people’s lives. (pumagitna yung ibig sabihin nya ata dun)
3) Don’t judge my brother; he’s not a book. (And you are not a judge)
4) I won’t stoop down to my level. (hahaha! Binagsak ang sarili)
5) Hello? Bulag ka ba? Bingi ka ba? Are you dep? (Si Jonny Depp ba yan?)
6) ‘Yung STD, baka sa maruming toilet lang niya nakuha yan. ( Oo nga naman Kris baka nga)
7) “Eh, ikaw ba naman, durugin ang ari mo...Pag di ka naman manutok ng baril.” (naku manunutok din ako)
8) We are lovers, not fighters. (pwede!!)
9) Kapatid ko pa rin siya. We are one and the same. (buti mahina din ako sa math)
10) I don’t eat meat. I’m not a carnival. (Perya???)
11) Sumasakit ang migraine ko. (ako rin sumasakit ang backpain ko)
12) Ang tatay ko ang only living legend na buhay! (isa kang alamat melanie, the best buhay na buhay)
13) I keep my crown in the voltage. (Tyak pag suot mo kuryente ka, eh kasi naman [vault] volt ang short term ng voltage, kayo talaga)
14) Can you repeat that for the second time around once more from the top? (nahilo ako grabe!)
15) I couldn’t care a damn! (walang pakialamanan quote nya to!)
16) What’s your next class before this? (Uhmmmm…….ano po uli yun?)
17) Hello, my brother Joey is out of town, would you like to wait? (panalo!)
18) Don’t touch me not! (Sabi ngang wag hawakan ang wag hawakan, yun ang transleysyon nun)
19) You! you’re not a boy anymore! You’re a man anymore! (Talaga may anymore pa eh)
20) Bakit ang dami mong tanong? You're so questionable. (Are you a questionnaire?)
21) You can fool me once, you can fool me twice, you can fool me thrice. But you can never fool me FOUR! (Five, six pick up stick)
22) Hindi ba kayo naawa sa kapatid ko...sa mga kwento nya? Di ba kayo na-PERSUAVE ng mga kwento niya? Hindi si Joey ang tipong mambubugbog ng babae...talaga lang malapit siya sa mga gulo...PRO-ACCIDENT kasi siya eh. (Sabi ko sa inyo maka-aksidente sya eh!Iboto natin si Joey)
23) Boy Abunda: O Melanie, paano na ang showbiz career mo ngayong magmo-Mormon ka na? Melanie: Ah okay lang 'yon Boy, kasi matagal na rin akong SEMI-RETARDED. (Inamin, nandamay pa!)
24) They should talk behind the scene... (pelikula pala!)
25) [answering the phone] Hello. Wait a moment. Please hang yourself. (Patay kang bata ka!)
26) [before Christmas] Well, I want to spend my holidays with my family most probably out of place. (nakaka OP nga)
27) Why I will give my calling card, I'm not a call girl. [Her reply to a certain duke when the latter is asking for her calling card.] (She is card girl)
28) Eto na po ang pinakamaligayang pasko at manigong taon sa inyong lahat. [During her acceptance speech at a Metro Filmfest awards night where her bioflick, directed by her late father Temyong Marquez, won an award.] (Pinagsama yung emosyon sa pagbati!)
29) Period na talaga; wala nang exclamation point. [When asked on S-Files if her present husband, Adam Lawyer, is her Mr. Right] (Eh kasi naman baka dun sa dating asawa nagulat lang sya kaya exclamation point)
30) And the base of my observation is... [showbiz stripped May 14 GMA Ch. 7] (uhmmm, hilo na talaga ako)
31) At a talk show after her break-up with Derek Dee, Melanie was asked if she had some words for Derek’s mother (whom she partly blamed for the separation). "Oo nga," said Melanie, "pero i-English-in ko para maintindihan niya." She looked into the camera and, with the peremptoriness of royalty, said, "And to you, Mrs. Dee, I have two words for you. Ang labo mo!" (sabi na nga ba si Mrs Dee ang malabo, hindi si Melanie)
32) [When asked for a message to her daughter who was allegedly abused by their houseboy] Don't worry little angel, big angel is here. (Hahaha! With wings ba yang si big angel ?)
33) [While waiting backstage during a noontime show after watching Nikki Valdez do her dance number] Nikki, you're so galing. You should go to the States. You will sell hotcakes! ( Ginawang tagabenta ng hotcakes si Nikki)
34) (While she's in Morning Girls With Kris & Korina promoting her movie with Aleck Bovick) Please watch HIRAM starring Aleck Baldwin (referring to Aleck Bovick) and myself. It's DIRECTOR by Romy Suzara. (Wow Bigatin, na si Melanie!)
35) [After giving birth, and an interview on The Buzz] My answers have been prayered! (pati si Lord nalito)

Wala akong masabi kundi ibang klase ka Melanie, isa kang alamat na living legend na buhay! Wala panama sa iyo si Erap!Taob sya sa iyo!

Nga pala heto yung video nya dati. The best ang sagot nya, pati ang mga judges dumugo ang ilong!!


Sabi ko sa inyo She's contended with her "Long Legged"!

Monday, June 22, 2009

TAKOT AKO EH!!

Mahilig ako sa Japanese Horror Movies, kaya naman kahit mag-isa lang ako nanonood ay talagang pinapanood ko. Kakatuwa nga kasi di na nila kailangan pang maglagay ng prosthetics o kaya mag-import pa ng mga halimaw para lang makapanakot, isang boteng pulbos lang ang ilagay sa buong pagmumukha eh nakakatakot na. At isa pa sa nakakahanga sa kanila, laging may misteryong bumabalot sa mga multong ito, mare-reveal lang ito sa huli kaya kailangan mo talagang tutukan. Tapos yung katapusan nya may pambitin pa yung tipong hahanapin mo ang kasunod. Natatandaan ko noong minsang nanood ak mag-isa halos hindi ako makatulog kasi baka may tumabi sa aking babaeng nakachinchansu at pandilatan ako ng mata.Paranoid na paranoid talaga ako nung gabi na yun. Kaya kinabukasan, pwedeng pagtamnan ng kamoteng kahoy ang mata ko sa kapal ng eyebag.

Syempre usapang Japenese Horror Movies ito eh ito ang top 5 Scariest Japanese Movies para sa akin.

5. The Ring

Di ako masyadong natakot dito pero na-excite ako sa misteryo ng kwento.Ito ang unang Japanese Horror Film na napanood ko.




4. Imprint (Huela)

Grabe sa pagkasadista, medyo kung kaya ng kalooban mong makita ito eh gudluk talaga!



3. Reincarnation

Ang ganda ng istorya, pinaglalaruan talaga ang isip mo dito.



2. Audition

Very disturbing talaga ito, grabe ang hirap panoorin na hindi ka mapapapikit o di kaya mapapalunok ng laway dahil sa mga nilalaman nito. Sadista talaga pero kyut yung babaeng bida (teka kontrabida pala sya) hehhehe

Gusto nyo ng proof heto ang proof, tingnan ko lang kung kakayanin nyong tapusin ang video na ito:



1. The Eye

The best ang galing talaga nito, dati gusto kong buksan ang third eye ko pero nung napanood ko ito ayaw ko na. Ito ang nagpatakot sa akin ng sobra noon, pero nung inulit kong panoorin, wala na di na ako natakot. Pero the best sa istorya at panggulat.




*Hanga ako sa galing nilang gumawa ng mga Horror Films walang panama ang Shake, Rattle and Roll natin dito. Ito na ang trend ngayon ,ang mangulat kesa manakot. Taob si Manilyn Reynes (suki ng Shake Rattle and Roll), si PILENG (ang sikat na bangkay nung 70’s and 80’s), at ang mga zombieng nakataas ang kamay na di nangangawit.

Suggested Japanese Horror Film Director:

*Takashi Miike (medyo sadista ang mga pelikula na)
*Takashi Shimizu (mahilig sa misteryo)
*Oxide Pang Chun (mamisteryo din at laging may pambitin sa huli)
*Hideo Nakata (karamihan sa pelikula nya may Hollywood adaptation/version na)

Wednesday, June 17, 2009

EPAL KO!!!


Marami akong ugali, paborito at kawirduhan at ito ay ilan lamang sa mga iyon:

1. Hilig kong ngatngatin ang kuko hanggang magkasugat sugat na ang mga daliri ko.
2. Hindi ko alam ang kanan at kaliwa. Buti na lang may nunal ako sa kamay para alam ko ang kaliwang kamay ko. Tanungin mo ako kung ano ang kaliwang paa wala na di ko na alam.
3. Gustong gusto kong papakin ang Milo, Ovaltine at Nido kesa timplahin
4. Di ako kumakain ng talaba, tahong, hipon at alimango kahit di ako allergic dyan. Di ko lang gusto lasa
5. Hindi ko kayang tumayo ng matagal na di ako umiikot at lumalakad
6. Nagsusulat ng kodigo sa arm chair, at laging naghihiram ng calculator sa katabi
7. Di ako kumakain ng gulay. Nagsusuka ako sa ampalaya at nandidiri sa okra
8. Makakalimutin
9. Kinakausap , kinakaaway, nakikpagdebate at pinapayuhan ko ang sarili ko
10. Nababaduyan sa kulay orange na damit
11. Tumatayo ng isang oras pagkatapos kumain
12. Paboritong gawing sawsawan ang mayonnaise
13. Mahilig sa piniritong baboy
14. Di kumakain ng isda maliban sa tilapia, bangus at galunggong
15. Madalas makitae sa Jolibee-Malolos
16. Maigsi ang atensyon, parang kiti kiting hindi mapakalali pag may seminar o meeting
17. Sinasabihang mukhang tuturyok, butiking laot at nognog nung bata
18. Malalaki kung magsulat
19. Madiin kung magsulat
20. Magaling mang-uto
21. Uto-uto rin
22. Ginawa kong gel ang kanin dahil wala akong pera
23. Di kumakain ng tuyo, pero mahilig sa sardinas
24. Nagkabulate sa tyan nung bata, halos 1 metro ang haba
25. Napukpok ang kamay ng titser kasi pwedeng tamnam ng palay ang kuko ko
26. Mahilig manood ng TV kahit di naiintindihan ang palabas
27. Iisa ang style ng buhok mula highschool hanggang ngayon
28. Nadapa sa tae ng kalabaw una ang mukha
29. Kinasusuklaman ang Salbakuta lalo na ang kantang STUPID LAB
30. KYUT AKO


Marami pa yan pero yan muna tyak mukhang kilalang kilala nyo na ako…. Next time na lang!!

Saturday, June 13, 2009

USAPANG KABURAUTAN AT KABABUYAN

C.R, kubeta, taehan, palikuran, toilet, washroom, kasilyas,ito ang mga taguri at pangalan ng ating kaibigan sa panahon ng kagipitan at paghihirap. Syempre yan din ag pinakapaboritong parte ng bahay namin kaya naman medyo nagulat ako sa mga kubeta dito sa Saudi. Sa totoo lang nahihirapan akong tumae dito. Kasi nga kailangan mong mag-squat at pumorma na parang palakang tatalon. Eh kaya ngawit na ngawit ako pag tatae sa ganyang kubeta. Minsan di ko na talaga alam kung paano puporma sa pagtae dahil pakiramdam ko mabubuwal ako o di kaya maudlot ang paglabas ng aking kaginhawahan. Minsan naman nagkadapawis pawis na ako hindi dahil hirap akong tumae kundi hirap akong humanap ng posisyon para ilabas ang mga mababaho at naglalakihang sama ng loob ko.

**** Ganito ang kalimitang kubeta dito sa Saudi



**** Minsan naman ganito, yung tipong kahit puwet mo mahihiya at magtatampo:


Medyo nung bata ako sanay naman ako sa ganyan, madalas tumatae ako sa sanga ng punong mangga pagkatapos kong lantakan ang mga hinog na mangga. Syempre ang sarap ng feeling na nakikita mong nagbabagsakan sa lupa ang mga naninilaw nilaw na tae mo. Pero wag nyong sabihin kadiri yun kasi lumilinis naman yun, kasi kinakain ng mga aso na tilang gutom na gutom na nag-aabang sa mga tae namin (piyesta daw ika nila) o di kaya nagiging pataba sa lupa kaya nakakatulong naman yung pagtae namin sa aming lipunan (libreng abono). Saka ang tissue paper very accessible kasi isang pitas lang sa dahon ng mangga o bayabas may pamandepot o pamunas ka na. Sabay kanta n gaming opisyal timsong:

“O ang babae/lalaki pag natatae, uupo na lang sa isang tabi, pag walang panghugas dahon ng bayabas. Rock en Roll ang mga bulate” (to the tune of Oh ang babae…)

Eh yung pinsan ko ngang si Rhea na apat taong gulang , nasa puwet palang yung tae kinakain na ni Tog Tog (pangalan ng aso namin), pagkatapos dinidilaan pa yung puwet nya. Tingnan nyo may tagahugas pa ang puwet si Rhea (yuckiee). Medyo sa probinsya kasi kami lumaki at kalimitang sa likod bahay kami tumatae kasi mabukid at mapuno dun. Presko na enjoy ka pa. After mong tumae diretso ka na sa paglalaro o di kaya manguha ng duhat, mangga, kaymito at alatiris.

Sa totoo lang halos hindi naman nagkakalayo ang kubeta ng Saudi sa sinaunang kubeta natin sa probinsya. Eh naalala nyo ba yung kubetang hinukayan lang tapos nilagyan ng tabing na sako. O di ba instant kubeta na yun. Kaya halos ganun din kaibahan lang naka-"tiles" ang sa kanila.

Iyon nga lang ng lumalaki na ako, medyo nakasanayan mo na rin gamitin ang ordinaryong kubeta ngayon. Yung tipong uupo ka sa trono sabay buklat ng dyaryo at inom ng kape (hahaha, talagang may kape). Kaya naman medyo nahihirapan talaga ako ngayon ,tuwing gagamitin ko ang kubeta sa Saudi . Hindi na ako bata, para matuwa tuwing nakikita ko ang tae kong lumalagpak. Kaya pasakit sa akin pag sa ganito ako tumatae.

Kaya naman tumatambay na lang ako dito sa CR sa opisina namin. Dahil dalawang puwet lang ang pwedeng gumamit nun, ako lang at ang boss ko. Nakandado yun palagi at nasa akin ang susi. Walang sinuman ang may karapatang mag CR dun kundi kami lang, hehehhe! Eh komo boss ko ang isa sa gumagamit nun kailangang MAGANDA,MALINIS, MABANGO ang aming CR. Kaya sarap na sarap ako pag tumatae o umiihi sa CR namin sa ofis, minsan pinipigil ko ang pagaaburuto ng aking tyan para dyan ako tumae. Masarap kasi dun malamig kasi aircon, tapos laging may tissue sa gilid, tapos may handwash pa, at isa pa may hand sanitizer pa sa gilid kaya kahit katatapos mo lang tumae puwede ka na uling kumain ng chizcurls at didila-dilaan mo pa yung mugmog sa kamay mo . Saka isa pa sa maganda dyan sa CR na yan may hose sa gilid na itatapat mo lang sa puwet mo atDi ba sarap talagang tumae dun, teka heto ang piktyur para makita nyo.

****Pwede mong halikan ang inodoro sa sobrang linis.


***** Presko at maginhawa dito



Ano sa tingin nyo?Pang hotel ang CR noh, kaya nga sa susunod magdadala na ako ng kumot at unan dyan. Dyan na ako titira!!

*Nga pala yan lagi ang background ko sa tuwing kukuhanan ko ang piktyur kong mag-isa.

Sunday, June 7, 2009

GUSTO KONG GIP


Pag may gusto akong isang bagay masyado akong atat at hindi mapakali. Hindi ko pwedeng ipagpabukas ang mga iyon kasi tyak di ako makakatulog ng mahimbing. Sa totoo lang taon-taon nireregaluhan ko ang sarili ko ng pinakagusto kong bagay o gamit (pero kalimitan puro gadget). Ito na ang pampalubag loob ko sa isang taong pagtatrabaho at pagreremit ng pera sa aking PAMILI. Medyo wala na kasing natitira sa sweldo ko kasi syempre mas kailangan nila ang pera sa Pinas kaysa mas kailangan ko dito sa Saudi. Kaya todo tipid ako dito para sa kanila, kahit na magdildil ako ng asin dito (joke lang nagdadrama lang ako!!syempre asin na may kasamang isang buong manok at kanin)


Back tayo sa ireregalo ko sa sarili ko. Well, naatat akong bigla ng makita ko ang TV ng barkada ko dito sa Saudi, ang ubod laking SONY BRAVIA LCD TV 42 inches, ultimo buhok sa ilong ni Katrina Halili at kulangot ni Willie ay makikita mo sa laki at linaw. Medyo aamin ko na-inggit ako, syempre medyo bespren ko kasi ang T.V .Ito ang pampaalis homesick ko sa loob ng apat na taon ko sa Saudi.


Kaya naman naman bilang ganti sa aking sarili (ayos MEGANUN!) eh bibili ako ng LCD TV kahit yung 32 inches lang. Medyo after 3 months pa kasi magbabayad ako ng renta ng bahay dito. Ito na rin ang regalo ko this year sa aking sarili, mura lang naman dito nun eh, at makakabili rin ako nun basta 2 buwan akong kakain ng noodles at sardinas, at di muna ako kakain ng shawarma medyo paminsan minsan na lang. Basta ito ang pagtutuunan ko ng pansin………. TV TV TV TV at TV. Kahit magka swine flu ako dito basta may SONY BRAVIA LCD TV lang ako, hahaha!!Jokies lang.


Hayaan nyo babalitaan ko kayo pag nakabili na ako.

Wednesday, June 3, 2009

MGA BLOGS KO

Marahil nagtataka kayo kung ano ang pagkaka-iba ng blog ko na ito sa isa ko pang blog (akin din yung DRAKE’S ROOM na nasa gilid------>


Sabagay kung di mo binabasa ang alin man sa blog ko na ito tyak wala kang pakialam sa akin, (teka paano mo nabasa ito kung di mo binabasa ang blog ko, weirdddd). Pero sa totoo lang ang blog ko na ito ay naglalaman ng mga walang kakwenta kwenta kong pananaw sa buhay. O di kaya sinsusulat ko lang ang nakikita at napapansin ko sa aking kapaligiran. Yung isa ko namang blog ay naglalaman ng nakakatawang kwento at sanaysay na may aral din namang mapupulot. Pero dito sa blog na ito wala kang mapupulot kahit singkong duling. WALA .Kaya wag ng umasa.


Hindi ako nagsusulat ng mga kadramahan, kakesohan at kaseryosohan basta puro light and easy to read lang ang mga nandito. Yung parang nagdaang hangin lang, o kaya para lang akong nautot ng mabaho magagalit ka kunwari pero pagkatapos ay makakalimutan mo rin. Ganyang ganyan ang blog ko na ito para wala lang nabasa mo den apter 2 minits nakalimutan mo na.Hindi tulad ng isa ko pang blog na minsan may tae pang kasama(uhmmm ang ibig sabihin ko sa tae ay ARAL,naks sumesegway). Dito tamang aliw lang, kumbaga sa babaeng nagsasayaw sa mga beerhouse eh hanggang panti’t bra lang hindi pwede ang all the way.


Isa pa, halos maigsi lang ang mga nakasulat dito kaya ………….tapos na ang kwento ko.
Bye bye


P.S
Para di masayang ang pagbisita nyo dito panoorin nyo na lang ang video sa ibaba. Eh sana naalala nyo pa ito basta tandang tanda ko noon, nakabandera sa mga pahayagan PRESYO NG NGIPIN NI ALLAN K, ISANG MILYON. (wala namang kakoneksyon ito sa blog ko, wala lang nilagay ko lang, may angal??)